Chapter 5
Masakit ang ulo ko pagkagising. Sikat na ang araw at pumapasok ang liwanag nito sa nakabukas na balkonahe ng kwarto ko.
Tatlong rosas ang nakita kong nakapatong sa ibabaw ng side table ko.
'I'll be back' ang nakasulat sa maliit na note katabi nito.
Mas nagpadagdag pa sa sakit ng ulo ko ng isiping sino ang nagpadala nito. Sabado ngayon. Wala akong pasok at kailangan kong tumulong sa resort. Nagbihis ako at nagpalit ng uniform namin sa resort.
"Issa, tara pinapapunta tayo ni Cynthia sa cottage sabay sabay daw tayong mag almusal." Tawag sa'kin ni lola.
Agad naman kaming bumaba at naabutan naming paalis ang dalawang lalaki bago pa kami makalapit ay tuluyan na silang nakalayo.
"Si Michael ba 'yon?" Tanong ni lola
"Oo manang mauuna daw siya dahil may aasikasuhin pa hindi daw pwedeng matagalan. Kain na tayo."
"Ay bakit hindi man lang nagpaalam sa amin. Tsaka sino naman 'yong kasama niya?" May panghihinayang sa boses ni lola.
Nakatitig ako sa papalayong bulto ng dalawang lalaki mediyo malayo na sila at hindi ko din sila makilala dahil pareho silang nakatalikod sa gawi namin. Nang pasakay na sila sa kotse ay nakita ko ang side view ng isa sa mga lalaki.
Parang huminto ang paligid ko. Nanlambot ang tuhod ko. Hindi. Bumalik ang kabang nararamdaman ko lamang sa twing maaalala ko ang sinapit ko sa mansiyon na 'yon.
Iwinala ko sa isipan ang nakita. Imposibleng mangyari ang iniisip ko. Huminga ako ng malalim bago ako sumali sa pag-uusap nila lola.
"Hindi niyo po kilala 'yon lola." Sabi ni Cynthia. Napatingin ako sa kaniya isang ngiti naman ang ibinigay niya sa'kin.
"Ang bilis naman niyang umalis?" Tanong ko pagkaupo.
"Oo bumisita lang siya. Marami pa daw siyang aasikasuhin. Sayang nga balak ko pa naman sanang mag day-off ngayon para makasama siya."
"Kailan ulit siya babalik?"
"Hindi ko din alam. Wala namang sinabi. Bakit? Miss mo na agad?" Natatawang sabi ni Cynthia.
Baliw talaga ang babaeng ito. Kung makapagsalita akala mo ay walang kung anong namamagitan sa kanila ni Michael.
"Huwag ka mag-alala I don't mind sharing him with you, HAHAHAHA!"
Naiiling ako sa mga lumalabas sa bibig niya lagi siyang ganiyan sa tuwing inaasar ako sa mga lalaki.
"Ikaw na munang bahala sa resort mamaya at may pupuntahan ako." Si Cynthia.
"Saan naman?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"Basta. Siya nga pala yung dress na isusuot mo para sa ball niyo ipapadala ko na lang sa kwarto mo." Kumindat pa siya sa akin bago tuluyang umalis.
Isa pa yang masquerade ball na 'yan. Ayaw ko sanang pumunta dahil bukod sa wala naman akong gagawin don ay wala rin akong isusuot. Pero nang nalaman ni Cynthia ay agad niyang sinabi na marami siyang damit na pwede kong hiramin. Pinilit niya akong pumunta dahil minsan lang naman daw.
"Issa, ano pupunta ka?" Si Carl school mate ko siya na nag t-trabaho din dito sa resort at graduating na rin. Siguro ay pupunta din siya sa ball.
"Oo ayos lang naman kay Cynthia kaya siguro okay na din sa'kin."
"Sabay tayong pumunta. Okay lang ba? O baka may nagyaya na sa'yo." Mediyo nahihiya pa siya habang sinasabi ang mga salitang yun.
"Wala namang nagyaya sakin kaya sige sabay tayo."
Dumating ang araw ng ball namin. Ang kulit kulit ni Cynthia dahil pinipilit niyang ipasukat sa'kin halos lahat ng gown niya.
"Bagay talaga sayo yang gown na yan. Mabuti na lang at naitago ko pa pala yan." Sabi niya habang kinukulot ang mahaba kong buhok.
Siya din ang naglagay ng makeup sakin. Marunong siya sa pag a-apply nito dahil cosmetology ang course niya nung college hindi nga lang siya nakatapos dahil lakwatsa daw siya noon. Ewan ko kung totoo dahil hindi naman siya mukhang gano'n.
Hindi naman ako nag e-expect dahil alam kong hindi naman gaanong skilled si Cynthia. Pero malaki ang ngiti ko nang makita ko ang sarili ko sa salamin.
Mas nakita ang hubog ng katawan ko sa fitted royal blue gown na suot ko. Kakaibang style ito at deep V pa sa harap hindi ako komportable dahil mediyo nakikita ang cleavage ko. Mahaba din ang slit nito na nire-reveal ang kanang bahagi ng hita ko.
Kinulot niya lang ang buhok ko at hindi niya din kinapalan ang makeup sa mukha ko. Kulay silver na stiletto ang ipinares ko na bumagay naman sa kulay na suot ko.
Malaki ang ngiti ni Carl nang nakita niya ako. His smile made me feel more confident. The nervousness that I am feeling a while ago is slightly vanishing.
"Mukhang maraming maiinggit sakin ngayong gabi." He's blushing when he said those words
"O Carl, alam mo na, kung si Cindirella ay hanggangg hating gabi. Yang prinsesa namin hanggang alas onse lang yan." Paalala ni Cynthia.
Napakamot naman sa ulo si Carl. "Huwag kayong mag-alala miss Cynthia bago pa maging kalabasa ang karuwahe ay naiuwi ko na siya dito." Gusto kong matawa sa pinag-uusapan nila.
Hindi na rin kami nagtagal at sumakay na kami ng tricycle papuntang complex kung saan gaganapin ang ball.
Sinalubong kami ng ilang organizers at binigyan kami ng maskara na required isuot pagpasok sa loob.
Kulay itim ang maskara ni Carl at kulay Silver naman ang akin.
Marami nang tao pagpasok namin sa loob dumadagundong na din ang malakas na tugtog mula sa mga speaker.
Pumwesto kami sa malapit sa mga kaklase ko para daw mas maging komportable ako.
"May mga special guest daw na dadating mamaya galing Maynila. Narinig mo ba?" Nag-uusap ang dalawa kong kaklase sa likod malakas ang boses nila kaya hindi lo maiwasang hindi marinig. "Sila raw ang major sponsor ng event na to kaya inimbitahan din sila ng faculty."
The complex become more crowded. Nagsimula na ang program. Ipinakilala ang mga professors sa harap. Nagsalita na rin ang master of ceremony at ipinakilala rin and mga mag p-perform. Isang banda ang inimbitahan ng school para mag perform buong gabi.
Sinabihan kami ng event organizers na pumila ang magkakapareha para sa gagawing picture taking sa harap.
Tumayo kami ni Carl. He put his hand on the small of my back to lead me where the other students are forming a straight line with their partners.
"Grabe Carl, ang swerte mo naman. Mamaya isasayaw namin siya ha." Narinig kong sabi ng ibang lalaki sa linya. Kahit na natatakpan ng maskara ay nakikilaala pa rin nila ang isa't isa.
Ngumiti lamang si Carl sa kanila at inilapit ang bibig sa aking tenga tingin ko ay may ibubulong siya.
"Sayaw tayo mamaya ha." Bulong niya sakin habang ang kamay niya ay lumipat naman sa bewang ko.
Kami na ang kinukuhanan. Ramdam ko ang titig ng iilan noong pumunta kami sa harapan. Nanatiling nakahawak si Carl sa bewang ko habang ako naman ay nakangiti sa Camera. Kahit may tugtog ay naririnig ko ang kantyaw ng iilan.
Bumalik kami sa upuan namin. Nakita ko namang may papalapit sa amin nay may dala dalang bouquet ng bulaklak.
"Ms. Issa?" Tanong niya. Tumango ako bilang tugon. "Someone asked me to give this to you." Sabay abot sakin ng bulaklak.
Tumingin ako kay Carl at parehas kaming nagtataka. Inamoy ko ang bulaklak. Napansin ko ang iilang mata sa amin.
"Kanino po galing?"
"Hindi ko rin alam. Basta inabot lang sakin at i-abot ko daw sa'yo." Yun lang ang sinabi niya iniwan na kami dahil madami pa daw siyang gagawin.
...
BINABASA MO ANG
Midnight Romance (COMPLETED)
RomanceHow can you say that you love someone, if you only have the chance to be with him during Twelve Midnight? Si Olivia Issabel Hernandez at ang kaniyang lovestory na nagsisimula lamang tuwing sasapit ang alas dose ng hatinggabi. Dark Romance #1 (Warni...