Chapter 12
(This is the part after the Prologue. Do not be confused.)
"Hinding hindi ako magsasawa."
Nanlaki ang mata ko. Ang mga salitang 'yon at ang boses na 'yon ang tuluyang nagpayanig sa aking mundo.
Ang takot na hindi ko na naramdaman dahil sa kaniya ay siya rin palang magpapabalik.
Gusto gusto ko nang makalaya sa gabing 'yon. God knows how much I wanted to forget that night. Maging ang mga magulang ko ay halos kalimutan ko na huwag ko lamang ulit maalala ang sinapit nila sa mansion na 'yon.
Agad ko siyang itinulak at pumunta sa pinaka gilid na bahagi ng kama ko. I pulled the blanket and used it to cover my nakedness. Tahimik pa din ang paligid dahil dahil tulog na ang mga kasama ko.
Ngayon ko na lang ulit siya nakasama pagkatapos ng ilang linggo niyang hindi pagpapakita tama nga ako kakaiba ang gabing ito.
Mula sa pwesto ko ay binuksan ko ang lampshade ko. Nasinagan ng kaunting liwanag ang kaniyang mukha at doon ko siya mas nakilala mas nakumpirma ko ang mga tumatakbo sa utak ko. Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko.
Si sir Sandro, ang anak ng matandang don na matagal na naming pinagtataguan ay naririto sa harap ko. Ang taong akala ko ay matagal nang patay ay siya palang nagugustuhan ko. Hindi ako makapaniwala.
Mabilis na nakilala ng katawan ko ang takot. Ang nginig ay mabilis na gumapang sa buong katawan.
Tinitigan ko siya. Ang kaniyang mga mata ay biglang nabahiran ng pag-aalala. Noon tuwing nakikita ko siya ay laging kalmado ang ekspresiyon niya. Kahit noong papatayin na siya mg sarili niyang ama, wala akong nakitang takot sa mga mata niya.
Halos manlamig ako nang unti unti siyang lumapit sa akin. Isinuot niya ang kaniyang pambaba at tumayo nag tangka siyang lumapit sa akin pero mas umusog lang ako papalayo sa kaniya.
Nang makita niya ang reaksiyon ko ay huminto siya humakbang siya paatras. Kitang kita ko ang takot at sakit sa kaniyang mata.
"I-ikaw?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
He gritted his teeth.
"You said, you won't judge me?" Ang sakit sa boses niya ay hindi na rin maitago.
"H-hindi, hindi pwede! A-anong ginagawa mo dito? Gusto ko nang kalimutan ang pamilya niyo! Bakit ka pa pumunta dito!"
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko. Hindi ako makapaniwalang ang taong nagugustuhan ko ay anak ng taong sumira sa buhay ko. Anak siya ng taong pumatay sa mga mahal ko. Hindi ko siya matatanggap.
"I'm sorry, please. Hindi ako katulad niya. Handa akong protektahan kayo. Please Olivia, believe me." Puno ng pagsusumamo ang boses niya.
Nanginginig pa rin ang buo kong katawan habang inaalala ang ginawa niyang pagtulong sa amin para makatakas sa mansion. Labis labis na ang takot na nararamdaman ko pero ang tahip ng puso ko ay napakabilis. Alam kong hindi ito dahil sa takot at kaba, kundi dahil sa may nararamdaman ako para sa kaniya.
Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman kong ito.
"Oo, n-nagawa mo kaming tulungan noon, pero paano kung binabalak mong ibalik kami sa ama mo ngayon?" Puno ng pag-aakusa ang boses ko.
"No, no! I won't do that!"
"Please, umalis ka na! Ayaw ko sa'yo. Nagsisisi ako na ibinigay ko ang sarili ko sa'yo! Umalis ka'na ayaw kitang makita!" Pigil ang galit ko habang sinasabi iyon sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance (COMPLETED)
RomantikHow can you say that you love someone, if you only have the chance to be with him during Twelve Midnight? Si Olivia Issabel Hernandez at ang kaniyang lovestory na nagsisimula lamang tuwing sasapit ang alas dose ng hatinggabi. Dark Romance #1 (Warni...