Chapter 17
I saw how Sandro's eyes widened because of what I said.
"Please remove the Lagdameo and put baby Villanueva instead. It's his father's surname." Sabi ko sa nurse na agad naman niyang isinulat at bumalik siya sa loob para idinikit sa anak ko ang pangalan na sinabi ko.
"Villanueva?" Si lola. Na parang naguguluhan sa ipinagawa ko. Nag palipat lipat din ang tingin niya sa aming tatlo.
Bumaling ako kay Sandro. Confusion was evident on his his face. Nakita kong tinapik ni Michael ang balikat ni Sandro. Na nagpabalik sa kaniya sa katinuan.
"I think you need to talk. Na, ikuha natin ng mga gamit si Olivia." Tumango si lola sa sinabi ni Michael mediyo nakatulala pa siya. Hindi pa siguro niya na pa-process ang sinabi ko.
Nang makaalis sila Michael ay muli kong hinarap si Sandro. Ngayon ay hindi na siya makapaniwala habang nakatingin sa anak namin.
"Akala ko kahit kailan ay hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na ipakilala siya sa'yo. Naiisip ko din na hindi ko naman na siguro kailangang sabihin sa'yo kasi nandiyan naman si lola at Michael. Siguradong hindi nila kami pababayaan." Humugot ako ng malalim na hininga.
Hawak niya ngayon ang salamin ng nursery. Ang tingin niya ay nanatiling nakatuon sa anak namin. Kitang kita ko ang sakit sa pagtulo ng luha mula sa kaniyang mata. Kahit wala sa akin ang atensiyon niya, alam kong nakikinig siya.
"Pero naisip ko din yung buhay ko na hindi kasama ang mga magulang ko. Hindi ko man lang sila nakasama ng mas matagal. Kasama ko lagi si lola, inalagaan niya ako, pero hindi pa rin maalis sa'kin ang maramdaman na meron talagang kulang. Ayokong maranasan 'yon ng anak ko." Dagdag ko pa. My voice broke while saying those words. My tears are flowing slowly too.
Isinandal niya ang noo sa salamin ng silid gano'n din ang kaniyang kamao. Bakas na bakas ang sakit sa bawat kilos niya. Muli akong tumingin sa anak ko. Naaawa ako sa kalagayan niya.
"Ayoko rin na maranasan niyang mabuhay na tago ng tago. Gusto kong mabuhay siya ng walang iniisip na pangamba. Noong nalaman kong nagbunga ang ginawa natin, hindi ko alam ang gagawin k—"
Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong yakapin. Nakaupo ako sa wheelchair kaya lumuhod siya sa harap ko. Napapikit ako habang dinadama ang higpit ng yakap niya parang napakatagal na mula nang maramdaman ko 'to.
"I'm sorry."
Mas nauna pang kumilos ang katawan ko kaysa sa bubig ko. Ipinulupot ko ang kamay ko sa kaniya at wala nang sinabi pa.
Rinig na rinig ko ang mahina niyang paghikbi. Never in my life did I imagine that I would see him crying. Noon pa man sa mansion, nakikita ko ang walang emosiyon niyang mukha. Hindi rin niya pinagtutuunan ng pansin ang mga nasa paligid niya.
"I'm sorry, I don't know. I'm sorry. Please, forgive me." Kasabay ng pag-iyak niya ay ang mga salitang iyon. Maging sa tono niya ay mababakas ang sakit.
Marahan kong hinaplos ang kaniyang likod. Ang lalaking nagugustuhan ko ang ama ng anak ko ay nakikita kong nasasaktan sa harapan ko. Pakiramdam ko ay parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam.
"A child! I have a child but I don't even know, all this time I got angry at Michael thinking that he took you away from me. Pinasundan ko kayo sa mga tauhan ko kahit noong bagong lipat palang kayo. My men told me that you and Michael are living together they told me that you're carrying Michael's child. But they're wrong. God! I'm glad they're wrong! because he's my child. I am now a father." May pait sa kaniyang mga salita pero bakas din ang tuwa sa mga huli niyang sinabi. "Kung hindi ko siguro kayo hinanap at sumunod sa tinitirhan niyo hindi siguro 'to mangyayari." Naiiling siya hang sinasabi 'yon. Punong puno ng pagsisisi ang kaniyang boses. "Our child, Olivia. I can't stand seeing him in that condition." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at muling akong tinignan pati ang aming anak.
"Ako din, hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. Ang sakit na makita siyang nasa ganiyang kalagayan. Pero alam kong matapang siya. Magagawa niyang magpalakas para sa atin." May ngiti sa labi ko habang sinasabi 'yon.
"Thank you Olivia, thank you for bringing our child in this world. Thank you for being brave."
Ilang sandali lang ay namayani sa amin ang katahimikan. Nanatili lang kaming nakatingin at pinagmamasdan ang aming anak.
Narinig ko ang bigat ng kaniyang paghinga. Pinunasan niya rin ang pisngi niya. Matapos iyon ay ang akin naman ang pinunasan niya. Ang sarap damhin ng pagdampi ng palad niya sa pisngi ko.
Halos mamula ang mukha ko ng manatili siyang nakatitig sa akin. Hindi ko matagalan ang titig niya kaya iniwas ko ang aking tingin at itinuon ito sa mga daliri ko. His right hand held my chin that leads my eyes back to him; while his other hand slowly caressing my hands on my thighs. I feel like my heart is about to explode because of that.
"I'm sorry, I didn't mean to go after you. Alam ko kung gaano katindi ang dinulot ng ama ko sa pamilya mo. Pero hindi ko napigilan ang sarili kong sundan ka." Napapaos ang boses niya habang nakatitig pa din sa akin. "I know this is not the right time but, I love you, Olivia."
Para akong naestatwa sa sinabi niya abot-abot pa din ang tahip ng puso ko mula sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Noon ay hindi ko alam kung parehas ba kami ng nararamdaman. Akala ko noon ay ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa.
Nagulat ako sa mga salitang 'yon.
"Even before you left the mansion, I already love you. Lagi kitang nakikita sa hardin ng mansiyon. I don't want to go near you beacause I'm afraid I might break you. I don't want to introduce my self back then because I'm worried I might scare you." Dagdag niya pa.
I don't know what to say after his confession. Noon ay nakikita ko rin siya sa masion pero kahit kailan ay hindi ko nakitang tinapunan niya ako ng tingin. Natatakot akong lumapit sa kaniya noon dahil anak siya ng amo nila mama. Usap usapan din noon na hindi maganda ang ugali niya kaya hangga't maaari ay iniiwasan ko siya.
"Please take me back. I promise to protect you and our child. I will do everything to—" Hindi ko siya pinatapos, isang halik ang iginawad ko na naging dahilan ng pagkagulat niya. Ako naman ngayon ang humawak sa pisngi niya at tumitig sa mga mata niya.
"Mahal din kita, Sandro. Kahit noon na sa dilim lang kita nakakasama, kahit noon na hindi pa kita lubusang kilala, mahal na kita. Kahit natatakot ako noon ay sa'yo ko din naramdaman ang pagiging ligtas. I'm sorry that I didn't appreciate the things that you did for me and for lola Daisy back then. You even risked your life just to help us escaped."
Mahigpit niya akong niyakap. "Now, I will fight for this family. I will fight for you and for our little Sandro. I will fight for the both of you." His hug makes me feel secure.
Alam kong hindi pa rin tuluyang naaalis sa akin ang pangamba at pag-aalala. Pero susubukan kong sumugal. Para sa magiging pamilyang bubuuin namin. Magtitiwala ulit ako sa kaniya at ipapaubaya ko na sa nararamdaman ko ang lahat.
Inalalayan niya akong tumayo. May ngiti sa mga labi namin habang sabay naming pinagmamasdan ang aming anak. Ngumiti ako sa kaniya. Yumakap ako sa bewang niya habang ang labi niya ay nasa gilid ng aking noo.
...
Kamusta? Share your thoughts.
BINABASA MO ANG
Midnight Romance (COMPLETED)
RomanceHow can you say that you love someone, if you only have the chance to be with him during Twelve Midnight? Si Olivia Issabel Hernandez at ang kaniyang lovestory na nagsisimula lamang tuwing sasapit ang alas dose ng hatinggabi. Dark Romance #1 (Warni...