Chapter 15: Neighbor

350 17 4
                                    

Chapter 15

Kahit na binabagabag ako ng mga bulaklak na hawak ko ay nagawa ko pa rin itong ilagay sa isang kahon. Nakalagay doon lahat ng bulaklak na galing sa kaniya ang iba'y halos wala nang dahon dahil sa sobrang tuyo.

Posible kayang alam niya na? Sinabi kaya ni Michael?

Inayos ko ang sarili ko maaga akong naligo at dumiretso sa kusina. Balak ko sanang maghanda ng almusal pero lumaki bigla ang ngiti ko nang makita ko si Michael na inihahanda ang lamesa.

"Michael?!" Hindi ko mapigilan ang tuwa nang makita siya. Ngayon ay wala na ang aking pag-aalala.

"Ang aga naman magising ng mommy namin. Kamusta ang baby? Namiss ba si tito o baka si daddy and nami-miss pati ni mommy." May nakakaasar na ngiti ang labi niya habang kinakausap ang tiyan ko. "Upo na." Sabi niya tsaka niya inilahad ang isang upuan. "Tinawag ko na din si Nana Daisy para sabay sabay na tayo."

Tumango ako sa kaniya at tiningnan ang mga niluto niya Isda at gulay para sa almusal. Ganito din ang inihahanda niya noong una naming nalaman na buntis ako. Naglagay din siya ng gatas sa tabi ng plato ko.

"Mabuti naman at naayos mo na ang problema doon sa Maynila. Akala namin ay kung ano na ang nangyari dahil ang tagal mo." Sabi ni lola.

"Oo nga po akala ko ay mag e-extend pa ako. Buti na lang at naayos na."

"Naka punta ka ba ng Bataan? Nakausap mo ba si Cynthia?" Si lola mediyo excited pa siya dahil nung nakaraan pa siya nag ku-kwento tungkol kay Cynthia.

Tumingin ako kay Michael nang bigla siyang natahimik. Hindi agad siya sumagot. Napansin ko din ang paglungkot ng ekspresiyon niya.

"Hindi ko po siya naabutan. Sabi ng mga nagta-trabaho sa resort umalis daw at hindi sinabi kung saan pupunta." Napatitig ako ako kay Michael dahil pati sa tono niya ay bakas din ang lungkot niya.

"Gano'n ba? sayang naman, pati ang number niya ay hindi na din ma-contact ni Olivia." Pati si lola ay nalungkot na din.

"Siguro ay may importanteng lakad lang. Kahit noong nasa resort kami ay madalas talaga ang pag alis-alis niya." Sinubukan kong pagaanin ang usapan kahit na tumatakbo na sa isip ko ang posibleng dahilan ng pag-alis ni Cynthia.

Nag-angat ng tingin si Michael isang ngiti ang iginawad ko sa kaniya at sinuklian naman niya ito.

Nagpatuloy kami sa kuwentuhan tungkol sa mga nangyari noong umalis si Michael.

Pagtapos kumain ay nagpresinta akong maghugas ng plato pero siyempre dahil sa kalagayan ko ay hindi na naman sila pumayag.

"Maglalakad lakad lang po ako sa labas." Nagpaalam ako bago ako lumabas ng bahay.

Ganito lagi ang ginagawa ko tuwing umaga. Ang gandang pagmasdan ng bukid presko din ang hangin at ang ganda ng sikat ng araw. Hindi ako lumalayo sa bakuran. Minsan lang ay nakakapunta ako sa bakuran ng ibang bahay dahil pinagmamasdan ko ang mga rosas nila.

Noon sa bahay namin lagi kaming nag aalaga ni mama ng bulaklak alam niya kasing hilig ko ang mga ito. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga rosas na nakatanim sa bakuran ng isang bahay.

"Gusto mo ba hija?" Napatalon ako sa boses ng isang babae. Napatingin ako sa kaniya. Mukhang masungit.

"Pwede po ba?" Nahihiya kong tanong. Siguro ay nakita niya kung paano niya pagmasdan ang mga bulaklak.

"Kalilipat lang ng amo ko dito. Hindi naman siguro niya mapapansin kung mababawasan ang mga tanim dito." Sabi niya habang binubunot ang isang puno ng rosas. Nagulat ako nang iangat niya ito. Kasama ang ugat! Ang akala ko ay isang piraso lang ng bulaklak ang ibibigay niya.

"Naku, salamat po. Kayo po pala ang bagong lipat diyan. Nakita namin kahapon."

"Oo, ang laki na ng tiyan mo. Ilang buwan na?" Marahan niyang hinaplos ang tiyan ko. Hindi ako natakot dahil mukha naman siyang mabait.

"Pitong buwan na po."

"Malapit ka na pa lang manganak. Sige mauna na ako sa'yo baka hinahanap ako ng amo ko." Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay.

Umalis na rin ako at excited na iuwi ang puno ng rosas ngayon ay may pagkakaabalahan na ako.

Nang nasa gate na ako ng bahay ay bahagyang sumakit ang tiyan ko. Napakapit ako sa bakal ng gate. Napansin siguro nang ilang tauhan ang hitsura ko kaya nilapitan nila ako.

"Maam, ayos ka lang?"

Itinaas ko ang isang kamay ko at tumango bilang sagot. Nang masigurong ayos lang ako ay bumalik sila sa kani-kanilang pwesto.

"Ang sabi ng isa sa tauhan ko ay may nangyari daw kanina?" Si Michael. Bigla na lang siyang sumulpot habang tinatanim ko ang rosas.

"Wala lang yun, mediyo sumakit lang." Tinuro ko ang tiyan ko.

"Anong wala lang paano kung masama pala yun para sa'yo tsaka ano ba yang ginagawa mo? Bakit hindi mo na lang iutos sa mga tauhan." Nakakunot ang noong tanong niya.

"Ayos lang ako Michael, 'tsaka inip na inip ako. Hayaan mo na 'ko." Mediyo napahinto ako sa ginagawa nang pumasok sa isip ko ang bulaklak sa higaan ko kaninang umaga. "Michael, sinabi mo ba sa kaniya kung nasan tayo?" Sumeryoso ang tono ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya.

"I didn't. Pero alam mo kung gaano kayaman ang pamilya niya, kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay matunton niya tayo." Nag-iwas siya ng tingin. "Pumasok ka na sa loob."

Tinapos ko na ang ginagawa ko. Inalaayan ako ni Michael sa pagtayo pero dahil bestida ang suot ko ay naapakan ko ang lalaylayan nito.

"Michael!!" Natatarantang tawag ko sa kaniya.

Na out of balance ako kaya muntik na akong matumba mabuti na lamang at hawak ni Michael ang kamay ko kaya agad niya akong nasuportahan. Bago pa ako tuluyang bumagsak ay hinila ako ni Michael palapit sa kaniya. Bumasak ako sa malapad niyang dibdib habang hawak niya ang isang braso ko.

Narinig ko ang tikhim ni lola kaya agad akong humiwalay kay Michael.

"Talaga itong dalawang 'to, para kayong yung napapanood ko sa mga drama e! Naku diyos ko." Sabi sa amin ni lola na naiiling pa pero agad din siyang umalis.

"Hindi kasi nag-iingat. Huwag ka nang magsuot ng mga ganiyang damit." Sabi ni Michael. Napatingin naman ako sa suot ko.

"Pati ba naman suot ko ay ipagb—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko sa peripheral vision ko na parang may nakatingin sa amin.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng mskilala ko kung sino ang lalaking nakatayo sa gate ng bahay. Si Sandro, hindi ko matukoy ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, ang dahilan ng pagtibok ng puso ko ay hindi takot. Hindi rin nanginginig ang katawan ko. Sa isang iglap ay arang nawala ang takot ko. Bumalik ang pakiramdam na sa kaniya ko lamang nararamdaman, ang pagiging ligtas.

Sinalubong ko ang kaniyang tingin. Napansin ko ang boquet ng bulaklak sa kanang kamay niya.

Habang nakatingin ako sa kaniya ay napansin ko ang pagkunot ng noo niya pati na rin ang inis ay hindi maikakaila sa ekspresiyon niya.

Hindi ako makapaniwala. Ang taong iniiwasan ko at ang ama ng anak ko ay naririto sa harap ko. Hindi ko alam pero parang hinaplos ang puso ko sa isiping hinanap niya talaga ako.

...

Midnight Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon