Chapter 22: Peace

374 17 1
                                    

Chapter 22

Olivia.

Sabi ni papa, siya ang nagbigay ng pangalan sa akin. Nakuha niya ang aking pangalan sa isang puno na nangangahulugan ng kapayapaan.

That's right, Olivia means peace pero bakit hindi man ko man lang naranasan ang kapayapaan? Hindi ako nakakaramdam ng kapayapaan pero nakakaramdam ako ng pagiging ligtas. At kay Sandro ko lang 'yon naramdaman.

Iminulat ko ang aking mga mata. Hawak hawak ni Sandro ang aking kamay habang nakayuko. Pinilit kong iangat ang aking isang kamay para mahawakan ang ulo niya.

Nang lingunin niya ako ay nakita ko ang tuwa at pagkaginhawa sa kaniyang mga mata. Bakas din sa kaniyang mukha ang matinding pagod.

"Olivia." Parang pinipiga ang puso ko nang magsimulang tumulo ang mga luha niya. Gustong gusto ko siyang yakapin pero nanghihina at hindi pa kaya ng katawan ko, kahit pa anong pilit ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Hinalikan niya ang aking kamay na hawak ng dalawang kamay niya. Ang kamay ko ay dinala ko sa kaniyang pisngi para punasan ang mga luha niya.

"I'm sorry. Ayokong mawala ka samin ng anak mo." Nanghihinang tugon ko.

"At ako? Tingin mo ba hindi ako natatakot na mawala ka? Hanggang ngayon ba nagdadalawang isip ka pa din sa nararamdaman ko?" Kapansin pansin ang pait sa boses niya. "Hindi ko kakayanin Olivia, alam mo ba kung ano ang naramdaman ko nang hindi ka man lang nagdalawang isip na saluhin ang balang 'yon? Mahal na mahal kita kaya hindi ko kayang mawala ka." Muli nanamang tumulo ang mga luha niya. Parang kinukurot ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ganito.

"Mahal din kita Sandro. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala kayo ng anak natin. Mahal na mahal kita, kaya ko 'yon ginawa."

Tumayo siya at habang hawak ang kamay ko ay hinalikan niya ang aking noo. Pumikit ako para mas maramdaman ang halik niya. Saglit na natahimik ang paligid at hinayaan naming kumalma ang isa't isa.

"Nasaan si Gab?" Tanong ko dahil siya lang ang nasa silid ko.

"Kasama niya sina Michael at Cynthia. Si nana Daisy pinagpahinga ko muna. Nsgugutom ka ba?"

"Mediyo."

Agad siyang tumayo at punta sa lamesang puno ng iba't ibang prutas. Ipinagbalat niya ako ng orange, naghiwa din siya ng hinugasan niyang mansanas.

Inalalayan niya ako sa pag-upo. Dahil hindi pa kaya ng katawan ko ay siya ng nagsubo sa akin.

"How are you feeling? May gusto ka pa bang kainin."

"Okay na'ko mediyo masakit lang yung likod ko. Wala na akong gustong kainin. I love you." Nakangiti ako sa kaniya habang sinasabi 'yon.

Napangiti din siya at muling hinalikan ang noo ko. "I love you more. You don't have to worry anymore. No more hiding."

"Sandro,"

"Why?"

"Gusto kong makita si Gab." Gusto kong makita ang lagay ng anak ko matapos ang nangyari.

"Makikita mo din siya. Please magpahinga ka muna. I know that our little Sandro wants to see you too."

We stayed in the hospital for how many weeks. Umuwi na din kami ng payagan ako ng doktor. Kailangan ko lang daw ng pahinga. Pinayuhan din ako na huwag masiyadong gumalaw dahil maaring maging dahilan ito ng mas malalang pwedeng mangyari.

"Oh my God, They're here!" Ang boses ni Cynthia ang sumalubong sa akin.

Lumabas sila ng bahay buhat buhat niya si Gab. Nakasunod naman sa kanila si Michael. Nang makita kami ni Cynthia ay agad niyang ibinigay si Gab kay Sandro sinundan ko ng tingin ang anak ko dahil sabik na akong mabuhat siya pero agad naman akong niyakap ni Cynthia.

Midnight Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon