Chapter 18: Family

354 13 0
                                    

Chapter 18

We named our baby, Dan Gabriel Villanueva. We named him after the angel that sent God's message to Maria.

Sandro and I believe that he is our brave little angel. He is the bridge that brought me and Sandro together.

Sandro decided to move us to a private hospital iniisip niya na mas matututukan kami kapag gano'n.
Halos hindi niya iniwan ang anak namin. Binabalik balikan niya ang nursery na kinalalagyan ng baby habang ako naman ay patuloy na nagpapalakas. In-advice ng doktor na i-incubate muna si baby dahil kulang ito sa buwan. Sa pagdaan ng mga araw ay sobra sobra ang nararamdaman kong tuwa sa tuwing sasabihin sa amin ng doktor na nag i-improve ang anak namin. I'm right, my baby is brave.

Nagstay kami ng ilang linggo sa Ospital hanggang bigyan na kami ng doktor ng go signal para ilabas si baby. Mediyo lumaki at bumigat din siya kumpara sa unang timbang niya noong bagong labas pa lang siya.

Hindi ko makalimutan ang unang beses na kinarga siya ni Sandro, hindi maalis ang ngiti sa labi niya habang namumula ang bawat sulok ng mata  niya. Noong una ay ayaw niya pang hawakan dahil baka daw mabitawan niya. He has big biceps kaya mediyo Natawa ako sa kaniya.

Natakot din ako noong una pero dahil sabik na sabik ako sa anak ko ay nilakasan ko ang loob ko.

"Ang gwapo gwapo naman ng apo ko!" Sinalubong kami ni lola pag-uwi namin sa bahay.

Maraming gwardiya ang nakabantay at nakasunod sa amin dahil sa mga tauhan ni Michael at ni Sandro.

Kinuha ni lola sa braso ko si baby at isinayaw sayaw niya. Kitang kita ko ang tuwa sa mga mata ni lola. "Hindi mo alam kung gaanong naghirap ang mama mo sa'yo. Ikaw kasi ang aga mong lumabas."

Napangiti ako sa sinabi ni lola. Hindi lang ako ang naghirap, sila ang nag-alaga sa akin habang buntis ako at alam kong nahirapan din sila.

"Patingin nga sa baby namin." Si Michael naman ngayon ang lumapit kay baby pero hindi niya rin kinuha dahil natatakot daw siya. "Ay ang gwapo nga kamukha ni tito Michael." Sabi ni Michael na sa tingin ko ay gusto lang asarin ang kaibigan.

Natawa ako dahil sa sinabi niyang iyon. Napatingin naman ako kay Sandro sa tabi ko at ang sama ng tingin kay Michael.

"He looks just like me so stop saying stupid things." Lumapit na si Sandro kila lola. Itinulak niya si Michael palayo sa anak namin at siya naman ang tumingin dito. "He got his eyes from me, his nose and his lips too so you can't deny that he is my son." Nakatitig pa din siya kay baby Gab na nasa bisig pa din ni lola.

"Naku talaga kayo. Umupo na kayo doon at naghanda ako ng makakain kailangan din magpahinga ng mag-ina." Inilapag ni lola ang tulog na si Baby Gab sa Crib niya na binili mismo ni Michael. Noong una ay ayaw pa ni Sandro dahil gusto niya na siya ang bibili pero wala din siyang nagawa dahil hindi niya naman kami maiwan sa ospital.

Puro gulay ang inihanda ni lola. Meron pa doon na purong malunggay lang ang sabi niya sa akin ay mainam daw 'yon para sa pagpapadede kay baby.

"So what's the plan?" Nagkatinginan kami ni Sandro sa tanong na iyon ni Michael. Maging si lola ay napahinto din sa pagkain at nakinig.

Hindi pa namin napag-uusapan ni Sandro ang tungkol dito kaya hinayaan ko siyang magsalita para malaman plano niya.

"Namili ako ng bahay sa Bagac sa Bataan." Nanlaki ang mata ko. "Malapit lang 'yon sa Morong kung saan kayo unang lumipat." He holds my hand under the table and caressed it. Ngumiti ako sa kaniya.

Muking bumalik sa isipan ko ang malinaw na karagatan ng Bataan. Namimiss ko na din si Cynthia. Excited na akong ipakilala sa kaniya ang anak ko.

"I know that you have learned to love that place." Inangat niya ang kamay ko at dinala ito sa mga labi niya para halikan.

"Paano ang ama mo?" Nag-aalalang tanong ni lola. Tama siya. Alam kong hanggang ngayon ay hindi parin kami tinitigilan ng kaniyang ama.

"May ginagawa na kami ni Michael." Napatingin ako kay Michael dahil sa sinabi ni Sandro. Tinaasan niya lang ako ng kilay tapos ay ngumiti. "Habang nasa ospital kayo ay inilalakad na ni Michael ang plano namin. Konting paghihintay na lang at hindi na natin siya kailangang isipin."

Dumaan ang mga oras na pinag-uusapan lang namin ang mga plano namin. Nagsabi si Michael na muli siyang aalis kaya kay Sandro muna kami titira kasama si lola.

Nahinto ang usapan namin ng marinig ang iyak ni Gab. Nagulat ako kay Sandro dahil ang bilis niyang dinaluhan ang anak. Kinuha niya ito sa kuna tapos ay isinayaw sayaw. Nangingiti ako habang pinagmamasdan siya. Nang tingnan ko naman si lola ay nakatingiti din siya. Si Michael naman ay nakakaasar ang mga ngiti sa mga labi.

"Seems like my baby's hungry." Kahit na isinasayaw sayaw ay hindi pa rin tumatahan si baby. Tumayo ako at lumapit sa kaniya para kuhanin ang anak.

Saglit pa lang sa akin si baby Gab ay tumigil na ito sa pag-iyak.

"Wala ka pala e! Hindi ka pa pwede! Hindi ka pa marunong mag-alaga." Si Michael na inaasar nanaman si Sandro. Agad kinuha ni Sandro ang unan sa crib ni Gab at akmang ibabato kay Michael pero nang mapansing sa anak niya 'yon ay agad din niyang ibinalik.

"Anong hindi pwede. I will learn that eventually."

Ngayon ko lang nakita ang side nilang ganito. Madalas ay nakikita ko silang seryoso at ni hindi man lang ngumingiti. Parang nakakagaan sa pakiramdam kapag ganito lang. Yung hindi ako matatakot sa pwedeng mangyari kasi wala kaming ibang iisipin kundi ang pagiging masaya.

Nang hapon na ay nagpaalam na si Michael. Sumama muna sa bahay ni Sandro na hindi naman kalayuan. Ang bahay na may nagbigay sa akin ng rosas.

Hindi sigurado si Michael kung kailan siya muling makakabalik pero nangako siya na tatawag para hindi kami mag-alala.

Hawak ko si baby Gab nang mkapasok kami sa loob ng bahay niya. Si lola ay agad dumiretso sa isang kwarto para ayusin ang mga gamit.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang isa pang crib sa loob ng isang kwarto kaya pala ipinaiwan niya na ang binili ni Michael. Pinagmasdan ko din ang silid. Para talaga tong kwarto ng isang batang lakaki. Kulay asul ang pintura at may isang shelf din puro libro ng kung ano-anong kuwento. Nagtaas ako nag kilay para namang maiintindihan yan ng anak niya. Sa taas ng Crib ay nakasabit ang mga laruang eroplano na gawa sa malalambot na tela. Sa kisame naman ng kwarto ay ang mga glow in the dark display ng mga bituin at buwan.

"Kailan mo pinagawa to?" Tanong ko Nagulat ako dahil sa hitsura ng kwarto ay alam mong pinaghandaan. Nagiwas siya ng tingin.

"When we were in the hospital, I told my guard to buy some stuff for our baby I have no time to hire an interior designer because I'm busy with you and our baby so I told them to arraged it for our son. Gusto kong ako na o tayong dalawa na ang gumawa pero nagpapalakas ka pa 'tsaka gusto ko din na dito na kayo iuwi." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Parang gusto kong matawa sa isiping ang lalaki ng katawan ng mga tauhan niya habang namimili ng gamit pangbata.

Parang may humaplos din sa puso ko nang isipin ko kung gaano kaimportante sa kaniya ito.

Napangiti ako. Habang hawak ang anak namin ay tumingkayad ako para maabot ang labi niya. Dinampian ko siya ng isang marahang halik bago ngumiti sa kaniya. Saglit siyang napahinto. Nang matauhan, Inalalayan niya ang hawak ko sa aming anak at inilapit niya ang kaniyang labi sa akin para sa isang halik mas matagal at mas ramdam ko ang halik niya. Mabuti at nakaalalay siya sa anak namin dahil nanlalambot ang aking kamay sa halik niyang iyon.

Hindi ko alam ang aking nararamdan. Sobra sobra ang tuwa ko labis din ang tibok ng puso siguro dahil kumpleto na ang aking pamilya. Kahit merong pangamba at least nandito siya kasama namin ng anak niya.

...

Midnight Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon