Chapter 9: Him

400 32 3
                                    

Chapter 9

READ AT YOUR OWN RISKS. PLEASE BE OPEN MINDED. I'M NOT TOLERATING/PROMOTING PREMARITAL SEX HERE!

Kahit hirap ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. Inilibot ko ang paningin ko sa madilim na paligid. Nasa kwarto ko na ako at tanging ang kaunting liwanag lang ng lampshade sa side table ang nagsisilbi kong tanglaw. Sinuri ko ang sarili ko. Iba na ang suot ko sigurado ako si lola o kaya si Cynthia ang nag palit ng damit ko.

Bahagya kong iginalaw ang katawan ko pero masakit pa din ito. Saglit akong pumikit at inalala ang mga nangyari.

Mabilisang tumulo ang mga luha ko nang bumalik sa akin ang ginawa ni Lance. Sa pangalawang pagkakataon ay pinagtangkaan nanaman ako. Muntik nanamang mapagsamantalahan ang kahinaan ko.

Unti-unting bumalik sa isipan ko ang sinapit ko sa mansion ng mga Villanueva. Ang mama kong pilit na humihingi ng tulong. At si papa na pinipilit puntahan si mama dahil sa kababuyang ginawa ng matandang don.

Muli ko nanamang naramdaman ang panginginig ng buo kong katawan ng maalala ang malagim kong nakaraan. Ang bawat haplos na ginawa sa akin ni Lance ay nagpaalala sa akin sa karumal-dumal na sinapit ni mama.

Patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Pinipigilan ko ang sarili kong manginig dahil sa pag-iisip sa muntik ng mangyari at sa nakaraan ko na kahit anong pilit kong kalimutan ay hindi maalis sa isip ko.

Humarap ako sa gilid ng kama ko. Napadaing ako nang maramdaman ang bahagyang pagsakit ng likuran ko.

Tama ako, babalik siya.

Hindi ako nakaramdam ng gulat nang muli nanamang makita ang lalaki sa gilid ng aking kwarto. Tahimik lang siya at nakamasid sa akin. Sa gabing ito, mas nangibabaw sa akin ang nangyari kanina kaysa ang makaramdam ng takot sa lalaki sa aking silid.

Hindi dapat ako maging kampante lalo pa't hindi ko siya kilala. Pero simula noong gabing 'yon ipinaramdam niya sa'kin na ligtas ako sa tabi niya, na walang mangyayaring masama sa akin hangga't nandiyan siya.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko nang unti-unti siyang lumapit sa hinihigaan ko.

Nanatili akong nakatitig sa kaniya kahit nasa dilim siya at papalapit na sa akin. Pumunta siya sa side table ko at pinatay ang lampshade ko. Mas nabalot ng dilim ang kwarto ko pero wala akong naramdamang kahit anong pangamba.

Pumunta siya sa salungat na bahagi ng kama ko. Nakatalikod ako ngayon sa kaniya. Pinilit kong pigilin ang panginginig at pag-iyak ko pero sadiyang ayaw makisama ng katawan ko.

Lumubog ang bahagi ng kama ko. Ang init nang katawan niya ay ramdam sa likod ko.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Kanina lamang ay nakaranas ako ng muntik nang panghahalay. Ngayon na merong lalaki sa aking tabi ay nawala na ang takot ko.

Niyakap niya ako mula sa likod habang parehas kaming nakahiga. Sobrang tahimik ng paligid, tanging ang hikbi ko lang ang naririnig.

Hinahaplos ng kamay niya ang braso ko.

Ayos lang siguro na magpaubaya ako at hayaan siya. Tama lang siguro na ngayon ay sundin ko naman ang nararamdaman ko. Pumikit ako at mas dinama ang haplos niya.

Lumipat ang kamay niya sa mga pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

Parang pinipiga ang puso ko nang mas dinama ang kaniyang palad sa aking pisngi. Parang kahit kailan ay hindi ko na kailangang mag-alala kasi nandiyan siya

Ihinarap niya ako sa kaniya. Pinipilit kong aninagin ang hitsura niya pero sadyang napaka dilim ng paligid.

Ang nanginginig kong mga kamay ay inilapit ko sa kaniya para mahawakan ang kaniyang mukha. Sa unang dampi pa lang ng aking palad ay naramdaman ko ang pag-galaw ng kaniyang panga. Hinawakan niya ang palad ko at ikinulong ito sa mga kamay niya.

Midnight Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon