Chapter 21: Blood

319 12 0
                                    

Chapter 21

Niyakap ko nang mahigpit ang anak ko ganon din ang ginawa ni lola sa amin. Nanatiling nakatutok ang baril nila sa amin at nakatutok naman ang baril ng mga tauhan ni Sandro at Michael sa kanila.

"John, Ilayo mo sila dito." Mariing utos ni Sandro sa isa sa mga tauhan. Tumango naman ito sa kaniya bago lumapit sa amin.

"Sandro, hindi ko kailanman inisip na kakalabanin mo ako."

Hindi pa kami tuluyang nakakaalis ay narinig ko na ang boses na iyon. Agad gumapang ang takot sa aking buong katawan. Nararamdaman ko ang panlalambot ng aking mga tuhod. Ang boses ng ama ni Sandro ay muli nanamang nagpabalik sa akin sa nakaraan.

"John!" Sigaw ni Sandro. Ipinapahiwatig niya na kailangan na naming umalis. Kahit na nanginginig ay pinilit kong maging matatag para mailigtas ang aking anak. Inaalalayan din kami ni lola. Pero nang susubukan na naming umalis ay hinarangan kami ng ilan pang lalaki. Itinago ko ang aking anak sa aking bisig huwag lamang siyang masaktan.

"Hindi na kayo makakatakas sakin. I already told you Sandro. Hindi ko hahayaan na tarantaduhin mo ako!"

Ang mga lalaki sa aming harapan ay naglabas ng baril at itinutok yun sa amin. Si John ay wala ring nagawa kundi ang harangan na lamang kami. Buong katawan ko ay itinakip ko sa anak ko. Umaagos na ang mga luhang pinipigilan ko.

Pumikit ako ng mariin. Nang kinuha niya ang mga magulang ko ay hindi ako kailan man nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Naniniwala pa din ako sa kaniya. Naniniwala pa din ako na sa kakayahan niya. Siya pa rin ang tagapagligtas namin. Hindi niya kami pababayaan. Tuloy tuloy ang pagdarasal ko na sana ay naririnig niya.

Hinawakan ko ang maliit na kamay ng anak ko at hinalikan ito. Ang init ng yakap ni lola ay nararamdaman ko sa likod ko. Naririnig ko rin ang mahina niyang pagdarasal.

"I won't let you harm my family." Mariin ang boses ni Sandro at naramdaman kong mas malapit na siya sa pwesto namin. "I will kill you first before you harm them."

"Son, baka nakakalimutan mong ako ang ama mo. Ako ang nagturo sa'yo lahat ng natutunan mo. I know you can't kill me." Mababa ang boses ng matandang don.

"And I'm a father too. Now I'm willing to pull the trigger of this gun just to stop you."

Nag angat ako ng tingin at nakita kong itinutok ni Sandro sa kaniyang ama ang baril na hawak niya. Ang mga tauhan ng ama niya sa harap namin ay inangat na kay Sandro ang pagkakatutok ng baril.

"Dan!" Narinig ko ang boses ni Michael na papalapit sa amin. Binaril siya ng isa sa mga tauhan ng matandang don, mabuti na lamang at agad siyang nagtago sa sasakyan kaya doon ito tumama.

Naagaw ni Michael ang atensiyon ng mga tauhan ng Don. Nagbigay ito ng tsansa kay Sandro para labanan ang mga nasa harap namin. Iniwas ko ang tingin ko nang putukan ni Sandro ang isa sa mga lalaki. Bumagsak ang katawan nito sa harap ko na duguan ang dibdib.

Sunod sunod na putok na ang narinig ko. Nilamon ng pag aalala ang buong sistema ko. Humiwalay kami nila lola at pumunta sa mas tagong lugar para hindi kami madamay.

Nagpalitan ng putok ang dalawang panig hanggang sa manatili kaming makatago at tahimik na nananalangin.

Kanpanteng kampante na ako dahil huminto ang putukan pero halos lukubin ako ng takot nang sumulpot sa harap ko ang matandang don.

"Nandito lang pala kayo." Aniya sa nakakatakot na tono.

Hinatak ako nito sa braso. Hindi ko nagawang magpumiglas dahil hawak ko ang anak ko baka may mangyari sa kaniya. Malakas ang iyak ng anak ko habang hawak ko siya sa braso ko.

"Sir Alex! Maawa kayo sa bata!" Malakas ang sigaw ni lola kaya nakuha na namin ang atensiyon nila Michael at Sandro.

Naluluha akong tumingin kay Sandro. Inilibot ko ang paningin ko kaunti na lang ang natira sa tauhan ng matandang don. Ang mga tauhan naman ni Sandro at Michael ay napapansin kong nanghihina na pero wala pa ring nababawas sa kanila.

Hinawakan ng matandang don ang aking bewang habang nakatutok sa akin ang baril. Labis labis ang kaba at takot na nararamdaman ko para sa anak ko.

Ang ilang tauhan ng matandang don ay umatras na at naunang sumakay sa sasakyan. Hilahila ako ng matandang don papalapit din sa sasakyan na 'yon.

Dahan-dahang lumalapit si Sandro sa amin habang nakatutok din ang baril sa kaniyang ama.

"Sige subukan mong lumapit at mamamatay itong mag-ina mo!" Pagbabanta nito. Napahinto si Sandro sa paglalakad at iniangat ang dalawang kamay na para bang sumusuko.

Wala akong mabakas na anumang emosiyon sa mukha niya. Muli kong nskita sa kaniya ang Sandro na nakita ko apat na taon na ang nakakalipas.

"Put your gun down, Sandro." Utos ng ama niya habang patuloy pa rin kaming dinadala palapit sa sasakyan.

A small grin appeared on Sandro's lips. Nang akala kong ibababa niya na ang baril ay hindi niya ginawa. Mabilis ang galaw niya, he pulled the trigger of his gun and shot his father. Akala ko ay tatamaan kami kaya napatili ako sa gulat.

Nang tiningnan ko ang kaniyang ama ay nakaluhod na ito sa sobrang sakit siguro ng dumudugo nitong hita. Agad tumakbo si Sandro palapit sa amin. Hinawakan niya ako sa kamay at kinuha niya naman gamit ang kabilang kamay niya ang anak namin na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

Nang mediyo makalayo kami sa kaniyang ama ay mahigpit ang yakap niya ang ibinigay niya sa akin nag alala ako. Agad lumapit ang mga tauhan ni Michael sa sasakyan ng matandang Don nagsibaba ang ilang tauhan dito at ibinaba ang kanikanilang baril.

Nag-aalalang lumapit sa amin si Michael ganon din si lola. Kinamusta nila si Gab at ako.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Sandro. Nakita kong namumula ang sulok ng mga mata niya.

"Akala ko mawawala na kayo sa'kin." Halos pumiyok na ang boses niya. Kinuha ko si Gab sa kaniya at pinatahan. Hinalikan niya ang noo namin ng anak niya.

Habang nasa balikat niya ay kitang kita ko ang pagkilos ng ama niya at pagangat ng kamay nito sa ere. Hawak nito ang baril at itinutok sa amin. Walang nakapansin sa kaniya dahil ang mga tauhan ay inaasikaso ang ilang nasugatan. Sila Michael at si lola naman ay nasa amin ang atensiyon.

Nakaharap sa matandang don ang likod ni Sandro nang nakita ko ang pagkalabit niya sa baril ay mas mabilis na kumilos ang katawan ko. Pinagpalit ko ang posisyon namin ni Sandro kasabay no'n ay ang tunog ng putok ng baril.

"Olivia!" Boses iyon ni Michael. Isa pang putok ng ng baril ang narinig ko. Binaril ni Michael ang ama ni Sandro at tuluyan itong bumagsak ng duguan.

"Na, pakihawak s-si G-Gab." Putol putol ang boses ni Sandro nang sabihin niya iyon. Tumingin siya sa mga mata ko at kitang kita ko ang galit, sakit at pag-aalala. He caress my cheeks.

Nakaramdam ako ng unti-unting panghihina. Hindi ko namalayan ang sakit. Bago ako nawalan ng malay ay nakita ko ang iyak ni Sandro habang nakatigin sa duguan niyang kamay na nakuha niya mula sa tama ng bala ng baril sa aking likod.

Before everything went black. All I think about is them my Sandro and my little angel.

To be continued...

...

Last one chapter before the epilogue. Please stay updated. :)
#MidnightRomance

Midnight Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon