Chapter 13: Stay

377 22 4
                                    

Chapter 13

Makalipas ang isang araw matapos ng pagdating namin dito, nakatanggap ako ng tawag mula kay Cynthia.

Nalungkot siya at nagtatampo na bigla na lang daw kaming umalis nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Hindi ko sinabi kung nasaan ang lokasyon namin pero sinabi kong kailangan naming gawin ito.

Maayos naman ang unang araw namin. Malayo ang mga kapit bahay namin kaya mas naging tahimik ang paglipat.

"Bukas nga pala susubukan kong maghanap ng trabaho." Sabi ko kay lola at Michael isang araw habang kumakain kami.

Nag-angat sila ng tingin sa akin pareho habang si Michael ay nakakunot ang noo.

"You know, you don't have to do that. Ayaw mo bang ituloy ang pag-aaral mo?" Si Michael.

"Siyempre gusto kong matapos ang pag-aaral ko."

"There's college school nearby. You can continue your studies there." Suhestiyon niya.

Napaisip din ako sa sinabi niya. Tatanggapin naman siguro ako kahit transfer student isa pa sayang naman dahil kulang isang taon na lang at makakagraduate na ako.

"Oo nga Issa, pwede mong ituloy ang pag-aaral mo." Si lola na nakisali na sa usapan.

"La, pwede ko naman pong ituloy 'yon kahit kailan. Gusto ko pong magtrabaho para makatulong sa mga kakailanganin natin dito."

"Bakit? Tingin mo ba hindi ko kayang ibigay ang pangangailangan niyo?" May bahid ng inis sa tono ng pananalita ni Michael.

"Michael, nabigyan mo na kami ng maayos na bahay, nailayo mo na kami sa mga taong 'yon. Pero Michael ayaw kong iasa lahat sa'yo. May ibang buhay ka sa Manila at sa Bataan. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang meron ka bago kami dumating ni lola sa'yo pero ayoko nang maging pabigat."

Totoong ayaw ko nang umasa sa kaniya. Alam kong abala siyang tao. Mayaman siya. Ano ang sasabihin ng mga magulang niya pag nalaman na sinasayang niya ang ang oras niya sa amin ni lola Daisy? Ni hindi niya nga kami kilala.

Mas lalo siyang nainis sa sinabi ko. Tahimik naming tinapos ang aming almusal. Pagkatapos kong magligpit ay lumabas ako ng bahay. Hindi ko napagmasdan ng maiigi kahapon dahil agad kaming nag-ayos ng mga gamit. Ang tahimik ng paligid, matataas na puno ang nakapaligid sa tinitirhan namin. Ang agos lang ng ilog na dumadaloy sa bukid ang nagsisilbing ingay. Napakasarap nga talagang mamuhay sa probinsiya.

"Sigurado ka bang gusto mong maghanap ng trabaho? Hindi mo kabisado ang lugar na'to."

Sa sobrang pagkamangha ko sa tanawin ay hindi ko namalayan ang pagdating ni Michael. Umupo siya katabi kong upuan.

"Oo, noon pa man gusto ko nang matutong mag-isa Michael, pero hindi ko 'yon magagawa kung patuloy kaming aasa sa'yo."

Hilaw siyang napangiti. "Gustong gusto ko kayong protektahan, sa loob ng limang taon walang araw na hindi ako nag-alala para sa inyo. Ni hindi ako makatulog sa gabi sa pag-iisip na baka kinabukasan ay natunton na kayo ng matandang iyon."

Ngayon ko lang nalaman ang mga bumabagabag kay Michael. Lagi siyang nandiyan para sa amin ni lola tuwing kailangan namin siya. Mabait at maalaga si Michael pero bakit hindi kaya siya ang nagustuhan ko? Bakit sa dinami-dami ng tao ay nahulog pa ako sa taong hindi ko naman lubusang kilala.

"Naging mahalaga na ka'yo sa akin ni Nana Daisy, kaya sana huwag kang mag-iisip na pabigat kayo sa akin. Kayang kaya kong iwan ang buhay ko sa Maynila, Olivia basta masiguro ko lang na ligtas kayo. Ayaw ko na sanang makita na mahirapan kang magtrabaho pero kung iyon ang gusto mo, sige." Dagdag niya.

Midnight Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon