Chapter 7: Suitor

381 22 2
                                    

Chapter 7

Inilibot ko ang paningin sa madilim kong kwarto na tanging ang lampshade lamang sa gilid ang nagbibigay ng kaunting liwanag. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa balkonahe. Wala na ro'n ang taong nakita ko. Namalik mata lang siguro ako.

Pinakalma ko ang sarili ko tsaka ko pinatay ang lampshade sa side table ko. I'm afraid to go back to sleep because of that dream. No it wasn't a dream that was a nightmare. Nightmare that I wanted to forget for over the years.

I closed my eyes and covered my body with my blanket.

I was resting and giving myself a peace of mind. When I felt someone near me.

When I opened my eyes, the silhouette of a man standing at the side of my bed made me startled. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga.

"Sino ka?" Tanong ko habang nababalot ng takot ang aking buong katawan.

Mula ng maranasan ko ang sinapit ko sa mansion ng mga Villanueva, mahirap na para sa'kin ang makalimot. Lagi kong iniisip na merong lalapit sa'kin at gagawan ako ng masama.

And this time, muli nanamang sumagi sa akin ang kaisipang 'yon. Paano kung tauhan siya ng matandang don? At nandito siya para muli akong ibalik sa lugar na 'yon.

Mas tumindi ang takot na nararamdaman ko. Bumalik ang pakiramdam ko kanina noong nanaginip ako. Mas tumindi din ang panginginig ng katawan ko.

Ilang beses na akong ipinatingin ni Cynthia sa doktor tungkol kalagayan ko. Ang sabi lang sa amin ay nag-iwan daw ng matinding takot sa'kin ang sinapit ko na kahit makakita lang ako ng ano mang bagay na makakaalala sa akin sa sinapit ko sa mansion, ay babalik sa akin ang mga nangyari noong gabing 'yon.

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang patuloy naman ang pag-atras ko sa kama ko. Hanggang sa makaupo siya sa tabi ko.

Mas ibinalot ko ang katawan ko sa kumot ko. Hindi ko siya nakikita pero ramdam ko ang titig niya. Pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw. Iniisip ko na baka pati si lola at si Cynthia ay madamay kung sakaling binabalak niyang ibalik ako sa mansion.

"A-anong k-kailangan mo?" Nagbabadiyang tumulo ang mga luha ko. Dahil rin sa panginginig at labis na takot ay naapektuhan na rin ang pagsasalita ko.

Napapikit ako ng ilapit niya ang kaniyang kamay sa akin. Nagulat ako nang hilahin niya ako sa palapit at papunta sa dibdib niya. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya.

Hindi ko na napigilan ang tahimik na pag-iyak sunod sunod ang daloy ng luha ko na nagpabasa ng bahagya sa suot niya.

Nakadikit ang gilid ng ulo ko sa dibdib niya. Umiiyak ako habang dahan-dahan niyang hinahagod ang buhok ko.

Hindi ko dapat nararamdaman ito. Pero ipinikit ko ang mga mata ko at muling dinama ang haplos niya. Nararamdaman kong sa sandaling ito ay ligtas ako.

Mahigpit ang yakap niya sa'kin pero pinilit kong kumawala at harapin siya. Nakahawak pa din ako sa kumot sa katawan ko.

Tumingala ako sa kaniya at dahil sa dilim ay hindi ko maaninag ang hitsura niya.

"H-hindi mo b-ba ako ibibigay sa kaniya?" Hindi ko alam kung may ideya ba siya sa tanong ko pero kung tauhan man siya ng mga Villanueva ay sigurado akong alam niya ang tinutukoy ko.

Pumatak ang luha ko. Nanatili akong nakatitig sa kaniya at naghihintay ng sagot pero muli niya lamang akong hinatak at ibinalik sa pagkakayakap niya. This time, his hug is tighter.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi umalis ang pakiramdam ng pagiging ligtas sa yakap niya.

Dahil siguro sa matinding pagod sa pagiyak at pinagsama-samang emosiyon kaya agad din akong nakatulog. Naramdaman ko pa ang isang halik sa noo ko bago ako tuluyang hinatak ng antok.

"AYOS ka lang ba?" Hindi na ako nagtaka nang tanungin ako ni lola. Tinignan ko sa salamin ang hitsura ko at nakita kong namumugto ang mga mata ko.

"Opo mediyo napagod lang tsaka napuyat kagabi."

"Anong oras ka ba nakauwi?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni lola. "Nanaginip ka nanaman ba kagabi?"

"Hinatid naman po ako ni Carl kagabi ng alas onse la. Napagod lang po talaga ako." Pagdadahilan ko.

Ayokong i-kwento kay lola ang tungkol sa lalaking nagpunta sa kwarto ko. Ayokong mag-alala siya at madamay pa sa binabalak ng lalaking 'yon.

"Issa, halika mag gym tayo." Biglang sumulpot si Cynthia. "Oh my God anong nangyari sa mata mo?" Tanong niya nang lumingon ako at nakita niya agad ang mata ko.

"Wala to. Sige hinatayin mo na lang ako magbibihis lang ako."

Tumango siya at umupo.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nanguha ng isusuot. Nahagip naman ng mata ko ang tatlong piraso ulit ng bulalak sa lamesa ko. There's no note attached, but I have a feeling that he will come back.

Pumasok na din ako sa banyo para makapaghilamos. Mediyo nabawasan naman ang pamumugto ng mata ko at hindi na rin masiyadong halata.

Lumabas ako suot ang sports bra at leggings na binigay niya sa'kin. Bihira ko lang to suotin dahil pinagbabawalan niya akong magsuot ng mga damit na nakikita ang malaking bahagi ng balat ko.

"Ba, sexy talaga." Sabi ni Cynthia sabay hampas sa pwet ko. "Bakit ba niya pinagbabawalan na magsuot ka ng mga ganiyang damit?" Bulong niya habang naiiling.

"Sino?"

Hindi na niya ako pinansin at nauna nang maglakad.

Pagpunta namin sa gym ng resort ay kakaunti pa lang ang tao. Nagsisimula pa lang kaming mag stretching nang may pumasok na grupo ng mga lalaki. There were five of them and the boy in front is holding a bouquet of flowers.

Nagkatinginan kami ni Cynthia nang napansin naming papunta sa kinaroroonan namin ang mga lalaki.

Nagkakamot ng ulo ang lalaking may hawal ng bulaklak ng huminto sa tapat namin.

Tinignan ako ni Cynthia na parang nagtatanong pero nagkibit lang ako ng balikat.

"Hi Issa, sabi ng ilang tauhan sa resort nandito daw kayo. Magandang umaga maam Cynthia." Nahihiya siyang bumati kay Cynthia na tinaasan lang siya ng kilay.

Ang mga kaibigan naman ng lalaki ay nanatili sa likod niya at nang-aasar.

"Uh hindi mo siguro ako kilala. Ako nga pala si Lance, hindi mo naman siguro boyfriend si Carl di'ba?" Tanong niya. Tahimik lang ako habang nakatingin pa din sa kaniya.

Tinitigan ko siya at sinuri ang hitsura niya. May hitsura siya at maayos din ang pananamit niya.

"Para sa'yo nga pala." Ini-aabot niya sakin aang bulaklak pero agad sumingit si Cynthia at siya ang kumuha ng bulaklak.

"Kung manliligaw ka," Nagulat ako nang ibinalik ni Cynthia ang bulaklak sa lalaki. "Bawal!"

Tinignan ako nang lalaki at ngumiti ako sa kaniya.

"Sorry, hindi pa kasi pwede."

"Bakit hindi? You're already Twenty. Don't tell me you still let Cynthia to decide for you? Maganda ka pero hindi mo ginagamit ang hitsura mo." Sabi niya na bakas ang inis.

Pareho kami ni Cynthia na nagulat sa biglaang pagbabago ng asal ni Lance. Kung kanina ay parang nahihiya pa ito, ngayon ay bigla itong nagalit at nawalan ng galang kay Cynthia.

"Aba! Bastos ka ah. Huwag mo sabihing anak ka ng Mayor. Mayaman ka lang pero hindi lahat makukuha mo!" Sigaw ni Cynthia. Napatingin na rin sa a'min ang mga tao sa gym. Hinawakan ko sa braso si Cynthia para pakalmahin siya.

Napatalon ako nang ihampas ni Lance ang bouquet sa lapag dahilan ng paghihiwalay ng mga bulaklak nito. Sayang.

"Makukuha din kita Issa, makukuha din kita!" Pagbabanta niya bago sila lumabas ng mga kasama niya.

"SIGE! SUBUKAN MONG GAWAN NG MASAMA TONG SI ISSA! BAKA BUKAS LANG HINDI NA MAYOR YANG TATAY MO!" sigaw pa ni Cynthia.

Lumingon lamang ang grupo nila Lance bago nagpatuloy na umalis.

...

Midnight Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon