Chapter 3
Nakatingin lang kami sa harap nang isa-isang nagsibaba ang mga sakay ng itim na sasakyang humarang sa amin. Limang lalaki ito na na pareparehong nakasuot ng itim na suit at itim na pantanlon. Napatingin ako sa kanilang mga kamay at lahat sila ay mayroong baril.
Nilamon nang mas matinding kaba ang ang aking kalooban. Ang isiping maaaring muli nanaman kaming magiging bilanggo ay hindi maalis
sa'king isipan."Please, hold on tight." Si Michael na nakita kong mas hinigpitan ang kapit sa manibela.
"Diyos ko po M-Michael. Aba'y s-sino ba ang mga yan? Mga tauhan din ba yan ni Sir A-Alex.?" Nanginginig na sa takot si lola Daisy dahil sa hitsura ng mga lalaking nasa harap namin ngayon.
"Huwag po kayong mag-alala." Sinubukan niyang pakalmahin si lola sa mga salita niya pero kitang-kita ko na nininerbyos pa din siya.
Tiningnan niya ang aming likuran bago mabilis na iniatras ang aming sasakyan. Agad nataranta ang mga lalake sa harapan. At mabilis silang sumakay sa kanilang sasakyan para agad kaming masundan.
Mabilis na umaabante ang sasakyan sa aming harapan. Mahigpit ang kapit ko sa aking seatbelt. Napatingin ako kay lola Daisy na ngayon ay nakapikit at nagdadasal.
Nang malapit na sa amin ang itim na sasakyan ay biglang huminto si Michael. Lumingon siya sa amin ni lola.
"Kumapit kayo. Hindi ko kayo pababayaan."
Pagkasabi niya ng mga salitang yon ay agad niyang inabante ang sasakyan. Nang handa nang mag bangga ang dalawang sasakyan ay mabilis na iniwas ni Michael ang aming sasakyan.
Mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho para hindi makaabot ang mga humahabol sa amin.
Magaling mag drive si Michael. Maraming sasakyan ang nauuna sa amin pero agad niya din itong nauunahan.
Nang akala ko ay nakalayo na kami ay ilang putok ng baril ang aming narinig. Hindi natinag si Michael. Bagkus ay mas binilisan niya pa ang pag da-drive. Ang ilang sasakyan sa aming harapan ay binigyan kami ng mas maluwag na daan. Maaaring may hinala na sila kung ano nag nangyayari. Base sa bilis namin at sa mga putok ng baril.
Isang bala ang tumama sa aming sinasakyan. Nakita kong nag spark ang gilid ng sasakyan sa banda ni Lola Daisy.
"Diyos ko!" Sigaw ni lola Daisy.
Mabilis ko siyang dinaluhan para mayakap.
Paliko liko ang pagmamaneho ni Michael para makaiwas kami sa mga balang ipinuputok sa amin.
Iang sandali ang ganon ang eksena namin nang dumaan kami sa mas makitid na kalsada. Kakaunti lamang ang mga tao sa paligid at puro puno din ang nadadaanan namin. Bibihira lang din ang mga sasakyang dumadaan.
"Ibinilin niyang huwag kong hahayaang may mangyaring masama sa inyo."
Naguluhan ako sa mga salitang 'yon ni Michael. Nanatili lang ang yakap ko kay lola Daisy.
Mediyo malayo na ang mga humahabol sa amin. Wala na ring mga bala ang tumatama sa aming sasakayan. Biglang iniliko ni Michael ang sasakyan sa mas mapunong bahagi taliwas sa diretsong daan. Inihinto niya ang sasakyan tumingin kaming tatlo sa likod at nakita naming kadadaan lang ng sasakyang humahabol sa amin.
Tuluyan namin silang naiwala.
Napatingin ako kay lola Daisy ngayonay mas nagiging kalmado na siya. Maging ako ay nawala na ang kabang nararamdaman.
Napatingin ako kay Michael na ngayon ay nakatitig sa amin ni lola Daisy. Kitang kita ko din na mas kalmado na siya ngayon.
"Mamayang gabi ay pupunta tayo sa Bataan." Seryosong sabi niya sa amin ni lola.
Ngayon ay parang mas nakikilala ko na si Michael. Meron silang pagkakapareho ni Sandro. Hindi nagkakalayo ang edad nila. Sabi rin ng mga tauhan sa masyon na siya ang pinaka malapit sa anak ng kanilang amo.
Nagulat kami ni lola sa sinabing 'yon ni Michael.
"Hindi ba masiyado lamang iyong malapit sa Maynila? Papaano kung mahanap din kami agad ni Sir Alex?" Bakas ang pag aalala sa tono ni Lola
"Yan din po ang naisip ko pero. Maaaring isipin din ng matandang yun na lalayo kayo at pupunta sa lugar na mas malayo para hindi kayo madaling mahanap." Magaling siyang magsalita at parang plinano talaga nila ang bagay na ito.
"Sasama ka pa ba sa amin hanggang doon?" Tanong ko kaya nasa akin naman ngayon ang kaniyang atensiyon.
"Hindi, Ihahatid ko lang kayo tapos ay kayo na ang bahala. May kailangan pa akong gawin at tapusin. Huwag kayong matakot. Hinding hindi kayo mahahanap ng matandang 'yon. Kilala ko siya at hindi siya kasing talino ni Sandro."
Si Sandro. Bigla siyang sumagi sa isip ko pati ang pagtataksil niya sa kaniyang ama. Para makatakas kami ni lola.
Maraming bilin sa amin si Michael. Sinabi niya sa amin na huwag na naming gagamitin ang aming mga pangalan dahil baka mas mapadali ang paghahanap ng matandang don sa amin. Sinabi din niya na huwag muna kaming magsusumbong sa mga pulis dahil maaaring may koneksyon din ang don sa mga ito.
Nang sumapit ang dilim ay inihatid kami ni Michael sa Bataan. Ibinaba ko ang bintana at natanaw ko ang dagat mula sa kalsada. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Pero gusto kong mabuhay. Gusto kong mabuhay ng tahimik at walang inaalalang kahit ano. At ang lugar na ito ang magiging bagong simula ko.
"Nasaan tayo?" Tanong ni lola Daisy na ngayon ay namamangha din sa napakalinaw na dagat na aming natatanaw.
"Nasa Morong Bataan na po tayo. May kilala kami ni Sandro dito pwede kayong doon muna pansamantala. Kaibigan... namin ang taong yon kaya wala kayong dapat ipangamba."
Ilang minuto pa kaming nagbiyahe nang huminto kami sa isang resort.
"Hinahanap ko si Cynthia" sabi ni Sandro sa trabahanteng sumalubong sa amin.
Ilang sandali lang ay lumabas ang magandang babaeng nakasuot ng bikini. Kitang kita ko ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Nakapatong ang isang seethrough-ng tela sa kaniyang bikini.
"Michael!" Mabilis na yumakap ang babae kay Michael.
Iniwas ko ang tingin ko nang isabit nang babae ang kaniyang kamay sa batok ni Michael at hinalikan ito sa labi. Nang muli akong mapalingon ay nakahawak na si Michael sa bewang ng babae ang sinusuklian ang halik nito.
Tumikhim si lola Daisy para siguro ipapaalala na naririto kami.
"Oh! I'm sorry I just missed him so much. By the way where's Sandro hindi ako sanay na ikaw na lang ang nandidito." Sabi ng babae.
Hindi sumagot si Michael. Ngayon ay hinahalikan at inaamoy na niya ang buhok ng babae.
"Michael, stop it!"
Tumigil sa Michael tapos ay tumingin sa amin ni lola. Nakatitig ako sa kaniya bago siya nagsalita.
"This is Manang Lucia" Turo niya kay lola Daisy. "And this one is Issa" turo naman niya sa akin. Hindi na ako nagulat sa mga pangalang binanggit niya dahil napagkasunduan namin ang papalit namin ng pangalan.
"She's pretty huh?" Sabi ni Cynthia habang bahagyang ginugulo ang buhok ko.
"Don't do anything Cyn." Pagbabanta ni Michael.
Itinaas ni Cynthia ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko pero may ngiti pa din sa mga labi.
"I will leave them here. Take care of them and take care of yourself too. I have to go. May gagawin lang ako." Paalam ni Michael. Naghalikan pa sila ni Cynthia at may ibinulong dito. Bago bumitaw sa yakap nito ay ilang salita pa ang binitawan niya.
"Another thing, Don't let her wear things like those someone might get angry." sabi nito na tinutukoy ang bikining suot ni Cynthia bago tuluyang umalis.
"Seriously!?" Natatawang sabi ni Cynthia. "She's not a child anymore!" Sigaw nito na tingin ko'y ako ang tinutukoy dahil nakalayo na ng tuluyan si Michael.
Hinintay namin na mawala ang sasakyan bago kami tumuloy sa loob ng resort.
...
BINABASA MO ANG
Midnight Romance (COMPLETED)
RomanceHow can you say that you love someone, if you only have the chance to be with him during Twelve Midnight? Si Olivia Issabel Hernandez at ang kaniyang lovestory na nagsisimula lamang tuwing sasapit ang alas dose ng hatinggabi. Dark Romance #1 (Warni...