Chapter 20: Danger

341 12 0
                                    

Chapter 20

Nagtagisan lang kami ng tingin hanggang sa mawala na ang sasakyan ng babaeng tinawag niya sa pangalang Jen. Natatakot ako sa banta ng babae pero sa kabilang banda ay bigla rin akong nakaramdam ng inis. Maganda siya at maganda ang katawan at kilala pa siya ni Sandro. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inggit.

"Hey," Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ako pero humakbang ako palayo. Inirapan ko siya bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Naabutan kong umiiyak pa din si baby kaya kinuha ko siya kay lola. Napansin yata ni lola ang inis sa ekspresyon ko kaya agad niya ring ibinigay si Gab.

Karga karga ang anak ko ay umakyat ako sa kwarto namin ni Sandro. Naramdaman kong nakasunod siya sa amin pero hindi ko siya pinansin.

Nakakainis! Kung kailan nagkaayos na kami ay may darating namang tulad nito!

Isinayaw sayaw ko si Gab nang nasa loob na kami ng kwarto. Ramdam ko ang titig ni Sandro habang pinapatahan ko ang anak ko.

Tumahan si Gab dahil din siguro sa pagod ay nakatulog ito. Inilapag ko siya sa kama at tinabihan habang tinatapik. Lumubog ang kama sa likod ko kaya alam kong humiga din si Sandro. Nakatagilid ako ng higa paharap sa anak ko at nakatalikod sa kaniya.

Dumapo ang kamay niya sa tagiliran ko at marahang hinaplos ito marahan din niyang hinahalikan ang balikat ko. I rolled my eyes and put his hand off me.

"Galit ka?" He asked.

Nanatili akong tahimik at inaabala ang sarili kay Gab kahit pero nasa kaniya ang atensiyon ko.

"She's my ex. Akala ng pamilya niya at ni papa ay may namamagitan pa sa'min but believe me Olivia, there's nothing going on between me and Jen..." Tuloy tuloy ang paliwanag niya.

Habang nakikinig sa kaniya ay hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Nilalamon ako ng inggit. Marahil ay alam ng lahat ang relasiyon nila. Samantalang kami ng anak niya ay mananatili na lang na sikreto sa kaniya.

"Hey.." Muli niyang hinalikan ang balikat ko. Inilagay niyang buhok na nasa pisngi ko sa likod ng tenga ko.

"Babalikan mo ba siya?" Hindi ko maitago ang pait sa boses ko. Pati ang hikbi ko ay sumabay na rin.

Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan niya. Mula sa bewang ko ay lumipat sa braso ko ang haplos niya.

"Nagseselos ako." Pag amin ko sa kaniya.

Alam kong sinabi niya sa akin na mahal niya ako. May anak na rin kami pero hindi pa rin maalis sa akin ang isipin na mas kilala siya nang babaeng 'yon. Samantalang ako ay kailan ko lang siya mas nakilala. Noong una ay ayaw niya pang magpakita. Bakit? Dahil ba sa babaeng 'yon?

Huminto siya sa paghaplos sa akin at umupo. Ang aking pisngi naman ang kaniyang hinalikan.

"Please don't be jealous. Of course I won't get back to her. The woman whom I want to spend my life with is here." Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Pero agad din akong nakabawi.

Dahil nakaupo siya ay tumihaya ako para makaharap siya. He wiped my tears using his thumb. Ngumiti siya sa akin.

"I love you, Olivia. I know this is not the right time to say this because we still have a lot of problem to face. We still have a lot of challenges to avercome, but Olivia, I want to face those problem, I want to overcome those challenges with you and with our son. I want to spend my lifetime with you and with our little Sandro and many more kids. I want to build a big family with you. Please allow me to fulfill those wishes of mine." He stopped for a moment. May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya bago ako muling hinarap. "This proposal is not suppose to be like this," Umiling siya tsaka ipinakita sa akin ang inilabas niyang singsing. Tumakas lahat ng lakas ng loob ko at agad na nag unahan sa pagtulo ang luha ko. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago muling nagpatuloy. "Olivia, Issabel Hernandez, Please marry me."

I was stunned because of his proposal. I don't know what to say. I am sure that I love him but why am I doubting his feelings for me?

"Are you marrying me just because we have a child? Are you marrying me because it's your responsibility?" I asked him.

Kumunot ang kaniyang noo. "What?!" Inalalayan niya ako para umupo. Hinawakan niya ang kamay ko at isinantabi ang singsing. "Of course not! Kahit noon na wala pa tayong anak ay gustong gusto na kitang pakasalan. Kung hindi ka lang natatakot sa akin noon ay baka araw araw na kitang niligawan. Pero natatakot ka sa akin. Sinabi sa akin ni Cynthia na matindi ang maging takot mo dahil sa naranasan mo sa mansyon kaya idinaan ko na lang sa bulaklak ang nararamdaman ko para kahit papaano ay malaman mo kung gaano kita kagusto noon." Namula ang sulok ng kaniyang mga mata. Ang sakit ay hindi rin nakatakas sa boses niya. "Alam kong hanggang ngayon ay may pangamba ka pa ding nararamdaman. Alam kong hindi ko matatanggal ang pag-aalala mo. But I love you Olivia, I really do and I'm willing to end all my father's wrong doings just to make you feel at peace." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at muling pinunasan ang mga luhang lulandas doon. Inilapit niya ang aking noo sa kaniyang labi at ginawaran ako ng marahang halik.

Mahal na mahal ko din siya. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang lahat ng ito at mabuhay ng walang iniisip na kung ano.

"I love you too. I'm sorry for doubting your feelings for me. I love you." Niyakap ko siya habang sinasabi ang mga 'yon sa kaniya.

"No, I'm sorry for making you feel that I'm just doing this because you gave me an angel. I fell for you before, but you gave me our little Sandro that makes me fell for you even deeper. I love you. Please let's get married."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumingin sa mga mata niya bago buong pusong tumango.

"Yes, Sandro. I'm marrying you. I am also willing to spend my lifetime with you and with our Gab."

And with that, he put the ring on my ring finger and sealed my lips with a passionate kiss.

Pinag-usapan din namin ang gagawin naming pag-alis sa araw na 'yon. Alam naming hindi magdadalawang isip ang babaeng 'yon na sabihin sa ama ni Sandro kung nasaan kami. Ayaw ni Sandro na manatili pa kami rito dahil maaaring malagay sa panganib ang mga buhay namin.

"Michael with his men are already waiting for us. We're going to ride a private boat that's safer." Tumango ako sa sinabi ni Sandro.

Bumyahe kami at gabi na nang marating namin ang daungan kung saan naghihintay sila Michael. Hindi ko alam kung may mali ba sa akin pero nararamdaman ko na naman na may nakasunod sa amin.

Hindi nga ako nagkamali. kabababa pa lang namin sa sasakyan ay agad kaming pinalibutan ng mga hindi ko kilalang lalaki lahat sila ay may hawak na baril. Naging alerto ang mga tauhan ni Michael at Sandro agad nila kaming tinakpan at inilabas ang kanikanilang mga baril. Maging si Sandro ay itinago din kami sa kaniyang likod para protektahan. Natatakot ako para sa anak ko at natatakot ako sa maaaring mangyari.

...
#MidnightRomanceSoonToEnd

Midnight Romance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon