Chapter 14
Naiinis ako sa sarili ko dahil sa pagkalimot kong uminom ng pills. Kung naging mas maingat sana ako ay walang mangyayaring ganito.
"Totoo ba Olivia?" Hindi makapaniwala si lola nang malaman niya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"She's almost 6 weeks pregnant." Si Michael. Laong lumaki ang mata ni lola dahil sa narinig.
"Ibig sabihin nasa Resort pa lang tayo ay buntis ka na pala?" Tanong ni lola bumaling naman siya kay Michael na may nang aakusang tingin. "Ikaw talaga!" Hinampas niya ang braso ni Michael. Parehas kaming nagulat dahil sa ginawang 'yon ni lola. "Bakit Hindi mo muna pinagtapos si Olivia, mga kabataan talaga ngayon, masiyadong mapupusok!" Naiiling pa si lola habang binabanggit ang mga salitang 'yon.
Nagkatinginan kami ni Michael. Nginitian niya ako at tinaasan ng kilay habang hinahaplos ang braso niyang hinampas ni lola. Inirapan ko siya at kinuha ang remote para aliwin ang sarili sa mga palabas.
Dahil sa kalagayan ko ay pareho na nilang tinutulan ang balak kong pag ta-trabaho. Naging mas masungit din sila sa akin. Ni pagtayo ay ayaw nilang gawin ko.
Hindi ko na rin ipinilit ang balak kong pag ta-trabaho. Naiisip ko din na kailangan ko ngang mas alagaan ang sarili ko para sa magiging anak ko.
Paminsan minsan ay hinahaplos ko ang tiyan kong wala pa namang umbok pero alam kong may laman na. Sumasagi rin sa akin ang hitsura ni Sandro.
Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang may nabuo dahil sa aming ginawa? Minsan sumasagi sa isip ko ang mga nagawa niya para sa amin ni lola.
Magmula nang maghiwalay kami noong gabing 'yon hindi na ako dinalaw pa ng masamang panaginip. Siguro nakatulong din na nakaharap ko siya. Para ko na ring nakaharap ng kaunti ang takot ko.
Ramdam na ramdam ko ang paghihigpit sa akin nila lola at Michael nang mediyo lumaki na ang tiyan ko. Limang buwan na at halos kain, tulog lang ang ginagawa ko.
Nang hindi ko na nakayanan ang pagkabagot at ang patuloy na panonood kay lola habang naglilinis ng bahay, ay kinuha ko na ang walis ting-ting para makatulong sa pagwawalis sa labas ng bahay.
Wala pa sa kalahati ang nawawalis ko ay dumating ang sasakyan ni Michael. Nakakunot agad ang noo niya pag baba ng kotse.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang winalis ko. "Didn't we told you to stay inside the house and rest? Napaka kulit!"
"Pahinga? palagi na lang akong nakaupo at nakahiga. Buryong na buryong na'ko habang pinapanood kayo sa mga ginagawa niyo!" Sagot ko.
"Hay talaga kang bata ka! Pumasok ka dito sa loob. Nalingat lang ako saglit kung ano ano na ang ginawa mo diyan!" Si lola naman ngayon. "Michael, aba'y huwag mong hayaang mapagod yan!" Pagkatapos manermon ay bumalik na si lola sa loob ng bahay. Tatapusin siguro ang paglilinis niya.
Napatingin ako kay Michael may ngiting nakakaasar sa mga labi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay tapos ay inirapan. Bwisit na'to! Kung hindi lang ako nakapagpigil ay ihahampas ko tong walis sa kaniya.
"Yan napagalitan." Pang-aasar niya pa. Kinuha niya ang walis sa kamay ko. "Umupo ka na do'n." Tinuro niya ang malapit na upuan sa bakuran namin.
Tumingin siya sa tiyan ko."Yang mama mo ang tigas tigas ng ulo. Ganiyang ganiyan din yung tatay mo e. Huwag ka gumaya sa kanila ha." Sabi niya na parang naririnig siya ng bata sa tiyan ko.
Inirapan ko siya tapos ay padabog akong umupo. Naisip ko ang tatay ng anak ko. Kung sakaling magkita kami, ano kayang magiging reaksiyon niya.
Napangiti ako sa isiping maaring magmana sa kaniya ang magiging anak ko hindi ko man siya lubusang kilala pero kung mamamana ng anak ko ang hitsura niya ay pwede na. Kung hindi lang sana dahil sa pamilya niya ay hindi na sana namin kailangang magtago.
![](https://img.wattpad.com/cover/186416291-288-k901639.jpg)
BINABASA MO ANG
Midnight Romance (COMPLETED)
RomansaHow can you say that you love someone, if you only have the chance to be with him during Twelve Midnight? Si Olivia Issabel Hernandez at ang kaniyang lovestory na nagsisimula lamang tuwing sasapit ang alas dose ng hatinggabi. Dark Romance #1 (Warni...