Chapter 2

1.2K 84 21
                                    

Jeon Jungkook's POV:

Pinatransfer ako nila Papa Joon at Mama Jin sa isang highclass na University dito sa SoKor dahil daw mababa ang case of bullying at harassment.

Pero nagkamali ata sila. First day palang eh lintik na agad ang pangbubully na natanggap ko.

All of the time iniisip ko kung bakit ba ako nabubully? Kahit nung nasa New York pa kame eh nabubully din ako don sa school na pinapasukan ko. Worst nabubugbog pa.

Dahil ba sa itchura ko? Wala namang mali saken. Nagsusuot lang naman ako ng salamin dahil may pagkamalabo ang mata ko at masakit pag wala ako salamin. Nakabraces ako dahil yon ang recommend ng dentista. Hindi din naman ako mahilig pumorma dahil ayokong ginagastos ang pera ng magulang ko sa walang kwentang bagay.

Naiisip ko tuloy sobrang malas ko. Pano pa kaya pag nalaman nila ampon ako ng sikat na designer na may asawang lalaki din? For sure buong school pagtatawanan ako.

Inampon ako ni Papa Joonie at Mama Jin nung 10 years old palang ako. Sila Mama Jin non nasa 20 years old lang ata sila that time pero super successful na nilang mag asawa. Sa orphanage nila ako kinuha kung san iniwan ako ng totoo kong magulang.

Gusto nilang palitan yung surname ko pero I insist. Medjo nagtampo nga si Mama kasi baka daw hanapin ko pa biological parents ko at iwan ko sila ni Papa.

Malabo naman atang mangyare yon. 18 na ko alam ko na ang tama at mali. Saka wala naman na kong pakelam sa tunay kong mga magulang dahil in the first place inabanduna na nila ako. At mas mahal ko na mga magulang ko ngayon.

Hindi naman sya weird tignan kasi mahal na mahal ako nung dalawa. Si Mama parang nanay talaga, lahat ng asikaso nya samin ni Papa nagagawa nya.

Umuwi ako ng mansion at sinalubong ako ni Manang.

"Hala iho. Anong nangyare saiyo? Nasaan ang uniporme mo? Magagalit ang iyong Mama niyan." Sabi niya na nag aalala.

Si Manang ay parang lola ko na. Pero di naman sya katandaan at malakas pa. Matagal na nyang alaga ang Papa ko simula pa nung bata si Papa kaya hanggang ngayon nandito sya para samin.

"Nay okay lang po ako. Natapunan lang po ako ng coke kanina nung may nakabangga sakin." Palusot ko naman. Panigurado isusumbong ako neto ni Manang kala Mama pag nalaman nyang nabully nanaman ako.

"Ay nakong bata ka. Wag na wag kang magsisinungaling ha? Papagalitan ka ng Mama at Papa mo." Sabi niya sakin at kinuha ang gamit ko.

"Opo nay. Nasaan po ba si Mama at Papa?" Tanong ko.

"Ay umalis. May kliyente ata. Gusto mo ba mag miryenda? Pag gagawa kita paborito mong choroz." Sabi ni Manang at ngumiti lang ako.

"Sige po nay. Magpapalit lang po ako."

Umakyat ako sa kwarto ko at pinagmasdan maigi yung loob.

Malinis. Typical na kwarto ng isang binata. Mahilig akong mangolekta ng Iron Man na mga stuffs kaya yon din tema ng kwarto ko.

Malaki tong mansion namen pero tatlo lang kami nila Mama at Papa tapos si Manang, si Kuyang driver at yung isa pang kasambahay ang kasama namin. Nakakalungkot.

Kaya nasanay ako na mag isa lang eh.

Natapos ang araw ko na dipa nakakauwi sila Mama at Papa kaya bukas ko nalang sila kakausapin.

***

Nagising ako na may nahaplos sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ko si Mama pala nakangiti.

"Ma." Sabi ko sabay punas ng mata ko.

𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon