Jeon Jungkook's POV:
Mabilis dumaan ang mga araw Sabado na agad. Maaga akong gumising para matulungan ko si Mama sa paghahanda ng pang lunch mamaya.
Gusto ko rin magpa impress kay Taehyung. Shempre, ayoko naman na sa itchura lang babase dapat may knows din sa mga gawaing bahay.
Masarap magluto si Mama. Kaya kahit nandito si Manang eh sya ang nagluluto. Ayaw ko kasi kumain pag hindi niya luto. Picky na kung picky kaso kasi iba talaga pag luto ng nanay.
Bumaba na ako at naririnig ko ng nagkukwentuhan si Manang at Mama sa kusina.
"Hi Ma. Hi Nay." Bati ko sa kanila.
"Oh anak ang aga mo ata? Hindi ka naman excited nyan?" Sabi sakin ni Mama.
"Gusto ko lang naman tumulong Ma."
"Asus. Nanglalambing naman ang anak ko. Sya sige na. Baka kasi pag girlfriend mo na si Taehyung di mo na ko lambingin at magbago kana." Sabi ni Mama sabay nag pout.
Napakamot ako sa ulo.
"Mama naman. Napaka advance mag isip neto. Shempre, number one reyna kita nu." Paglambing ko naman sabay yakap sa kanya.
"Sus. Dati naman sinasabi mo one and only, ngayon number 1 nalang?" Tampo niya pading sabi.
"Eh shempre Mama, number 2 na si Taehyung!" Sabi ko saka tumawa. Nanakbo ako kasi kukurutin niya ko.
"Anong kaguluhan to?" Biglang sulpot ni Papa.
"Nako yang mag ina mo naglalambingan lang. Namiss siguro ni Kookie lambingin kayong dalawa." Sabi naman ni Manang.
"Sus anak, binata ka na nga eh. Di mo na nga kami kelangan ni Mama mo." Sabi naman ni Papa.
"Ay nako Papa. Para ka ding si Mama eh. Ang dadrama nyo." Sabi ko na natatawa.
"Eh teka anak, mag ayos kana at sunduin mo na si Taehyung. 10AM na oh! Kami na bahala nila Manang at ni Papa mo dito." Sabi naman ni Mama.
Napatingin ako sa wall clock sa kitchen namin totoo nga 10AM na.
Dali dali akong umakyat at naghanap ng masusuot. Simpleng ripped jeans lang, black shirt, beannie at yung favorite kong shoes na bili ni Mama.
Naligo na ako at nagbihis. Tinext ko na si Taehyung na susunduin ko na sya. Sabi niya naman ay nag aayos na daw siya.
Dumaan muna ako sa isang flower shop at bumili ng boquet. Shempre, gusto ko padin bigyan si Taehyung ng ganito.
Pagkadaan ko sa flower shop ay dumeretcho na ko kala Tae.
Nagdoorbell ako.
Nagulat ako at si Director Kim ang nagbukas.
"Goodmorning po Sir. Si Ms. Taehyung po?" Magalang kong tanong sa kanya.
Ngumiti naman si Director Kim.
BINABASA MO ANG
𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲
FanfictionSi Kim Taehyung, anak ng may ari ng isang sikat na University sa Korea. He is a Androgynous gay na nagtataglay ng isang kagandahan na hindi natural para sa isang lalake. Maganda. Sexy. Feminine. At mapagkakamalan mo talagang isang babae. He was an...