Chapter 13

609 31 3
                                    

Jeon Jungkook’s POV:

Kinabukasan, maaga kaming ginising lahat ng mga professors namin dahil madaming activity daw ang magaganap ngayong araw.

Kanya kanyang pagkabusy sa pag aayos ng mga sarili ang mga kapwa ko studyante dahil na din nagmamadali na sila Sir.

Ng makumpleto na lahat ng mga students sa open area ng resort, nag start na din mag announce ang mga professors ng mga activities and hours to earn.

“So from 7AM to 11AM we will start our group activities. Then 12NN is lunch break then proceed tayo ng 2PM sa next activity. As you can see sa banda doon may mga water activities na pwedeng gawin. You guys are going to group yourselves into 10 members each group. So sa group na mabubuo nyo dapat may belong na 1st year up to 4th year student. And after nyo mag groupings, tsaka namin sasabihin ang DO’s and DONT’s during the activities. Now, group yourselves students!”

Pagkatapos inaannounce ni Sir yun ay kanya kanya ng chitchat ang mga studyante. Pero dahil nagkagulo kung sino ang magkakagrupo dahil na din sa gusto ng iba ay magbabarkada nagdecide sila Sir na kuhain nalang yung list ng names ng students at sila nalang ang nagrupo samin.

He announce one by one ang mga pangalan ng mga students according sa year level.

Sa kasamaang palad hindi ako nakasama sa group ni Taehyung. Halos lahat kaming magtotropa ay magkakahiwalay maliban lang sa nakasama ko si Lisa sa group ko at si Bogum naman sa group ni Taehyung.

Nakita ko pang parang ang saya saya ni Taehyung na naging kagroupmate nya si Bogum. Pero binalewala ko nalang yung selos na nararamdaman ko. I should be focus sa mga gagawin ko. Grades ko din ang nakasalalay dito.

“So ang rules natin shempre ang kauna unahan, ayokong may magkakasakitan. We should enjoy this activities as a friendly competition. Dito masusukat ang pagkakaisa ng grupo nyo. At ang goal dito ay magkapalagayan kayo ng loob as schoolmates. Ginawa ang tour at team building na to para maging close kayong lahat. I hope walang pangdaraya na magaganap at walang pikunan. So let start!”

Pagkatapos magsalita ni Sir naghiyawan kaming lahat. Kanya kanyang punta na kami malapit sa water activity na nakikita namin.

Ang goal namin is, paiklian ng oras para makuha yung bola doon sa tuktok ng water slide. May mga nakatokang pwesto para sa miyembro na kelangan nilang ipass through their hands sa isa pang kagrupo nila. At sila ang tatakbo hanggang sa maipasa sa dulong miyembro at akyatin ang water slide at kuhain ang bola sa dulo. At itatakbo pabalik sa starting line.

Nagumpisa na ang grupo nila Chim. Halos mamatay matay kami sa kakatawa dahil hindi maiwasang walang madulas. Goodthing dahil malambot ang tinatakbuhan nila.

“Serendipity Group, 2 minutes and 35 seconds!” Announce ni Sir at nagpalakpakan kami.

“Mabilis sila.” Sabi ni Lisa na katabi ko at nag eenjoy sa panonood.

“Yea. But we need to beat the record.” Sabat naman ni Jisoo na kaklase nila Yoongi Hyung na katabi naman ni Lisa.

Buti nalang tatlong babae lang ang kagrupo namin. And mukang mahilig naman sila sa competition at hindi mukang maaarte.

Naagaw na ang atensyon ko ng iannounce ang group name nila Taehyung na Scenery.

Tumingin siya sakin saglit at ngumiti naman ako at nag thumbs up to say my goodluck to him. Nakita ko naman yung magandang ngiti niya.

Nasa may gitna siya naka pwesto at si Bogum naman ang nasa dulo na aakyat sa water slide.

Nagstart ng pumito si Sir at tumakbo na ang unang member nila. Ng si Taehyung na ang tumakbo kitang kita ko kung pano siya nadulas at humampas sa malambot na sahig.

𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon