Jeon Jungkook's POV:
Maaga akong gumising at susunduin ko pa yung girlfriend ko. Yes. Girlfriend ko. Walang aangal.
Pagbaba ko sinalubong ako ni Mama.
"Nak, bigay mo to kay Taehyung saka sa Daddy niya. Binake ko yan." Sabi niya habang nakangiti.
"Okay Ma. Salamat po. Alis na ko." Sabi ko saka humalik sa pisngi niya.
"Ingat ka." Pahabol pa ni Mama.
Nagdrive na ako papunta kala Taehyung. Nagdoorbell ako at si Ate Delia ang nagbukas.
"Uy pogi nanjan kana pala. Pasok kana muna." Sabi niya.
"Nanjan po ba si Sir Kim?" Tanong ko ng makapasok.
"Sir. Kim? Tito nalang iho." Biglang sulpot ni Sir Kim sa gilid kaya nagulat ako.
"Ah eh. Goodmorning po Tito. Pinabibigay po ni Mama. Freshly baked red velvet cupcakes po." Sabi ko sabay abot nung box cupcakes.
"Salamat iho." Sabi niya ng nakangiti. "Delia, makikitawag na si Taehyung at baka malate pa sila." Sabi ni Sir Kim kay Ate Delia.
"Sige po Kuya." Tas umakyat na siya.
"Iho, I could see na mahal na mahal mo anak ko." Biglang sabi sakin ni Sir Kim.
"Opo naman po Tito. She deserves to be treated like a queen po kase." Sabi ko habang nakangiti.
"I know you are. Alam kong aalagaan mo siya. Wag na wag mong isusuko anak ko kahit ano mangyari ha?" Sabi niya sakin sabay tapik sa balikat ko. "Sya mauna na ako ah. Makikisabi sa Mama mo salamat sa cupcake." Sabi niya ulit.
Ano kayang ibig sabihin ni Tito sa sinabi niya?
Nawala na ko sa pag-iisip ng bumaba na si Taehyung.
"Goodmorning baby ko." Sabi ko sabay hinalikan siya sa labi ng mabilis. "Pinabibigay ni Mama. Red velvet cupcakes." Sabi ko ulit sabay abot ng box.
"Tara na baka malate na tayo." Sabi niya at nagpunta na kami sa kotse.
Pagdating sa school may mga pinagchichismisan.
"May bago nanamang transferee?" Tanong nung babae sa kasama niya.
Nagkatinginan kami ni Taehyung.
"Sino kaya yon?" Tanong naman niya.
"Interesado ka?" Biro kong tanong sa kanya.
"Loko!!" Natatawa niyang sabe.
Nagpunta na muna kami sa tambayan ng tropa dahil may 1 hour pa bago mag start ang klase. Walang 1st subject lahat dahil may biglaang meeting sa faculty.
"May transferee nanaman daw?" Tanong samin ni Hobi Hyung.
"Oo. Ewan kung sino. Di pa ko nakakasagap ng chismis eh." Sabi naman ni Chim.
"Sino kaya?" Takang tanong ni Yoongi Hyung.
"Di ako interesado." Mahinang sabi ni Taehyung na nakapangalumbaba.
"Suuusssss. Dapat lang! Edi yare ka jan kay Nerdy Boy." Sabi naman ni Chim na tatawa tawa.
Nagkulitan pa kami ng nagkulitan saka nagpuntahan na sa mga classrooms namen.
***
Kim Taehyung's POV:
Nagjajamming pa kaming magkaka-klase ng biglang pumasok si Sir at may kasunod na dalawang studyante.
"Goodmorning class. As you can see may madadagdag nanaman sa klase nyo dahil alam naman nating anim ang naexpelled sa class nyo months ago." Sabi ni Sir. Tumingin siya dun sa dalawang studyante.
Ako naman nakatingin lang sa mga notes ko at baka may quiz pa kame.
"Introduce yourself." Sabi ni Sir.
"Hi. I'm Park Bogum. A transferee from US. Nice to meet you all." Sabi nung lalake at automatic akong napaangat ako ng tingin sa kanila.
Nakatingin siya sakin at nakangiti.
Naramdaman ko naman na parang sinipa ng mahina ni Jungkook yung upuan ko sa likod. Wow. Selos?
Tumungo na ko agad.
Nag start naman magpakilala yung babae.
"Hi. I'm Lalisa Manoban. I'm also a transferee from US. Cousin ko si Bogum." Sabi niya.
I know her. Sya yung super spoiled brat na pinsan ni Bogum na lagi akong inaaway noon. Tss.
"You may now take your sit. Don nalang kayo sa may unahan na vacant seat." Sabi ni Sir sa kanila.
Nakatungo lang ako the whole time.
Naramdaman ko naman yung kamay ni Jungkook na nilalaro yung likod ko. Alam ko na ibig sabihin neto. Magkwento ako mamaya.
Buong klase tahimik lang kame. Medjo naiilang ako kasi lingon ng lingon si Bogum saken. Ano bang problema niya? Tss.
Lunch break na. Biglang lumapit sakin si Bogum.
"Hi Tae. Hindi nagkamali ng piniling section. Tara sabay na tayo maglunch?" Sabi niya sakin.
"Ay Mr. Pogi, hindi pwede yan si Taehyung. Yung boyfriend niya ayan oh." Medjo masunget na sabi ni Chim na nakaturo pa kay Jungkook.
Si Jungkook naman seryoso lang ang mukha.
"Ganun ba? Sige pasensya na." Sabi naman ni Bogum saka umalis na sila nung pinsan niyang mahadera.
"Alibadbad ako jan sa magpinsan na yan." Mataray na sabi ni Chim.
"Ngek eh inaano kaba bes? Baliw ka nagtaray ka kagad." Sabi ko naman sa kanya.
Naglakad na kami papunta sa cafeteria at napansin ko yung magpinsan na nakatingin samin. Di ko nalang pinansin.
"Tae. Kanina ko pa napapansin nakatingin sayo yung tranferee?" Sita sakin ni Yoongi Hyung.
"Kababata ko siya." Simple kong sabe.
Nagulat naman silang lahat.
"Wala kang nababanggit samin na ganyan ah?" Biglang sabi ni Hobi Hyung.
"Actually, matagal na yon. 7 years old kami nung nagmigrate sila sa US. Yang babae pinsan niya. Lagi kami magkaaway niyan." Sabi ko naman. "Pero matagal na yon. Nawalan na kami ng kontak nung nagpunta sila sa US. Kaya naiilang din ako." Sabi ko naman.
Napansin kong tahimik lang si Jungkook.
"Baby ko. Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya.
"Oo naman baby. Medjo wala lang ako sa mood. But don't worry." Sabi niya saka ako hinawakan sa bewang.
After maglunch balik klase na ulit ang lahat. Naiilang talaga ako sa mga tingin sakin ni Bogum.
Nag aya muna ang tropa maggala kaya nag Mall muna kami at nag arcades. Bumalik naman sa pagiging makulit si Jungkook at nag enjoy naman kame.
After gumala hinatid niya na din ako kasi nga ayaw niyang gabihin kami ng uwi.
"Ingat ka baby ko ah? Text me pag nakauwi kana." Sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa labe. "Thank you sa paghatid." Lambing ko.
Niyakap niya naman ako.
"I love you so much." Bulong niya sakin.
Niyakap ko siya pabalik.
"I love you more po." Sabi ko naman. "Siya sige na. Mag iingat ka ha?" Sabi ko naman at umalis na siya.
Saktong pasok ko may nakita akong bisita.
"Anak nanjan kana pala. May bisita ka. Tanda mo pa ba sya?" Tanong sakin ni Dad.
"B-Bogum?"
Anong ginagawa niya dito?
---
Hello mga mahal. Sorry late UD! 😭 tapos na yung Actor's Affair kaya naman I'll tried to ud this as soon as possible huhu. May 2 pending stories agad ako. Hmp. Thanks for patiently waiting! 💕Vote ☑
Comment ☑
BINABASA MO ANG
𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲
FanfictionSi Kim Taehyung, anak ng may ari ng isang sikat na University sa Korea. He is a Androgynous gay na nagtataglay ng isang kagandahan na hindi natural para sa isang lalake. Maganda. Sexy. Feminine. At mapagkakamalan mo talagang isang babae. He was an...