Kim Taehyung's POV:
Paggising ko shempre cellphone ko kagad yung chineck ko. I expect a message from Jungkook. At di nga ako nagkamali.
From : My NerdyBoy 👓
Goodmorning mahal na reyna! Sunduin kita ha? See you! :*Napangiti naman ako. Kaya dali dali na akong bumangon at nag ayos. Nagpaganda talaga ako ng bongga.
Ewan ko ba kung bakit pagdating kay Jungkook eh halos di na ko magkanda ugaga.
Narinig kong may kumatok sa pintuan ko.
"Bunso? Nanjan na yung sundo mo!" Sigaw ni Ate Delia na kasambahay namin.
"Okay ate! Makikisabi po pababa na ako. Thank you!" Sigaw ko pabalik.
Binilisan ko na yung pag aayos ko.
Pagbaba ko wala naman si Jungkook sa salas.
"Ate Delia? Nasan po yung sundo ko?" Tanong ko sa kasambahay namin.
"Ay bunso, nasa labas. Ayaw pumasok eh. Sa kotse nalang daw sya maghihintay." Sagot niya.
"Ganun ba? Sige ate pasok na ko." Sabi ko saka kumaway.
"Ingat ka bunso!" Sigaw nya naman.
Paglabas ko nakasandal lang si Jungkook sa kotse nya habang naghihintay sakin.
"Bat di ka naman pumasok sa loob?" Sabi ko at napatingin sya saken.
"Goodmorning mahal na reyna. Nakakahiya eh. Makakapasok din naman ako jan mamaya hindi ba?" Sabi niya. Napangiti naman ako. Oo nga pala ininvite sya ni Dad for dinner.
Pinagbuksan nya ko ng pintuan ng kotse niya saka siya umikot papunta sa driver's seat.
Nagulat nalang ako ng bigla syang lumapit sakin kaya napapikit ako. Hahalikan nya ba ko? Bigla akong nakaramdam ng paghipan sa muka ko.
Pagmulat ko nakangisi siya saken.
"Yung seatbelt mo di pa nakakabit." Sabi niya kaya namula ako.
Jusko nakakahiya!!! Akala ko hahalikan niya ko.
Tahimik lang tuloy ako sa buong byahe namin. Nahihiya kasi ako. Naramdaman ko nalang na hinawakan nya yung kaliwa kong kamay.
Tumingin ako sa kanya, nakangiti sya habang nakatingin sa daan.
"Nagchacharge lang ako para may energy ako buong maghapon." Sabi niya na nakatingin padin sa daan.
Hindi ako nakapag salita sa kilig. Ang lambot ng kamay niya. Fit na fit din sa kamay ko.
Nakarating kami ng school at talaga namang pinag titinginan kame. Halos lahat parang kilig na kilig. May mga babae namang naiinggit ang itchura.
"Bagay na bagay sila no?" - Girl 1
"Oo sis. Para silang hari at reyna." - Girl 2
"Same same pa ng hair. Grabe lang." - Girl 3
"TaeKook nalang tawag natin sa kanila. Taehyung at Jungkook. Taekook." - Girl 2
Napatingin nalang ako sa kasama kong hawak hawak padin yung kamay ko. Laki ng pinagbago niya. Hindi na sya mahiyain. Pero nasobrahan sa pagkasweet.
"Jungkook, daan muna ako sa locker ko." Sabi ko sa kanya.
"Samahan na kita. Sabay na tayo pumuntang room." Sagot nya naman. Wala na din akong nagawa.
Sumaglit lang kame sa locker ko at kinuha ko yung mga books na need ko for today. Kinuha niya naman at sya na nagdala. How gentleman.

BINABASA MO ANG
𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲
FanficSi Kim Taehyung, anak ng may ari ng isang sikat na University sa Korea. He is a Androgynous gay na nagtataglay ng isang kagandahan na hindi natural para sa isang lalake. Maganda. Sexy. Feminine. At mapagkakamalan mo talagang isang babae. He was an...