Kim Taehyung's POV:
Lunes nanaman. Namimiss ko si Jungkook. 2 days ko syang di nakita. Lande ko lang.
Pagdating ko ng school halos puro nagchichismisan na mga studyante naririnig ko.
"Girl, nakita mo ba kanina yung bagong student? Grabe ang gwapooooo." Sabi nung babaeng parang kinukurot sa singit kung magkwento.
Transferee? Parang wala namang nabanggit sakin si Dad.
Nakita kong nananakbo papalapit sakin si Chim.
"Beshycakes!" Tawag niya sakin.
"Oh? Ano at madaling madali ka? May chismis ka nanaman ba?" Tanong ko sa kanya.
"Bes, may bagong transferee na gwapo dito sa school. Sheeeet. Alam mo ba? Nakita ko sya kanina pero sa malayo lang eh. Saka-- oh my god bes ayan sya!" Sabi ni Chim na parang tangang kinikilig habang nakaturo sa likod ko.
Paglingon ko parang tumigil yung oras pati yung paligid. Yung pakiramdam na kami lang dalawa yung nakakakilos. Palapit sya ng palapit sakin. Palakas ng palakas yung kabog ng dibdib ko.
"Ms. Taehyung." Sabi niya ng nakangiti sakin.
"J-Jungkook?" Sabi ko naman na nauutal. Sobrang gwapo nya ngayon. Naka brush up yung red pink nyang buhok at may hikaw na din sya. Nakauniform na fitted na sa katawan nya. At ang bango bango.
"Si Jungkook yan?!" Nagulat ako ng magsalita si Chim. Lakas ng boses bwisit.
"Hi Chim." Bati sa kanya ni Jungkook.
"H-Hi." Nahihiyang sabi ni bakla. Asus. Kire! Pabatukan ko to mamaya kay Yoongi Hyung.
"Ms. Taehyung. Um pina iinvite ka nga pala ni Mama at Papa for lunch. K-Kelan ka free?" Sabi niya sakin. Nagpipigil lang ako ng kilig.
"Kelan daw ba? Pwede naman ako anytime." Sabi ko.
"Weekend ba pwede ka?"
"Oo naman. Saturday?" I said.
Tumango lang sya.
Biglang nag bell kaya sabay na din kaming tatlo pagpunta sa room. Pagpasok namin nakatingin lahat samin. Para bang nakakita sila ng artista.
Dumeretcho lang kami sa upuan namin. Napansin nilang naupo si Jungkook sa likod ko.
"Psst. Pogi may nakaupo na jan." Sabi nung kaklase kong babae.
"Tss lande." Narinig kong bulong ni Chim kaya siniko ko sya.
Biglang pumasok si Ma'am at binati kaming lahat. Hindi nya napansin si Jungkook kaya nag start na syang mag roll call.
"Jeon Jungkook." Tawag ni Ma'am. Nagtaas si Jungkook ng kamay at lahat ng kaklase ko napasinghap. Mga nanglalaki ang mga mata at di makapaniwala. Ako? Nakangiting tagumpay.
Lahat sila gulat. Pati na rin si Ma'am.
"Wow Mr. Jeon you've changed a lot. Lalo kang gumwapo." Puri sa kanya ni Ma'am.
"Hindi naman po maam pero.. Thanks to Ms. Taehyung." Nagulat ako sa sinabi niya. Nag blush ako bigla.
Nag sigawan ng 'yiiieee' yung mga kaklase kong mga baliw. At kinuhit naman ako ni Chim.
"Kwento ka sakin later bes." Bulong niya.
Naging okay naman ang buong klase. Bukod sa nararamdaman kong nilalaro ni Jungkook yung buhok ko sa likod.
Tangang to nakikiliti ako. Tss.
The bell rang at lunch break na. Inayos ko na yung mga gamit ko. Napatingin ako kay Jungkook na nagaayos din ng gamit nya.
BINABASA MO ANG
𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲
FanfictionSi Kim Taehyung, anak ng may ari ng isang sikat na University sa Korea. He is a Androgynous gay na nagtataglay ng isang kagandahan na hindi natural para sa isang lalake. Maganda. Sexy. Feminine. At mapagkakamalan mo talagang isang babae. He was an...