Jeon Jungkook's POV:
"Can we talk?"
Tumingin ako kay Taehyung at tanging tango lang ang isinagot ko.
Nag umpisa akong maglakad, ramdam kong tahimik lang siyang nakasunod sa'kin. Walang mga studyante sa paligid dahil lahat ay nasa cafeteria lahat dahil break time nga.
Tinahak ko ang daan papunta sa rooftop kung saan madalas kaming nakatambay noon.
Naupo ako at sumunod naman siya sa'kin.
"Anong pag uusapan? Spill it. I only have minutes to talk with you." Pagbasag ko sa katahimikan na bumalot sa'min dalawa.
Nag aalinlangan siyang tumingin sa'kin. Kitang kita ko yung lungkot at sakit sa magagandang mga mata niya.
"Y-Yung tungkol sa'ting dalawa? Bakit bigla ka nalang nagbago? Bakit ganun, Jungkook? Gusto ko marinig yung explanation mo. I am always waiting for an answer to my questions. Don't leave me hanging thinking what did I do wrong." Rinig ko ang panginginig sa boses niya. Tanda na nagpipigil siyang umiyak.
I really hate seeing her crying. Kaya hindi ako tumitingin sa kanya ngayon. Kasi baka anytime na makita kong umiiyak siya bumigay na ako.
"Bakit hindi yung sarili mo yung tanungin mo kung bakit?" Walang emosyon na sagot ko sa mga tanong niya.
Bumalik nanaman sa'kin yung alaala nung gabing nakita kong may kahalikan siyang ibang lalaki. Kahit ako, I need explanations.
Tinignan ko siya saglit. Nakatitig siya sa'kin at kita ang pagtataka sa mukha niya.
"Ano bang sinasabi mo? Wala akong maintindihan. Hindi kita maintindihan." Gulong gulo na sabi niya.
Huminga ako ng malalim, "Palagi ka nalang ba aarte na parang wala kang ginawang masama? Tapos, ako pa yung masama sa huli kasi umaarte ka na parang walang nangyari? Ganun ba yun, Taehyung?" This time, nakatitig na ako sa kanya.
Mas lalong gumuhit sa mukha niya na naguguluhan siya sa mga sinasabi ko. Kaya naman mas lalo akong nainis.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Bakit hindi mo sabihin sa'kin ng deretcho para malaman ko?" Tanong niya pa.
I sighed.
"Nung gabing nasa resort tayo umalis ka sa pwesto natin kasi sabi mo mag ccr ka lang. Ang tagal mong bumalik. Kaya naman naisipan ko na sundan ka. Nagtanong tanong ako kung may nakakita sa'yo. Itinuro ka sa'kin ng mga staff dahil nakita ka nilang umakyat sa kwarto." Tumigil ako sandali, parang may bumara bigla sa lalamunan ko, "Hindi ko akalain na magandang bungad pala yung sasalubong sa'in pagbukas ko ng pintuan.. Nakita kitang may kahalikan na lalaki." I chuckled, "Tangina.."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko mapigilan na mamuo ang luha sa mga mata ko. Masakit.
"A-Anong? Anong kahalikan? Teka. Are you accusing me of cheating?"
"Ewan ko kung umaarte ka lang ba talaga na hindi mo alam Taehyung? Ikaw pa yung nakapaibabaw." Sarkastiko ko pang sabi.
Nabalot kami ng katahimikan.
Walang umiimik. Pati siya hindi niya magawang magsalita na para bang pinipilit niyang alalahanin yung gabing yun.
Nabasag ang katahimikan namin ng umalingangaw ang pag iyak niya.
BINABASA MO ANG
𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲
FanficSi Kim Taehyung, anak ng may ari ng isang sikat na University sa Korea. He is a Androgynous gay na nagtataglay ng isang kagandahan na hindi natural para sa isang lalake. Maganda. Sexy. Feminine. At mapagkakamalan mo talagang isang babae. He was an...