Chapter 14

592 34 6
                                    

Kim Taehyung's POV:

Kinaumagahan, nagising ako na sobrang masakit ang ulo. Anong nangyare?

Kinapa ko yung tabi ko at naramdaman kong wala akong katabi na dapat katabi ko si Jungkook.

Kaya naman napabangon ako bigla at nainda ko yung sakit ng ulo ko. Shit. Hangover.

"Kanina ka pa namin hinihintay magising." Rinig kong boses sa gilid ko kaya mabilis akong napalingon. Paglingon ko sa gilid ko nandon pala ang tropa na nakatingin sakin.

May kakaiba sa tingin nila. Lalo na si Chim.

"Anong nangyare? Nasaan si Jungkook?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi ba dapat kami magtanong sayo niyan? Anong nangyare?" Ramdam ko yung inis sa tono ng boses ng bestfriend ko.

What's wrong with Chim?

"What do you mean?" Wala talaga akong idea!

"Anong 'what do you mean' Taehyung? Umalis ka kagabe nagpaalam ka na mag cCR lang, then hindi ka na bumalik sa pwesto natin. Kaya naman yung boyfriend mo nag alala at sinundan ka. Parehas na kayong hindi nakabalik. And this morning we found out that Jungkook is on his way back home." Seryosong sabi sakin ni Hobi Hyung.

Teka. Teka. Hindi nag sisink in sakin yung nangyayare.

Uuwi si Jungkook?

"Anong his on his way back home? Teka. I don't have any idea what was going on here." Naguguluhan kong sagot.

"Tsk." Rinig kong sabi ni Chim at may pag rolled eyes pa.

"I'm out of here. Tawagin niyo nalang ako kapag alam na niya yung ginawa niya." Mataray na sabi niya tsaka lumabas ng kwarto ko.

"Teka babe!" Habol sa kanya ni Yoongi Hyung.

Tumingin ako kay Hobi Hyung. I'm clueless! Naguguluhan ako.

"Why he is acting like that?" Tanong ko sa kanya.

"Why don't you ask yourself Tae? Or maybe, mas maganda alalahanin mo nangyare kagabi." Seryoso pa din siya.

Tangina shet. Wala nga ako maalala! I was so drunk last night! Ang alam ko nag CR ako tapos dumaretcho na ako sa kwarto kasi hindi ko na kaya yung hilo ko and then I passed out.

Nakita kong naghihintay siya ng sagot ko. Kaya naman sinagot ko siya.

"Hindi yan yung narinig namin sa mga nakakita kay Jungkook kagabe."

Napatitig ako sa kanya.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.

"You really don't have any idea. Tsk." Umiiling iling na sabi niya.

"Hyung tell me what's wrong!!! Sagutin mo ko ng deretchuhan anong nangyare?! And why are you guys acting like this na parang may ginawa akong kasalanan sa inyo?" Naiiyak na ako.

I heard him sighed. As in deep sighed.

"May nakakita kay Jungkook kagabi na nananakbo habang umiiyak galing dito sa kwarto niyo. Sabi nila, he look miserable. He was crying like a mess while running. Hindi daw nila natanong kung bakit. Kaya kaninang umaga nung nalaman namin, pumunta agad kami dito at nakita naming solo ka lang. We asked the professors kung nakita ba nila si Jungkook, they said yes at pauwi na dahil nagpaalam daw na may emergency sa kanila." Mahabang sagot niya.

Nakaramdam ako ng lungkot. Bakit siya umiiyak? Anong nangyare sa kanya kagabi? At bakit hindi manlang siya nagpaalam sakin?

"Pero bakit galit sakin si Chim?" Taka ko pa din na tanong.

𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon