Chapter 16

1.4K 48 79
                                    

Jeon Jungkook's POV:

Pagpasok ko sa loob ng bahay bumungad saakin ang nag aalalang mukha ni Mama.

"Anak. Do you really have to do that to her?" Walang halong galit sa boses ni Mama. Pero pag aalala at lungkot meron.

"Ma.." Umiyak ulit ako.

Lumapit si Mama saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Iiyak mo lang anak. Alam kong masakit."

Humagulgol ako ng iyak. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa sarili ko. Pinangako kong hindi ko siya sasaktan at paiiyakin. Pero paano naman ako? Nasaktan din ako.

Hanggang ngayon paulit ulit na nagpeplay sa utak ko yung nakita ko ng gabing yon. Kung paano siya nakapa ibabaw sa lalaking nakahiga sa kama at naghahalikan silang dalawa.

Hindi ko alam kung sino yung lalaki at wala na din akong balak alamin. Wala din akong lakas ng loob na komprontahin siya, baka lalo lang akong masaktan.

Yung tungkol saamin ni Lisa? Wala iyon. Gusto ko lang maramdaman ni Taehyung yung sakit na naramdaman ko. Alam kong mali yung ginawa ko, pero hindi din ako masisisi.

Paano nga ba nagsimula lahat ng nangyayari ngayon?

***

Flashback

Nanakbo ako palabas ng hotel room namin ni Taehyung habang umiiyak. Ang sakit sobra. Hindi ko akalain na ganito yung makikita ko or worst hindi ko ineexpect na sasaktan ako ni Taehyung.

"Gguk?" Rinig kong sabi ng isang boses.

"Bakit ka umiiyak?" Sabi pa niya.

Hindi ako nasagot. Naramdaman ko yung paghawak niya sa mukha ko.

"Hindi dapat naiyak ang mga katulad mong gwapo."

Pagkatapos ay naramdaman ko yung pagdampi ng labi niya sa labi ko.

Sa sobrang gulat ko naitulak ko siya. Pinahid ko yung labi ko tsaka tumingin sa kanya ng masama kahit may luha pa sa mata ko.

"Baliw ka ba?! Anong ginagawa mo?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Kita ko yung gulat sa mukha ni Lisa.

"I-I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Nauutal niyang sabi.

Tinignan ko lang ulit siya ng masama tsaka nanakbo ulit.

"Jungkook teka!!" Rinig kong sigaw niya.

Nakarating ako sa may dulo ng resort na tanging ilaw lang ng buwan yung sumisinag sakin.

Ang dami kong tanong sa isip ko kung bakit? Anong rason niya? Siguraduhin niya lang na may maganda siyang rason kung bakit may lalaki sa kwarto naming dalawa.

Ako nga. Kahit hawak sa maseselan na parte ng katawan niya hindi ko magawa dahil malaki yung pag galang ko sa kanya. Tapos ibang lalaki ikakama siya? At worst sa higaan kung saan kami matutulog dalawa?

Narinig kong nag ring yung cellphone ko sa bulsa ko. Nang tignan ko si Mama natawag.

I tried my best para hindi niya mahalatang umiiyak ako.

"Ma.."

[Anak..]

Umiiyak si Mama?

"Ma. Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Nag aalala kong tanong. My Mom was always a jolly person. Hindi ko yan nakikitang umiyak sa kahit na anong bagay. Kapag nag aaway sila ni Papa hindi siya naiyak. Napaka strong niyang tao.

Pakiramdam ko may kakaibang nangyari. Hindi naman siya iiyak ng ganito kung wala.

[Si Mamita mo anak. She passed away kanina lang.]

𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon