Chapter 4

1.1K 83 22
                                    

Jeon Jungkook's POV:

Sinabi ko kala Mama at Papa na huwag ng kontakin si Ms. Taehyung nung magising ako.

Ilang araw na din akong di napasok. Ewan ko ba kung dahil sa nahihiya na ako sa nangyare sakin o dahil sa nahihiya ako kay Ms. Taehyung dahil sa sinabi ni Minho nung binubugbog nya ko.

Marami sigurong nagtatanong kung bakit hindi ako lumalaban? Ayokong dungisan ang mga kamay ko. Ayaw kong lumapat to sa mga walang kwentang tao.

Napakababa man tignan, pero alam ko sa sarili ko na hanggat wala akong nasasaktan okay na ako.

Totoong nakita ako ni Minho na nasa locker ni Ms. Taehyung. Breaktime non at alam kong lahat ng studyante nasa canteen na.

Saktong sara ko ng locker ni Ms. Taehyung ay nakita na ko ni Minho at ng grupo nya saka kinaladkad ulit ako sa likod ng Eng. Dept.

Nagising ako nasa hospital na ko eh. Pero tanda ko na dumating sila Ms. Taehyung non.

Biglang may kumatok.

"Pasok!"

Nagulat nalang ako ng makita yung taong iniiwasan ko.

"T-Taehyung?"

"Um. Hi!" Sabi niya habang nakatayo sa may pinto. Kumaway pa sya sakin.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko na nauutal. Napaayos ako ng upo sa kama. Nakakahiya. Nakapang basketball shorts lang ako at sando.

"Ilang araw ka na kasing hindi napasok. Kaya eto dinala ko yung mga notes ko and mga assignments na namissed mo." Sabi niya sabay abot sakin ng mga notes nya.

Nilibot nya yung paningin niya.

 Nilibot nya yung paningin niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"This is a nice room. How I wish I could have like this." Sabi niya. Huh?

"T-Teka Ms. Pano ka nakapunta dito?" Tanong ko ulit. Until now di nagpa-function yung utak ko. Yung crush ko nasa harap ko at nasa kwarto ko pa.

"I have ways." Simpleng sabi niya at ngumiti.

Binabaliw mo ba ako Ms. Taehyung? Kung oo, baliw na baliw na ako.

"Um. Pwede ba kong magtanong?" Sabi niya.

Saka ko lang narealize na kanina pa pala sya nakatayo sa pwesto nya.

Napatayo ako at kinuha yung swilver chair ko sa tapat ng computer ko saka inabot sa kanya.

"Maupo ka muna." Sabi ko. Saka naman sya naupo.

"Sa tanong mo. Nagtatanong kana. Pero sige." Sabi ko ulit. Ang trying hard ko magsungit pero deep inside nanginginig na ako.

"Bakit parang iniiwasan mo ko?" Tanong niya.

Ano bang sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na crush ko sya.

"I told you. Di ako friendly na tao." I told her. Muka namang di padin sya satisfied sa sagot ko.

𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon