Chapter 15

682 37 8
                                    

Park Jimin's POV:

Nakakabagot naman. Simula ng umalis si Gguk papuntang New York dahil nga daw namatay yung Lola niya sa father side niya, naging matamlay na si Taehyung. I know how much he misses his boyfriend a lot.

Nagsisisi din ako nung panahon ng tour at team building. Nag doubt ako at sa bestfriend ko pa talaga? I thought he cheated on Gguk, or may ginawa siyang hindi nagustuhan nung isa at may nakakita pang umiiyak habang nanakbo palabas ng hotel room nila.

Nakakairita naman! Hindi ako sanay ng ganito. Parang ang gloomy tuloy ng paligid. Pati si Hobi Hyung at si Babe naaapektuhan na din sa pagiging malungkot ni Taehyung.

It's been a week. Kapag inaaya naman namin siya para malibang ayaw niya namang sumama saamin. I want to make it up on him dahil alam ko kung gaano siya kalungkot ngayon.

"Babe. Do you really think Taehyung is okay? Ilang araw na siyang tumatanggi na makipag bonding satin." Sabi ko sa boyfriend ko na nag aayos na ng gamit para pumasok.

Actually, siya dapat ang nasa bahay ngayon para sunduin ako. Kaso sobrang kunat magising ng maaga kaya heto ako nalang ang nagpunta. Nakakahiya naman sa kanya no? Tsk.

"Hmm. I can't say yes and I can't say no either. Let's give him time. Kahit naman siguro ako mawawalan ng gana sa lahat knowing that my boyfriend is not okay at hindi manlang niya madamayan. You got my point right?" Mahabang sagot niya sakin.

Tumango nalang ako. He's right.

Pinisil niya yung ilong ko tsaka ako hinalikan sa labi.

"Don't think too much Babe. He will be fine kapag umuwi na si Gguk. Okay?" Nakangiti niyang sabi sakin.

I really love this guy. Kahit na laging nakapoker face at mukhang masungit ang awrahan niya, he still manage to cheer me up whenever I feel down.

"Tara na sa school, baka malate na tayo sa klase. Kausapin mo nalang si Taehyung mamayang breaktime." Sabay hawak sa kamay ko tsaka kami pumunta sa kotse niya.

Pagdating sa school tipikal na naghihintay saamin si Taehyung sa waiting area malapit sa gate pero wala siya doon. Nasaan kaya yun?

"Zena! Nakita mo ba si Taehyung?" Tanong ko sa kaklase naming babae na naglalakad papalapit sa waiting area.

"Ay Chim, parang nakita ko siyang papunta sa office ni Mr. President. Nagtaka nga ako kasi ang aga eh." Sagot niya.

"Ganun ba. Sige. Thanks Zen!" Sabi ko tsaka tumayo na ulit. "Babe, pumunta kana sa klase mo ha? Pupuntahan ko lang si Taehyung sa office ni Tito." Sabi ko sa boyfriend ko tsaka siya hinalikan sa labi at umalis na ako.

Ano kayang gagawin ni Tae sa office ni Tito? Baka hihingi na siya ng tulong sa Dad niya para makontak si Jungkook. I know him very well.

Pagdating sa tapat ng Office of the President kumatok muna ako ng marahan. Nagulat ako at si Taehyung yung nagbukas.

"Oh bessy? Anong ginagawa mo dito?" Bungad niya sakin.

"Goodmorning to you too my bessy. Hinahanap lang naman kita dahil may klase tayo remember? Tsaka ano bang ginagawa mo dito sa office ni Tito?" Dumaretcho na ako ng pasok dahil nakita kong solo lang naman siya.

"Nag leave kasi yung secretary ni Dad for a week. So need niya ng katulong dito sa office niya. Nagvolunteer nalang ako tutal wala naman akong pinagkakaabalahan. Nag excuse na ako sa klase natin ng first subject. Tatapusin ko lang tong naiwang trabaho ng secretary niya." Sagot niya sa tanong ko habang nag aayos ng mga papel sa mesa ng Daddy niya.

"Ay kaloka din naman si Ms. Lee, nag iwan pa talaga ng trabaho hindi manlang tinapos bago umawra? Kaloka! Pero sabagay. One week lang naman. Ano na nga palang balita? Sumagot na ba si Jungkook sayo?"

𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon