Kim Taehyung's POV:
Napapansin ko na halos araw araw nakikipag usap sakin si Bogum. Pero diko sya pinapansin. Mahirap na at baka magselos si Jungkook.
Nasa cafeteria kaming buong tropa ng biglang lumapit samin si Bogum at Lisa.
"Hi guys." Bati samin ni Bogum.
Umikot naman yung mata ni Chim. Napaka maldita talaga.
"Hindi naman kami lumapit dito para makipag away or gumawa ng gulo. We just wanted to be friends with you guys." Biglang sabi ni Lisa.
Tumingin siya sakin at parang nahihiya pa.
"I'm really sorry sa naging attitude ko sayo noon Tae, nakakahiya. But I promised nagbago na ko." Dagdag pa niya.
Nakatingin lang kaming lahat sa kanilang dalawa.
"Super nahihirapan kaming mag adjust dito sa school. Wala din kasing nakikipag usap saming dalawa. I just thought na, kaibigan ka naman namin noon kaya baka pwede ka padin naming maging kaibigan ngayon." Sabi naman ni Bogum na parang nagmamakaawa pa.
Tumingin ako sa tropa isa isa. Si Yoongi Hyung naka unbothered look lang. Si Hobi Hyung nag shrugged lang. Si Chim nakamaldita look. Si Jungkook naman walang reaksyon.
Nagulat ako ng biglang magsalita si Gguk.
"Okay lang. Wala namang masama. You guys can join us." Sabi niya habang nakangiti.
"Seryoso kaba?" Sabi naman ni Chim na parang di makapaniwala.
"Yea. Wala naman sigurong masama? They both needed a friend. Katulad lang din nila ako noon. And I know guys you have a good heart." Sabi pa niya na nakatingin samin.
Pati ako nagulat. Pero dahil nga mabait tong boyfriend ko pumayag na din ako.
"Okay sige. Payag na din ako." Sabi ko naman.
"Fine." Sabi naman ni Chim na pataray.
"Thank you guys. Thank you talaga." Nakangiting sabi ni Lisa samen.
Sabay sabay na kaming naglunch and di naman ganun nakakailang na kasama sila. Madalas din magkwentuhan si Bogum at Jungkook kaya hindi awkward.
Si Chim naman ang uneasy masyado ng reaksyon niya. Pero I know makakasundo niya rin yung dalawa.
Days have passed. Naging close na nga kaming lahat doon sa mag pinsan. Kalog din si Lisa kaya naman nakasundo namin sya ni Chim. Pero may mga sinasabi padin sakin si Bes na mag iingat padin ako at mukang tuso si Lisa.
Weekend ngayon at walang gala ang tropa. Si Jungkook naman busy dahil may pinapaasikaso daw parents niya sa kanya.
Nagulat ako ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Tae? May bisita ka." Sabi ni Ate Delia.
"Okay po Ate. Bababa nalang ako." Sabi ko naman.
Sino kaya yon? Busy lahat ng tropa eh.
Lumabas na ko ng kwarto ko at bumaba. Nakita ko si Bogum na nakaayos at mukang may lakad.
"Oh? Napadaan ka ata dito?" Sabi ko sa kanya.
"Busy kaba? Aayain sana kita mamasyal." Sabi nya naman sakin.
Napaisip ako. Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya. We're friends naman kaya wala namang problema don.
"Okay sge. Teka lang magbibihis lang ako." Sabi ko at umakyat na ko saka nag bihis at nag ayos.
Bumaba din ako kagad at nakakahiya kung maghihintay sya ng matagal.

BINABASA MO ANG
𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲
FanficSi Kim Taehyung, anak ng may ari ng isang sikat na University sa Korea. He is a Androgynous gay na nagtataglay ng isang kagandahan na hindi natural para sa isang lalake. Maganda. Sexy. Feminine. At mapagkakamalan mo talagang isang babae. He was an...