Chapter 11

967 63 10
                                    

Kim Taehyung's POV:

"B-Bogum?"

"Hi Tae." Sabi niya na nakangiti.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko.

"Binisita ko lang si Tito. Actually, si Dad talaga nagpapunta sakin dito may pinasabi lang siya kay Tito. Tas inintay nalang din kita makauwi. Paalis na din ako." Sabi niya. Saka sya tumayo.

"Hinatid kaba ng boyfriend mo?" Tanong niya pa.

Tumango lang ako. Malamang sino pa bang maghahatid sakin?

"Siya sige alis na ko." Paalam niya saka ngumiti sakin na makahulugan.

What was that?

Agad akong nagpunta sa office ni Dad sa taas. I knocked twice before I entered.

"Dad? Anong ginawa ni Bogum dito?" I asked him.

"Wala anak. Yung Dad niya nag offer to become a share holder ng isa nating company." Sabi ni Dad.

It's so unlikely na tanggapin yon ni Dad. Di naman sila close ng parents ni Bogum.

"Any question my princess?" Tanong pa ni Daddy.

Umiling lang ako. "Wala po Dad. Sige po punta na ko sa room ko." Umalis na din ako at nagpunta sa kwarto ko.

Dali dali akong nagbukas ng netbook at nagpunta sa groupchat ng tropa.

KURIMAWS 🤘🏻

Campus Queen 👑 : Guys? Yuhoo?
Miss Sunget 🙄 : Yes beshycakes?
MVP 🏀 : ?
Dancerist : Bakit?
Nerdy Boy 👓 : Yes po baby ko?
Campus Queen 👑 : Galing si Bogum dito kanina.
Nerdy Boy 👓 : And then?
Campus Queen 👑 : Teka nga mag VC nalang tayo.

I called them at nagsagutan naman silang lahat.

[Anong meron baby ko?] - Jungkook

"Nagtataka lang kasi ako saka napapaisip. Bat siya nagpunta dito?" Sabi ko naman.

[Why? Eh sabi mo kababata mo sya?] - Hobi Hyung

"Eh oo nga. Pero nung bago siya umalis ngumiti siya and may mali sa ngiti niya." Sabi ko ulit.

[Bat? Ngiting aso ba?] - Yoongi Hyung

[Baka kamo ngiting unggoy.] - Chim

"Mga baliw! Tapos nagpunta ako kay Dad and I asked him ano bang sadya nun dito."

[Anong sabi ni Tito?] - Jungkook

"Yung parents daw ni Bogum nag offer maging share holder ng isa naming company."

[Ano namang problema don? Maganda nga yon eh.] - Yoongi Hyung

[Oo nga Tae. Ayaw mo non?] - Hobi Hyung

"No. You guys don't understand. Hindi kasi basta basta papayag si Daddy sa offer nila lalo't hindi naman close si Dad at parents ni Bogum. As in no." Frustrated kong sabi.

[Oh my god. So may hidden agenda yang childhood friend mo bessy?] - Chim

[Baby, wag ka ng mag isip jan. Mag iingat ka nalang. Basta, wag ka basta basta didikit don sa lalaking yon.] - Jungkook

[Tama si Gguk. Magpahinga na din muna tayo at bukas na tayo mag usap usap.] - Yoongi Hyung

"Sige. Bye guys! Thank you for listening. Bye baby. I love you." Sabi ko sa kanila at kumaway pa ko.

𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐍𝐞𝐫𝐝𝐲 𝐁𝐨𝐲 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon