Chapter 4

27 1 0
                                    

Royal Blood's

Bree's POV

Nasa cafeteria kami ni Maxine. Syempre pareho kaming patay gutoms. Halos araw araw nalang ako ang nanglilibre sa kanya. Akala ata nito tumatae ako ng pera.

Napatigil ako bigla nang may isang grupo ng mga estudyante ang pumasok sa cafeteria. Ang ingay nila promise. Ang sakit sa tenga. Para silang may dalang microphone at speakers.


"Ayan nanaman sila." Bulong saakin ni Maxine.

"Sino ba sila?" Tanong ko.

"Sila ang Royal Bloods." mahinang sabi ni Maxine na parang nananakot.

Na curious ako bigla. Bakit Royal Bloods tawag sakanila? Siguro Type A ang blood type nila.

"Bilisan niyo nga!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Familiar talaga boses  niya. Di ko lang matandaan kung sino.


Pabalik na kami ni Maxine sa room. Nag take-out kami ng ilang chitchirya if ever man na walang pumasok mamayang hapon na teacher, kakain nalang kami.

Dumiretso na ako sa may upuan ni Maxine. Siya lang kasi medyo close ko dito. Makikipag friends lang ako sa iba dito sa likod.

"Hi!" Bati ko sa kanila at ngumiti.

Binalikan naman nila ako ng ngiti.

"Ano pinaguusapan niyo?" Tanong ko.

Para kasi silang naka groupings na nasa likod. Mga 1/8 ata nang klase.

"Wala,ganito lang kami kapag naguusap-usap." Sabi nung isa.

"Ahhh.. Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko dito sa lalaking sumagot sakin.

"I'm Josh." Sagot niya.

Close sila ni Maxine. Friendly  kasi tong babae na'to. Halos lahat ng classmates namin ka-close niya. Pwera lang ata dun Kay Jackie Chan.

"P-pwedeng magtanong?" Sabi ko.

Di kona inantay sagot nila basta gusto ko magtanong tungkol dun sa Royal Bloods na yun.

"Ano yung Royal Bloods?"  Dugtong ko.

Napahinto sila at nagsitinginan saakin. Medyo iba yung mga reaction nila. Hala,mali atang tanungin ko sila tungkol dun.
Lagot ka Bree.

"Ahh... Ano kasi guyss.. Transferee.." Pagbasag ni Maxine sa maikling katahimikan.

Agad akong hinila ni Maxine palabas ng room. Aray ko hah.

"Aray, masakit!" Sabi ko sabay alis ng kamay ni Maxine sa braso ko.

"Wag mo nang babangitin yun hah!"

"Bakit naman?" Panguusisa ko.

"Bastaaa.." Seryoso niyang sabi.





Bumalik na kami sa room. Naupo na ako sa upuan ko. Nandito na pala yung Jackie Chan kakapasok palang ne'to ngayong hapon.

Nginitian niya lang ako. Toot bright idea! Parang pwede tong makunan ng impormasyon. Pero president to, baka magalit sakin sayang friends nasana kami. Pero pede ding sabihin niya saakin.



"Uyy,pede mag tanong?" Ngiti Kong tanong sakanya.

"Tungkol saan?" Agad niyang sagot.

"Tungkol dun sa Royal Bloods." Bulong ko sakanya. Mahirap na baka may makarinig.

Medyo nagiba din reaksyon niya. Napangiwi lang ako sakanya. Ok wala siyang balak sabihin yun saakin.

Agad nalang akong nagiba nang tingin.






"Kasi masasama sila." Bulong nung kung sino saakin. Malamang si Jackie Chan yun, siya lang naman tinanong ko eh.

Umiling ako ng konte and shocks! Ang lapit nang mukha niya sa'kin!

Napaatras ako para makalayo sakanya ng konti, at ganon din siya.




"Masasama?" Sabi ko.

"Basta yun na yun." Bored niyang sabi.






Kainis! Sumagot nga siya bitin naman.




Kumain nalang ako nung binili kong chitchirya.


"Gusto mo?" Tanong ko Kay Jackie Chan.

"No." Bored niyang sabi habang nakatingin sa'kin.

Buti nga. Di naman talaga kita bibigyan kahit manghingi kapa dzuh.






Inis! Gusto ko nang malaman kung bakit Royal Bloods tawag dun.



Hahanap na nga lang ako ng ibang mapagkukunan ng impormasyon.

Cross PathsWhere stories live. Discover now