Chapter 14

0 0 0
                                    

Chocolates

Bree's POV

"Mom!" Sigaw ko habang pababa sa hagdan.

"Wala po sila." Sabi ng isang maid.

Sayang naman ipapabasa ko sana yung mga ginawa Kong poems. Hay nako masanay kana Bree.

Kumuha ako ng slice bread sa mesa. Sa byahe nalang ako mag aalmusal. Nakaka walang gana kumain kapag walang kasalo.

Maaga akong nakarating sa school. Tambay tambay muna ako sa labas ng room. Di ko close yung mga nasa loob eh. Nakita ko si Jackie Chan na papunta sa Math Center. As usual doon muna yun mag-sstay.

Nilabas ko muna yung best friend Kong earphones habang tumitingin-tingin sa ibaba.

Nagha-humming ako ng kanta ng biglang may umakbay sakin. Di ako makagalaw shet! Ang bigat ng braso niya.

"Ano ginagawa mo dito?"

Umiling ako para nakita ang mukha ng lalaking to. Takte si Leo lang pala.

"Wala." Sabi ko sabay alis ng pagkaka akbay niya.

"Weh? May hinihintay ka noh?" Pang asar niya.

"Sino naman hihintayin ko dito?" Sarcastic Kong tanong.

"Edi ako." Bored niyang sabi at inakbayan ulit ako.

Nakita Kong dumaan si kuyang medyo long hair na shy type. Tinignan niya ako ng matagal yung matagal na eye to eye. Ang weird niya.

Tinaping ko yung braso ni Leo sa balikat ko. Papansin kasi to eh.

"Bakit naman kita hihintayin?" Mataray Kong tanong.

"Ewan. Baka crush mo ko." Sabi ni Leo at tumawa.

"Abnoy!" Sigaw ko sabay kuha nang dala niyang libro at akmang ibabato sakanya.

Tumakbo sa may hagdan yung Leo, syempre hinabol ko gusto Kong masaktan to eh.

Binato ko sakanya yung libro pero nakailag siya. Bad trip may tao pala sa likod niya.

Toink! Sapul sa sa mukha yung lalaki.

Napakagat nalang ako sa ibaba Kong labi. Dahan dahan namang nagkuyom yung kamao ng tamaan ko. Patay!

Nagkatinginan nalang kami ni Leo. Kaklase ko pala yung natamaan ko.

Mabilis siyang lumapit saakin at sinakal ako. Nakita Kong pinipigilan siya ni Leo pero pahigpit ng pahigpit parin yung pagsakal niya saakin. Nanghihina na ako, nawala na yung tinapay na inalmusal ko. Di na ako makahinga.

"Sige lang." Biglang sabi ni Jackie Chan na nasa  may hagdan.

Kung patayin ko kaya tong asungot na to.

Lumapit siya sa pagitan namin ng sumasakal saakin. Di ko kasi alam pangalan Neto. Medyo bad boy ang dating niya kaya nakakatakot siyang lapitan. Eto rin siguro yung nagalit saakin nung pinang-shield ko siya noon Kay Josh.

Nakipag titigan lang si Jackie Chan sa kanya. Wala ba siyang gagawin? Takte mamamatay na ako dito oh! Ano na sipain mo na. Karate-hin mo na!

Naramdaman Kong dahan dahan  niya nang niluluwangan ang pagkakasakal niya saakin. Agad naman akong sinalo ni Leo at iniupo sa upuan ko sa room.

Cross PathsWhere stories live. Discover now