Escape
Bree's POV
Ang ganda ko pala ... charot
Nasa may tapat kasi ako ngayon ng salamin. Tamang pa cute lang. Naboboring na kasi ako dito sa kwarto. Nalaman kasi ni Mommy yung nangyare sa school kahapon kaya di muna ako pinapasok.
Kumikirot pa abs ko.
Nagawa ko na lahat lahat. Nag concert na ako dito. Gumawa ng poems kulang nalang linisan ko tong buong bahay namin eh.
Ano kaya magandang gawin? Mag make up kaya ako? Lol wala pala akong make up heheh. Naubos narin yung songs ko kakapatugtog dito pero boring parin ako.
Bumaba ako sa sala para doon naman tumambay. Eto namang mga maids nakakaloka, bantay na bantay sakin kala mo naman kung magnanakaw ako. Kainis dun na ngalang ako sa kusina kakain nalang ako.
Lima...
Limang baso na nang orange juice ang naiinom ko. Sige tagay pa. May tama na siguro ako, may tama sayo yieee. Naiihi tuloy ako.
Tumaas ako sa kwarto para mag CR. Mag-e-eleven na pala. Ang bilis ng oras parang kaylan lang mahal niya pa ako chooss.
Nagpapahinga ako sa kwarto ng ginising ako ni Yaya . kakain na daw. Agad naman akong bumaba sa kusina para kumain. Ang laki ng mesa at ang daming pagkain pero magisa lang ako. Wala bang sasabay sakin diyan kahit maids? huhuhu mag mukbang nalang kaya ako?
Pagkakain ko, nagpaalam ako sa maid na lalabas ako. Bored na talaga kasi ako dito sa bahay.
"Ano? Di pwede?" Sagot ko Kay Yaya.
"Sa labas lang naman po..." Pagmakaawa ko sakanya.
"Di po talaga pwede, pinagbilin po ni ma'am na bawal kayong lumabas." Sabi ni Yaya.
"May bibilhin lang po ako." Ulit Kong sabi.
"Ako nalang po ang bibili."
Kainis naman tong si Yaya. Ang hirap utuin!
"Mabilis na mabilis lang po." Pagmakaawa ko ulit.
"Di po talaga pwede."
Edi wag! I-fired kita diyan eh.
"Matutulog na ngalang ako, wag niyo Kong gigisingin hah." Mahina Kong sabi at tumaas sa kwarto.
Kala niyo mapipigilan niyoko? Di noh!
Mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili para fresh.
Kung ayaw nila akong palabasin. Gagawa ako ng paraan.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Safe and sound dapat tayo mahirap na. But I walang mga naglilinis dito ngayon.
Oops! May paparating! Agad akong tumago sa likod ng sofa.
"Sana di ako nakita Lord plss." Mahina Kong sabi.
Sumilip ako ng konti para tignan kung nandiyan pa yung maid. Buti naman at dumaan lang yon.
YOU ARE READING
Cross Paths
Ficção AdolescenteThe Moon, Stars and the Universe will make things happen.