Chapter 27

6 0 0
                                    

Exam

Bree's POV

Jusko maryosep! Kung saan exam saka pa ako nahuli ng gising. Hinablot ko yung bag at nagmadaling lumabas. Partida pati buhok ko tumutulo pa. Hindi na nakaya ng powers Kong mag blower pa. Nagreview din ako ng konti habang nasa kotse. Konti Lang ni-review ko mahirap na baka ma perfect ko yung exam. Charooot.

Nasa loob na nang room yung magsisilbing proctor namin. Nagsitinginan sakin yung buong klase pagkapasok ko. 

Kahiya!

Masamang tingin Naman Ang binigay sakin ni Jackie Chan pagkaupo Kona ibinalik ko rin sakanya. Kala mo Naman di siya nale-late. Hoy! Mahiya ka! Binuklit buklit ko muna yung reviewer ko for the last time. Nakaka kaba kasi.

"Sana aware kang bawal na mag review." Bulong nung asungot.

"Sana aware ka 'ding ang lapit mo na sakin." Balik Kong bulong sakanya. Pero infareness Ang bango niya. Hihihi.

Bahagya Naman akong lumingon para  tignan Kung totoo nga ang pinag sasa sabi ng asungot na 'to. Ngiti Naman Ang ibinigay sakin ni Maxine pagkalingon ko sakaniya. Wala nga silang mga reviewer. Baka bawal nga. Dabog kong itinago sa bag Ang reviewer ko.

Nag distribute na nang test papers yung proctor namin. Buti nalang at nag review ako kagabi ng mga 15 seconds. Binilugan ko lang yung mga letter ng sagot na pakiramdam Kong tama. Pakiramdaman nalang muna tayo. Nasa science subject na ako sumasagot , napatingin ako dito sa tabi Kong asungot nasa science na part na rin siya. Binilisan ko Ang pagsagot ko para mauna ako sakanya.
Syempre Competitive 'to.

Math.

Math na ang sunod na sasagutan. Napakunot nalang bigla yung noo ko. Kahit Naman kasi nag review ako sa math wa effect rin eh. Di talaga nag s-sink in sa utak ko basta bahala na si Batman. Nag mini-minimo nalang ako sa mga choices, swerte ko Kung may machamba akong tama. Parang math Ang babagsak ngayon sakin hah.(kunware di nabagsak last year...)

Minsan tumitingin din ako sa papel nung katabi Kong genius sa math. Malay mo palarin heheh panay takip Naman yung asungot sa papel niya. Kapag ako talaga naging matalino rin sa math who you ka sakin.

"Chan..." Mahina Kong pagtawag sakanya habang nasa likod yung proctor namin. Irap lang ang binigay niya saakin. As expected.

"Chan..... Ano number 38?" Mahina ko ulit na sabi. Sa totoo lang Hindi talaga makapal Ang mukha ko. Slight Lang.

Di niya Lang ako inintindi at nagpatuloy sa pagsagot. Ang sama talaga ng ugali niya.

"Chan...number 38?" Tanong ko ulit sakanya habang tinitignan yung proctor naming naglalakad lakad sa likod.

"Kung nag aral ka, Alam mo yan." Mahina niyang sagot.

"Ang damot mo Naman. Number 38 Lang oh."

"Number 14 nga sa science Mali ka eh." Dugtong ko.

Napatingin naman siya sa answer sheet niya at pinalitan yung sagot. Ay nako ka napaka walang hiya!

"Ano nga number 38." Pagpilit ko pa.

"Ang daya mo hah. Tinulungan nga kita sa science eh." Sabi ko sabay chamba ng answers. Wala na talaga akong choice.

"What number?" Sabi niya habang nakatingin sa likod. Yieeee Konsensiya lvl. 99.99999%

"38...39..40.".

Cross PathsWhere stories live. Discover now