Chapter 23

9 0 0
                                    

Project

Bree's POV

Napag kasunduan naming kami nalang magka-kagrupo nina Maxine, Josh, Leo at Chester. Syempre siya yung artist namin.
Kagrupo rin pala namin yung asungot. Kainis!

Susunduin nalang daw ako ni Jackie Chan bukas.

"Ma'am gising na po." Rinig Kong paggising sakin ni Yaya.

"Ano  ba Yaya ang aga pa." Sabi ko nang naka pikit pa ang mga mata.

"May naghahanap po sainyo sa labas." Pagkasabi nun ni Yaya parang may bumuhos sakin nang tubig na may yelo.

7:30 palang ng umaga hah!

Naligo na ako at nagbihis. Naka pedal at oversized T-shirt lang ako na kulay tangerine. Naka tsinelas lang din ako, kinapos na ako sa oras. Pati nga almusal di na ako nakakain eh.

Nagmamadali akong lumabas papunta sa gate. Parang nagslo-motion ang lahat. Naka sandal siya sa kotse niya. Naka pedal lang din at naka White T-shirt, naka sunglasses pa.

May parang malamig na hangin ang humaplos sa katawan ko. Pakiramdam ko bigla akong nagkaroon ng blush-on sa mga pisngi.

I can't breath! Tubig, tubig!

"Ang tagal mo." Bored niyang sabi at binaba ng konti yung sunglasses niya.

Tubig pa! Tubig!

Nakatitig lang ako sakanya at ganon din siya.

Bye guyss ikakasal na ako HAHAHA. Ay pwe! Gising Bree yung asungot yan!

Napatikhim nalang ako bigla.

"Ang aga pa kaya." Sambit ko.

Tingin lang ang binigay niya saakin at saka pumasok sa kotse . Bubuksan ko na sana yung pinto sa back seat pero pinigilan niya ako.

"Ano ako driver mo? Dito ka sa harapan." Bored niyang sabi.

Eh mukha naman talaga siyang driver eh.

"Sino una nating susunduin?" Tanong ko habang nagse-seat belt.

Wala lang siya saaking  response. Nangiinis nanaman siguro to.

Huminto kami sa isang malaking bahay. Napasilip ako sa bintana para tignan yung bahay. Kanino kaya 'to? Pupusta ako, kina Josh  'to.

Bumusina na yung asungot. Maya Maya pa lumabas na siya.
Sabi na eh. Tama ako kina Josh 'to.

Nag salute sign lang siya sakin sa may bintana at diretso nang pumasok sa kotse. Apat pang bahay ang pinuntahan namin. Yehey! Buo na kami.

"San na tayo pupunta." Tanong ko sakanila.

"Bibili muna tayo ng materials." Sabi ni Maxine na busy kaka-selfie.

Pumunta muna kami sa isang educational store. Si Chester nalang pinapili namin ng mga materials, siya may alam sa mga ganyan eh.

Libot- libot muna ako kasama si Leo na kahit ano anong kinukuha. Abnoy talaga to.

Cross PathsWhere stories live. Discover now