Chapter 28

4 0 0
                                    

Result

Bree's POV

Eto na, eto na yung araw na kinakatakutan ko. Ang lapagan ng scores. Baka mahila ng score ko sa math yung sa ibang subjects. Lord wag Naman po plsss.

Dumating na yung nag proctor samin kahapon. Napa-sign of the cross nalang ako Hindi ko rin Alam Kung naiihi ba ako o natatae. Basta parang pareho eh.

Nagsimula nang mag-announce yung proctor namin. Yung kamay ko parang nilagay ng 420 yeary sa loob ng ref.

"Leonard... 186." Wow. Sana all talaga kahit a-abnoy abnoy mataas Ang score huhuhu.

"Josh Villaflor...182." sana all ulit.

"Christian Angelo...199." Napa slow clap nalang ako sa isip ko, sa isip Lang dapat baka sabihin ne'to Ang galing galing niya na tapos mamaya mas mataas pa pala ang score ko kaysa sakanya... Charooot. Pinapa kalma ko lang sarili ko baka kasi mahimatay ako dito.

"Maxine Gene Austria...187." Habang nag-a-announce Hindi ko maiwasang tignan yung proctor namin. Yung eyeglasses niya kasi may mga hugis puso sa gilid, parang pambata hahaha tapos naniningkit na yung mga mata niya kakabasa ng mga score namin hahaha.

"Natalia Reign Cullens...193."

"Sabreena..." Dahan dahang sabi ng proctor. Napakagat nalang ako sa ibaba kong labi. Kinakabahan na talaga ako parang di ko na mapigilan yung ihi ko.

"Chill..." Mahinang sabi sakin ni Jackie Chan. Chill-chill ka diyan, pano Kung score ko 100? Chill lang? Kala mo naman talaga... Pinagaya nga ako ng mga letters di naman pinakita sakin yung mga solution. Separated kasi yung answer sheet sa mga solutions kaya ganon. Tangina yan.

"1..." Sabi ng proctor namin na bigla ring naputol. Parang may text kasi sakanya. Kaloka hah pa suspense pa 'tong si Ma'am.

Bilisan mo na Ma'am. Iihi na talaga ako dito sige ka. Bilisss naaa!

"Sabreena.." kaloka talaga Ma'am hah, ulit ulit. Charot charot lang.

"195..." Pagkasabi nun ni Ma'am. Napatingin nalang ako kay Jackie Chan na nakangiti sakin. Ako ba yun? 195? Weh pa-replay nga po ulit Ma'am.

"Ako yun...?" Mahina kong sabi kay Jackie Chan.

"Bingi ka ba?" Sagot niya at nag smirk.

"Kung bingi ako ikaw bungi." Pabalang Kong sagot. Sabi na eh matalino talaga ako hahaha sorry Ang kapal ng mukha ko noh? Pero infareness hah tumalab din yung pa review effect ko.

"Class dismiss." Pag paalam ni Ma'am na may puso puso Ang eyeglasses.

Dahan dahang nag s-sink in sa utak ko yung score ko. Di parin ako makapaniwala as in.

Masaya akong bumalik sa upuan ko sa likod. Kaya Lang naman ako bumalik dun kasi excited akong marinig yung score ko. But wait excited nga ba ako nun? Yung ihi ko biglang nawala pagka rining ko nang score ko. Wow magic!

"Wow, Ang taas ng score mo Bree ah!" Pagbungad sakin ni Maxine bago ako tuluyang makaupo.

"Pa Canton ka naman!" Bigla namang sabi nung abnoy na patay gutom.

"Tse!"

"Ano na yung Plano mo? Galaw galaw!" Dugtong ko pa.

"Pa Canton ka muna..." Sabi niya ng naka pout.

"Tigilan mo nga yan Leo. Di bagay sayo." Inis Naman na sabi ni Maxine.

Cross PathsWhere stories live. Discover now