Chapter 7

15 0 0
                                    

Rank

Bree's POV

"Good Morning!" Bati ko kina Mommy and Daddy na kumakain.

"Halikana. Join us." Aya saakin ni Mommy.

Sumabay na ako sa kanila kumain. Once in the blue moon lang 'to mangyari eh. Sobrang busy kasi sila sa Business.

Ang sarap pala sa feeling kapag sama-sama kayong kumain,sayang ngalang wala si kuya.

"Dad,kaylan ko pedeng dalhin yung kotse?" Tanong ko kay Dad.

"Di pa pwede, di kapa gaano marunong magdrive." Sabi ni Daddy.

"Dad!marunong na ako!" Pilit kong sabi.

"Bree..." Mahinang sabi ni Mommy.

"Sige na po,baka malate na ako sa school." Malungkot kong sabi at umalis.

Kung nandito sana si kuya siguro pinayagan niya na akong mag drive. Kainis!

_________________

Nasa school na ako. Magse-second period na namin ng hapon. Konting kembot nalang uwian na!

Tingin tingin lang ako sa mga mukha ng mga kaklase ko. Di ko pa kasi sila kilala lahat.

Himala, parang nagiba ata ang ihip ng hangin. For the first time matatapos na yung araw walang nang-bwesit sa akin ngayon. Siguro nasawa din to. Ano kaya kung ako naman mang-asar sakanya? Kaso masasayang lang laway ko sa walang kwenta na'to.

Medyo nakakaramdam ako ng gutom kaso lang tinatamad akong lumabas. Si Maxine naman may kadal-dalan sa likod. Hayss. Malapit narin namang maguwian konting tiis nalang Bree.

Naglaro nalang ako sa phone ko. Pampalipas gutom Hahaha.

"Pagkatapos mo niyan,laro tayong rank." Sigaw saakin ni Josh.

Tinignan ko lang siya. Parang nanghahamon to ah. Wag ka nga Josh.

May naisip akong bright idea! Cling!

Pumunta ako sa unahan ng klase namin.

"Josh, I accept your offer in a one condition." Sabi ko nang mataray.

Nagsitinginan saakin mga kaklase ko.


"If who will win in this battle. Ililibre nila ang buong klase mamayang uwian." Sabi ko ulit ng mataray.

Tinignan lang ako nung Josh.

"Deal?" Tanong ko sakanya.

"Deal!" Sabi niya naman habang naka smirk.

"Find your team." Sabi ni Josh.

Di ako papatalo sayo hoy! Mythic ata to.

"Tatlo lang?" Tanong ko sakanya.

"Sige..." Sabi niya.

Di ko kilala yung mga kakampi ni Josh.

"Kami nang dalawa sayo Bree." Sabi ni Leo ata yun.

"Isa pa sakin!" Sabi ko.

"Sinong may gusto saakin?" Tanong ko.

"Ako." Bored na sabi.

Napalingon ako para makita kung sino yun. Lumapit siya saakin. Nakapamulsa at naka smirk pa yung asungot.

"Tanong ka ng tanong,wala namang may gusto sayo." Bored niyang sabi at naupo sa tabi ko.

Talagang nangiinis to ah. Kala ko pa naman matatapos na yung araw kong masaya hindi pala. Tsk!

"Let's start." Sabi ko.

Nagsimula na kami. Nagsitayuan
na mga kaklase ko at nakinuod ng laro namin.

"Push niyo nga!" Sigaw ni Josh.

Chill lang kami ng team ko. In fareness magagaling sila at magaling din tong si Jackie Chan.

Ang ingay nang kabilang team. Ano ba yan nakaka-distract.

"I think it's done." Mahina Kong sabi.

"Pfft!" Sigaw ni Josh.

"Yon! Wala na!" Sigaw nung ka team niya.

"Congrats team!" Sigaw ko at nakipag shakehands sa ka team ko.

"What's your name again?" Tanong ko dun sa Leo ata.di ko kasi sure eh.

"Leo." Sabi niya at ngumiti.

Yon tama ako.

Tinignan lang ako ni Jackie Chan. Tinarayan ko lang siya.

"Let's go guyss!" Sigaw ni Maxine.

Gutom na ako daliii!

_______________

Doon lang kami sa may harap ng school kumain. Dun sa restaurant. Wow yayamanin pala tong si Josh.

"Ano na rank mo Bree?" Tanong sakin ni Josh.

"Mythic." Sagot ko habang kumakain.

"Ahh kaya pala. Grand Master lang ako eh." Sabi ni Josh.

"Nasaamin si Chan eh." Sabi ni Leo.

"Ano ba rank niya?" Tanong ko.

"Mythical Glory." Bored na sabi ni Jackie Chan.

Nakaupo lang siya sa upuan. Di naman siya kumakain ano naman ginagawa niya dito?

Cross PathsWhere stories live. Discover now