Chapter 5

32 0 0
                                    

Mathematics

Bree's POV

Oh what a nice sleep! Parang ayoko pang bumangon. Ano kaya kung di ako pumasok? Kaso sayang naman, baka may naka miss sakin sa school.

6:45?! Jusko naman 15 minutes nalang late na ako sa school! Bilisan mo Bree!

Binuhos ko lang yung tubig sa katawan ko. Sinuot ko uniform at kinuha yung bag ko. Napadaan ako sa may salamin ko sa kwarto.

Parang may Mali. May Mali talaga eh! Ayy Oo yung uniform ko! Iba yung nasuot ko, sa dating school ko pa to eh. Eihhhh tanga mo Bree! Wala na ubos na yung 15 minutes mo.

Kinuha ko yung medyo buhaghag na palda na above the knees na dark blue ang kulay at long sleeve na White.

"IAAS..." Sabi ko habang hinahanap ko yung neckie.

"Ayon!" Sabi ko sabay sabit sa leeg.

Bilis na Bree! Nako nako!





Eto na ako, napapatakbo na ako ng konti. Teka, bat may dala akong libro? Jusko naman bat dala-dala ko 'to?
Hayss iba talaga kapag nag naka adrenaline rush. Kahit ano ang nabibit-bit. Mygossshh!

Sige takbo pa Bree. Konti nalang malapit kana sa may building niyo.

Pataas na ako sa hagdan, sa second floor kasi room namin. Naglalakad nalang ako ,kunware chill lang. Hahaha







I'm here! Wala pa naman na teacher . di pa ako late Yes!

Naupo na agad ako. As usual late yung Jackie Chan-g katabi Ko.

Isa pa'tong librong dala ko, inis.libro ko pa to sa dating school ko eh. Tanga ko noh?





"Ayan na si Sir!" Sigaw ni Maxine.

Nag ayos na ako ng upo. Parang di familiar tong teacher na'to. Magtatatlong linggo na ako dito pero bat ngayon ko lang siya nakita?

Pumasok na yung teacher namin. Nakasunod naman sakanya si Jackie Chan. Wow sana all close.

May galit ata sakin tong si Jackie Chan. Mula sa may pintuan nakatingin saakin eh ano? pa-eye contact ka pre?

Tinignan ko lang siya hanggang sa makaupo siya sa tabi ko at saka ko tinarayan.


"Good Morning." Seryosong bati saamin ni Sir.

Napatingin siya sa'kin at binaba nang konti yung eyeglasses niya.

"Ikaw yung transferee?" Tanong saakin.

"O-opo." Sabi ko

"Ako si Mr. Raymond Nazarrea, I'm your mathematics mentor." Sabi ni Sir na tumataas taas pa yung kilay saakin.

"Sir kumusta yung Competition?" Tanong nung classmate Kong babae na parang maarte.

"Champion as always!" Ngiting sabi ni Sir.

Ano ba yan! Ang cute naman ngumiti ni Sir.

But wait. Ano kamo? Mathematics mentor namin siya? Nako weakness ko pa naman ang math.


Nag discuss na si Sir Nazarrea. Kunware nagegets ko hahaha.

Medyo seryoso at strict magturo tong si Sir. Yung emotion niya flat lang. Ganon din yung classmates ko.

Bilis na. 5 minutes nalang! Gusto ko nang matapos tong math.




"Sabreena." Tawag saakin ni Sir.

"Your tutor will be Christian." Sabi ni Sir habang inaayos yung mga gamit niya.

"Ituro mo na lang yung mga dati Kong lessons hah." Agad niyang sabi habang nakatingin Kay Jackie Chan.

Putchaaaa bat siya? Magaling ba to sa math? Weh dinga?


Tinignan ko lang siya ng masama, ganon din yung pisting Jackie Chan. Sarap tanggalin ang mata nang lalaking to.






"Bree Tara na!" Aya saakin ni Maxine.

Tumayo ako at akmang lalakad na nang hawakan ni Jackie Chan yung kamay ko.




"Di pwede tuturuan ko pa siya." Seryosong sabi niya Kay Maxine.

Ginagalit talaga ako nitong lalaking to. Nagugutom na ako eh!

"Ano ba, recess nga diba?" Maarte Kong sabi.

Tinignan niya ulit ako ng masama, yung parang nagsasabing isusumbing niya ako kay Sir. Kung minamalas ka nga naman.



Nagsisimula na siyang magturo. Di ako nakikinig sakanya. Tingin-tingin lang ako sa labas. Kainggit yung mga nag-ssnack. Asungot kasi tong Jackie Chan na'to eh!


"Gutom na akooo..." Mahina Kong sabi.

Sige magturo kalang diyan. Piecewise-piecewise mo yang mukha mo.

"Gets mo?" Tanong niya.

"Oo." Galit kong sagot.

"Oh, answeran mo yan." Sabi niya at umalis.

San yun pupunta?

Sinagutan ko na yung mga problems. Bahala na si Batman. Sana maka-chamba ako kahit isa.
Asan na kaya yun gutom na ako huhuhu.




"Ayy Palaka!" Napatalon ako bigla nang may tinapon sa'kin si Jackie Chan.


Bwesit talaga. Konti nalang masasapak ko na'to.


"Mag-ssnack ka muna." Sabi niya sa'kin habang naka smirk.

"Ayoko." Sabi ko.

Tinignan niya lang ako at naupo.

Nanggigigil na talaga ako dito. Pigilan niyo ko!!!

Cross PathsWhere stories live. Discover now