Rainy
Bree's POV
Sa totoo lang. Para talagang mga palaka Ang mga kaklase ko. Pwera sa mukha talaga silang mga frog Ang iingay nila promise. May pakanta kanta pa ng 'rain, rain go away' yung mga etchuserang frog. Charooot lang. Umuulan kasi eh Wala ring pumasok na mga teachers nagsi-kambing silang lahat. Yung ibang mga kaklase ko nag situlog nalang yung iba naman nagbabasa ng mga notes nila. Sana all diba.
Eto ako ngayon naka tunganga sa mga tulo ng ulan sa may bintana. Ganda deba para lang akong nasa isang music video hahaha.
"Bree!!!!" Biglang pagdating ni Leo sa tabi ko.
"Ano?"
"Ang lamig noh?" Sabi niya at naupo sa upuan ni Jackie Chan. Wala kasi yung asungot dito.
"Hindi naman masyado..." Sambit ko.
"Parang masarap kumain." Sabi niya habang naka ngiti sa'kin.
Punyeta Wala ba siyang pera pambili ng pagkain niya?
"Diba binigyan na kita ng leche flan?"
"Kaninang Umaga pa ubos yun eh!" Pagmakaawa niya.
"Edi dapat tinipid mo! Pano Kung maging kayo ni Kate? Ano ipang d-date mo sakanya? Puro ngiti?" Pag galit ko sakanya na parang nanay.
"Kaya nga nagpapalibre ako sayo kasi iniipon ko yung pera ko in the near future namin."
"So ako magpapalamon sayo ganon?"
"Oo. Parang ganon na nga." Sabi niya ng naka ngiti.
"Batukan kita diyan eh! Puro ka palibre!" Sabi ko ng akmang babatukan siya.
"Attention!" Biglang pagdating ni Jackie Chan.
"Tomorrow will be our Quarterly Exam. 200 items lahat na ng subject yun. Review your notes especially sa Math..."
"Whole day ba?" Sabi ng isang palaka. Este kaklase ko.
"Yup."
Waterproof siguro 'tong asungot. Di man lang nabasa. Wow Plastic Man!
"Bree. Ililibre mo ko hah..." Sabi nung abnoy habang paalis. Irap lang ang binigay ko sakanya. Patayin kita diyan eh mga 1K times.
Uwian na sana kaso di parin tumitila Ang ulan. Kainis di Naman kasi ako mahilig mag dala ng payong.
"Bree's! Bukas yung libre mo hah!" Sabi ni Leo habang palabas ng room. Sabay Patong nang bag sa ulo niya at saka tumakbo palayo. Huhuhu sana all kasi lalaki. Ang unfair Naman kapag lalaki okay lang mabasa tapos pag kami hindi. Ano ba Naman kasing uniform namin 'to kulay puti tapos kapag nabasa kita yung ano, Basta yung ano! Alam niyo na yun.
Hihintayin ko sanang tumila yung ulan pero pinaalis na kami sa loob ng room. Dapat kasi kapag uwian na sarado na ang lahat ng room.
"Wala kang payong?" Tanong sakin ni Maxine. Umiling lang ako sakanya bilang sagot. Buti sila magkasukob sa isang payong, ganito din minsan yung mga disadvantage ng walang jowa eh.