Publication
Bree's POV
"Hi Bree!" Bungad saakin ni Maxine sa room.
Ang OA niya.
Naupo na ako sa upuan ko. As usual katabi ko si Maxine, magdadal-dal nanaman to.
"Sino dito yung Ian?" Tanong ko Kay Maxine habang iniikot ko ang mata sa loob ng room.
"Ian?" Tanong niya.
"May kaklase ba tayong Ian?" Tanong ko.
"Meron, pero dropped out na yun eh." Dugtong niya.
"Ay?" Maikli kong sagot.
"Bakit mo hinahanap?" Tanong niya ulit.
"W-wala." Sambit ko.
Masyado atang affected yung Ian sa Break-up nila. Nag dropped out talaga?
Napalingon ako sa may pintuan. Bumungad saakin yung pagmumukha ng asungot.
"Bat ka pumasok?" Mataray Kong tanong.
"Pake mo?" Bored niyang sagot.
Pinaalis niya si Maxine sa upuan niya. Kainis talaga tong lalaki nato.
"Excuse me, can I talk to Christian and Sabreena?" Sabi ng student na nasa may pintuan.
Hala. Bat kasama ako? Wala naman akong ginawang masama ah.
Tumayo ako at naglakad papunta sa labas, ganon din yung asungot.
"3:00 pm at room 303." Sabi nung babae.
Nag nod lang ako at saka bumalik sa loob.
Ano naman gagawin ko dun? Tapos bat kasama pa yung asungot?
"Sab!" Sigaw saakin ni Leo.
Lintik na. Ang pinaka ayoko sa lahat ang tinatawag akong Sab.
Tinignan ko lang si Leo ng masama.
"Yieee. Sab..." Pang asar niya pa.
"Isa pa talaga malilintikan ka sakin! " sigaw ko sakanya.
"Pabayaan mo na. Abnoy talaga yan." Sabi naman ni Maxine.
"Abnoy!" Sigaw ko sakanya.
Napatingin ako Kay Jackie Chan. Ang sama ng tingin niya sakin. Inirapan ko lang siya.
Lumapit saakin si Leo. Bwesit number 2 to eh.
"Sab!" Sigaw niya ulit.
Isa pa. Isa nalang Leo mapapatay na kita!
"Gusto mo talagang masaktan ano?" Banta ko sakanya.
"Sab! Sab! Sab!" Sunod sunod niyang sigaw at tumakbo.