Chapter 9

15 0 0
                                    

Mystery

Bree's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang school. Nagtatampo kasi ako kina mommy and daddy. Bat kasi ayaw nila akong mag drive? Nasa tamang edad na ako! Ayy di pa pala heheh 17 palang ako, pero kahit na matanda na ako. Kainis naman!

Earphones lang ang kasama ko ngayon,best friend ko to eh. Chill lang ako maglakad,mahirap na baka madumihan uniform ko.


"Peep-------" malakas na busina nang kotse.

"Ay palaka!" Bigla Kong sigaw.

Tinignan ko lang nang masama kung sino man ang driver na yun. Black kasi yung salamin ng kotse di ko nakita .bwesit!

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Medyo di ako mapakali may mabaho kasi akong naaamoy eh, Amoy putik.

Para akong nanglambot nang nakita Kong may isang bilog na putik ang nakatalsik sa uniform ko.

"Oh Edi sayo na yung daan! Ikaw na nakapag drive!" Sabi ko with matching taas-taas pa ng kamay.

Nanggigigil ako  driver. Nag U-turn ba  naman sa NO U-TURN sign. Nakakainis ang mga ganyang mga driver eh.

"Tas ngayon babalik-balik ka?" Pagkausap ko sa sarili ko nang makita Kong bumalik yung kotse.

Huminto yung kotse sa may gilid kung saan ako naglalakad. Wag kang mahiya. Buksan mo na yang bintana gusto Kong makita pagmumukha mo heheh joke lang pala.

Dahan dahang bumukas ang bintana nang kotse.

"Sabay na." Bored na sabi nung lalaki.

Di ko tinignan kung sino yun. Mahirap na baka kidnapper pala to tapos hini- hypnotize lang ako.

Dumiretso na ako sa paglalakad habang pinupunasan yung Putik sa uniform ko. Bwesit sunod pa ng sunod tong kotse.

"Mamaaa..." Mahina Kong sabi habang binibilisan ko ang paglalakad.

Sumusunod parin sakin yung kotse. Kidnapper talaga ata to.

"Sasabay ka o Hindi?" Rinig Kong sabi nung lalaki.

Tinignan ko kung sino yung lalaki. Naka sunglasses pa kala mo talaga kinagwapo niya. Pero Oo gwapo nga heheh.

"Huy sasabay ka o Hindi?" Tanong niya habang tinatanggal yung sunglasses.

Wala akong masabi. Ang gwapo niya shet! Ang gwapo ni Chan.
At pwe!este ni Jackie Chan. Ano ba yan erase, erase!

"Hindi ako sasabay." Maarte Kong sabi.

"Sige ikaw den." Bored niyang sabi.

Ano ba yan, parang nangongon-sensiya pa'to.

"Sige mauna na'ko." Bored niyang sabi at akmang aalis na.

"Wait , Oo na sasabay na ako."

Binuksan niya yung pintuan sa driver seat at Pumasok ako sa kotse.

Cross PathsWhere stories live. Discover now