Arts
Bree's POV
Nagising nalang ako nang pumasok si Yaya sa kwarto. Naka talukbong pa ako ng kumot. Takte yan!
Grabe pala yung na experience ko kagabi hah.
Naligo na ako at nagayos ng sarili at saka bumaba para mag almusal.
Naabutan Kong kumakain na sina Mommy and Daddy.
"Dinala mo daw kotse ng Mommy mo." Sabi saakin ni Dad pag ka upo ko.
"Y-yes po." Maikli Kong sagot at sumubo ng pagkain.
"Buti at naka uwi kapa."
Sunod sunod lang ang subo ko. Hindi ko lang inintindi si Dad. Ako rin naman ang masasaktan kapag pinakinggan ko pa siya.
"I have to go na po." Mabilis Kong sabi at kinuha ang bag ko na nasa kabilang upuan.
Buti naman at naka ready na agad si Manong kaya nakaalis na agad ako.
Nasa loob na ako ng kotse, paglabas namin sa gate tinignan ko ulit yung pwesto ng taong nakita ko kagabi. Baka nga namalik mata lang ako nun.
______
Sabay kaming nagka tinginan ni Tine pagbaba namin sa kanya kanyang kotse. Agad niya naman akong tinarayan. Tinignan ko lang siya ng maarte, yung para bang naka kita ka ng tae ganon yung tingin ko sakanya.
Lumapit ako sakanya. Tinignan niya naman ako mula baba pataas at agad ko naman itong ibinalik sakanya.
Di ako papatalo noh!
Tumaas na ako sa hagdan. Pa harang- harang pa sa Dada anan eh.
Naglakad na ako papunta sa building namin. Bukas na yung Math Center kaya bukas narin yun na room. Si Jackie Chan pala kasi ang bumubukas ng room. Maaga pala talaga siyang pumapasok, pero laging late sa mga subject namin.
Naupo na ako at nag muni muni, nakatingin naman sakin yung leader ng erasable kilays Yung Natalia ata pangalan nun. Maya Maya pa lumapit saakin si Maxine na may dala dalang abubot.
"Maxine ano yan? Ang baho!" Inis Kong tanong.
"Nail polish yan! Eto naman parang di naglilinis ng kuko."
"Di talaga ako naglilinis ng kuko, nail cutter lang okay na."
"Bagay ba sa kamay ko?" Tanong ni Maxine habang tinitignan yung mga kuko niya.
"Bagay naman...."
"Pero bakit pink?" Dugtong ko.
"Wala, maganda kasi eh." Sabi niya habang manghang-mangha sa mga kuko niya.
Umalis na si Maxine, natanaw niya kasing nasa may pintuan na si Jackie Chan. Nginitian ko lang ng plastic yung asungot pagkaupo niya.