Chapter 18

0 0 0
                                    

P.E

Bree's POV

Chill lang akong naglalakad sa campus. Mamaya kasi may matinding laban ako. Kaya dapat easy lang muna.

"Hey!" Sigaw ng kung sino.

Di ko lang siya pinansin. Rumarampa ako sa hallway eh.

"Hey!" Sigaw niya ulit.

Bahala ka diyan. Kung may kailangan ka ikaw ang lumapit.

Rinig ko ang takbo niya na papalapit sakin.

"Sige pa. Habulin moko." Mahina Kong sabi habang pataas ng Hagdan.

"Sabreena!" Sigaw niya sakin ulit.

Aba. Kilala ako.

Huminto ako sa taas ng hagdan para hintayin yung humahabol sakin.

"Hey!" Sabi niya sakin pagka dating sa taas.

Si kuyang medyo long hair na shy type pala yung humahabol sakin.

Bakit naman kaya hinahabol ako ne'to?

Hinintay ko lang siyang magsalita.

"I heard about what happened to you last day..." Sabi niya.

Ayy. Chismoso den tong si kuya.

"Are you okay now?" Tanong niya naman.

Kaloka hah. Ining-lishan ba naman ako?

"Yea." Maikli Kong sagot.

"Later after lunch we will have a meeting in our room. I hope you'll attend." Mabilis niyang sabi.

Napanganga lang ako sakanya. Very fluent ang English niya.

Kainggit naman.

"Yea. I will." Sagot ko ulit.

"Okay, see you there." Paalam niya at umalis.

Nosebleed naman pala yun. May pa-british accent pa.

Naupo na ako sa upuan ko. Na miss ko to eh. Charoot.

Agad lumapit sakin sina Josh at Leo at tinignan ako ng makahulugan.

Nilabas ko yung sketch plan ko para sa rambol mamaya. Dinis-cuss ko rin ito sakanila. Tango lang ang binigay nila sakin bilang sagot.

Biglang dumating si Jackie Chan kaya mabilis Kong tinago yung sketch plan ko, mahirap na baka ma cancel pa sayang naman.

Lumingon muna ako sa likod para tignan kung pumasok si Chester.

Ayos! Buo na ang plano.

Nagsimula na ang first subject namin. As usual puro sermon lang si Mrs. Dela Cruz samin.

Nagsusulat-sulat lang ako sa likod ng notebook ko. Nakaka stress kasi si Ma'am, kesyo maglinis daw kami ng room. Eh siya kaya palinisin namin dito. Pinag aaral kami para matuto, di para maglinis. Tse!

Cross PathsWhere stories live. Discover now