Chapter 20

4 0 0
                                    

Varsity

Bree's POV

Pisti! Pisti talaga tong si Maxine. Di ako pinapa-connect sa speaker niya, gusto Kong magpatugtog eh!

Eto ding katabi ko bwesit, asungot. Wala bang magandang mangyayari sakin ngayon?!

Si Leo busy maglaro, si Josh naman di ko nakita kung nasaan.

Nabobored na ako dito. Parang gusto Kong tumambling.

"Ano laman neto?" Bigla Kong sulpot Kay Chester.

Wala na akong ibang mapupuntahan lagi kasi siyang magisa kaya sinamahan kona.

"Wala nga." Bored niyang sabi.

Envelope lang eh andamot!

"Drug dealer ka noh?" Dahan dahan Kong sabi sakanya.

"Ano? Di ah!"

"Eh bat ayaw mo ipakita?" Mataray Kong sabi.

"Basta, bawal!" Inis niyang sagot.

"Sabihin mo na, drug dealer ka talaga!" Maangas Kong sabi.

Tinignan niya lang ako ng masama pero ibinalik ko rin yun sakanya.

"Drug dealer..." Mahina kong sabi habang pinipindot-pindot yung phone ko.

Nakikita ko siya sa tip ng mga mata Kong galit na galit siya sakin HAHAHA ang sarap pala mang bwesit.

"Bree!" Sigaw ni Maxine pagkaupo ko.

Di ko siya iniintindi. Humarap ako Kay Jackie Chan para dedmahin siya.

"Ang puti ng uniform mo ngayon." Sabi ko Kay Jackie Chan.

Tinignan naman ako ng masama ng asungot.

"Bree... Galit ka?" Sabi ni Maxine na naka pout pa.

Irap lang ang binigay ko sakanya.

"May tutoring ba mamaya?" Pag dedma ko pa Kay Maxine.

"Bree..." Sabi niya ulit at kumandong sakin.

"Alis na. Ang bigat mo!" Inis kong sabi.

"Ayoko."

"Kasi ikaw eh!" Inis ko ulit na sabi sakanya.

"Sorry na. Mamaya ikaw naman magpatugtog." Tuwa niyang sabi at humarap sakin.

"Wag na."

"Eihh. Galit kapa?" Tanong niya ulit.

"Di na." Mahina Kong sabi.

"Yehey! So sasamahan mo na ako?" Tuwa niyang sabi at tumayo.

Cross PathsWhere stories live. Discover now