Chapter 30

9 0 0
                                    

Bree's POV

May mga time talaga na parang lutang tayo noh? Tulad ngayon naglalakad ako papunta sa inditers room 303 pero nasa tapat ako ngayon ng room 285. Ganyan ako ka lutang may naka bangga pa ako, inirapan ko lang siya. Eh sa attitude ako ngayon eh. Pero napalitan ito ng ngiti dahil nginitian ako ni Cedric bebe. Oo, siya yung nakabangga ko. Dapat na ba akong kiligin? Buti sana Kung nahulog yung mga dala ko tapos sabay naming pupulutin Yun tapos maf-fall siya sakin. Ganon dapat kaso Hindi eh. Baka Hindi nga kami para sa isat isa charooot.

Ayusin mo buhay mo Bree may nag hihintay sayo sa ibang bansa wag kang ganyan. Dapat be faithful tayo.

Diretso na akong naglakad papunta sa room 303, agad akong naupo at inilagay sa mesa ni Ron yung folder.

"5 poems, 5 short stories..." Sabi ko dahilan para mapatingin sakin si Ron.

"Parang Ang dami Naman." Sambit ni Hazel na nasa may harap ko.

"Pilian niyo nalang, sinama ko kasi yung mga dati ko pang ginawa..." Nag nod Naman sila saking dalawa.

"Wala kayong pasok?" Tanong ko sakanila.

"Wala." Sagot ni Hazel.

"Ahh. Kami kasi meron... Mauna na ako." Sabi ko at nagiwan ng ngiti sakanila.

"Bree pala..." Pagtawag sakin ni Hazel dahilan para lumingon ako sakanya.

" Baka May kilala kang pwede nating maging cartoonist."

"Uhm Wala eh, pero maghahanap ako ng pwede." Sagot ko at tuluyang umalis.

Pataas na ako ng room namin nang may marinig akong nag aaway.

Ano ba yan lagi nalang ako nakakarinig ng mga ganyan ganyan baka mamaya mapahamak pa ako ne'to.

"Baka pwede pa nating ayusin..." Sabi ng isang babae. Dahan dahan Lang Ang paghakbang ko sa hagdan .

"Plss... I'm sorry... I regretted that day na sinabi ko yun sayo." Sabi ulit ng babae . Puro Lang boses ng babae Ang naririnig ko. Nagmamaka awang balikan siya nung lalaki. Kawawa naman.

Sa may taas kasi ng hagdan yung CR na yun kaya di naman malabo nadoon yun mag usap. Naglakad nalang ako ng matiwasay . Habang palayo ako naririnig ko parin yung boses ng babae medyo familiar pero Basta, bahala na sila.

Pagkadating ko sa room, bumungad agad saakin Ang mukha ni Cedric bebe. Ang gwapo niya talaga, swerte Naman ni Natalia. Naalala ko nanaman tuloy yung sinabi ni Maxine 'di Naman siya masyadong Playboy, medyo lang.' Napairap nalang ako at naglakad papunta sa upuan ko. Nakaupo kasi si Cedric bebe doon sa dati Kong upuan.

"Brummm.." Sabi Naman ni Leo na naglalaro ng maliit na sasakyan.

"Alisin mo nga yan sa upuan ko."  Sabi ko at akmang uupo.

"Pumasok ba si Mrs. Dela Cruz?" Tanong ko.

"Oo, kakaalis Lang..." Sagot niya habang pinapa andar yung laruan niya.

"Ano daw sabi?"

"Clean your room!" Paggaya niya Kay Ma'am. Napatawa nalang ako sakanya.

"Kanino yan galing?" Sabi ko sabay nguso sa hawak niyang laruang kotse.

"Kay Josh, itatapon niya na daw sana kaso naalala niya ako kaya dinala niya dito. Ang sweet niya noh?"

Cross PathsWhere stories live. Discover now