[ Draco's POV]
" Draco? Nasulat mo ba kung ano ang assignment natin kay Prof. Macaraig?"- Griffin.
" Napaghahalataan ka talaga Griffin no? Buti hindi ka nahuli ni Prof na natutulog."
" Okay lang yan Draco. Type naman ni Prof yang si Griffin eh kaya okay lang na wala siyang assignment. Kunting kindat lang yan."
Natawa ako sa sinabi ni Zing. Nakangiwi na ngayon si Griffin.
" Kung magrereto kayo sakin , pwede ba yung dalaga naman?"
" Choosy mo pare ah? Pasalamat ka nga may nagkakagusto pa sayo."
" Namemersonal ka na Draco ah?!"
" Ewan ko nga sa inyong dalawa. Anyway, I'll go first. May date pa kami ni Tiny."
" Ikaw na may love life. Regards mo kami kay liit ah?"
Buti pa si Zing nakahanap na ng babaeng para sa kaniya. Bagay na bagay sila ni Serenity at botong boto kami sa kaniya. Bilib ako kay Serenity dahil ang liit pero hindi nagpapatalo.
" Pare may pupuntahan muna ako sa locker."
" Sige, don't forget to send me our assignment. I love you pare!"
Pabirong hinalikan pa ako nito sa pisngi. Malakas na binatukan ko siya at nandidiring pinahid ang pisngi ko.
Tinungo ko ang locker ko at kinuha ang jersey ko na sinuot ko kaninang umaga. Nilagay ko to sa bag ko para maipalaba mamaya sa katulong sa bahay.
Pasipol-sipol na naglalakad ako ng bigla kong nasilayan ang taong mahal ko.
Maingat na sinundan ko ito. Busy siya sa cellphone niya. Nililipad ng hangin ang mahaba at kulot niyang buhok. She's very beautiful pero saksakan naman ng taray at arte. Pero kahit ano pang ugali niya, I can't stop my heart from beating.
Nanlaki ang mata ko at tarantang nilapitan siya nang bigla siyang nadapa. Sobrang taas ba naman kasi ng heels.
" Ouch! B-Blood! I really hate blood! M-My beautiful skin!"
Nilakasan ko muna ang loob ko bago siya nilapitan.
" O-Olivia"
Nag-angat siya ng tingin at tinaasan ako ng kilay.
" What?! Pagtatawanan mo ba ako?! Go on! If that's will make you happy!"
Inirapan pa niya ako bago tinuon ang pansin niya sa sugat niya sa tuhod na dumudugo.
Umupo ako sa harap niya at kinuha ang panyo ko at pinahid ito sa sugat niya.
" Hey?! What are you doing? Nasasaktan ako."
" I'm trying to help you okay? Ayaw kong mahimatay ka dahil lang sa maliit mong sugat."
" Hmmp!!! That's enough. You can leave me."
Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo.
" Kaya mo bang tumayo?"
" Kaya ko okay?"
" Okay. If that's what you want. Be careful next time."
Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad. Kung hindi ko lang to mahal paniguradong pinabayaan ko na to.
First time to na nakalapit ako sa kaniya at nakausap ko siya ng medyo matagal.
" S-Sandali!"
Tumigil ako sa paghakbang at nilingon siya.
" What? Akala ko ba kaya mo?"
Napanguso siya sabay irap.
" Fine! I need your help. Hindi ako makatayo because my wound hurts."
Nilapitan ko siya at inalalayan sa pagtayo. Naitukod pa nito ang paa niyang may sugat sa tuhod kaya muntik pa itong matumba buti na lang at mabilis ang reflexes ko at naiyakap ko ang mga braso ko sa bewang niya.
Hindi na siya naka reklamo ng binuhat ko siya , bridal style.
Humigpit ang kapit niya sa leeg ko. Shettyy! Bakla mang pakinggan pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko at natatakot ako na marinig niya ito.
" Why are you smiling?"
Napatikhim ako. Di ako aware na todo na pala ang ngiti ko.
" I'm just happy."
" Whatever"
Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko.
Kung pwede lang tong idiretso sa simbahan!
BINABASA MO ANG
This Moment Now (COMPLETE ✅)
Teen FictionThis is the story of Draco and Olivia 😊 Read Big Heart Of Mine first 😉🥰