Chapter 11 💝

42 8 1
                                    

[Olivia's POV]

Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang kutsilyo ang mga salita niya na siyang paulit-ulit na humihiwa sa puso ko. Gusto kong punasan ang mga luha niya pero pinigilan niya ako.

Bakit nagkakaganito ako?

Bakit apektado ako sa pagtalikod niya?

Si Zing ang mahal ko diba?

Hindi ko alam kung bakit walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Labag sa kalooban ko ang mga salitang binitawan ko kanina sa kaniya. Pero kailangan ko yung gawin dahil ayaw kong lokohin siya. Ayaw kong magpakatanga siya sakin kahit alam niyang may mahal akong iba. Oo,  totoo na naaawa ako sa kaniya pero lahat ng ugali at gawa na pinakita ko sa kaniya ay walang halong pagpaanggap dahil non lang ako nakaramdam ng saya pag kasama ko siya.

Napaupo na lang ako sa semento habang umiiyak.

"Olivia? Are you okay? "

Nag-angat ako ng tingin kay Griffin.

"Anong ginawa sayo ni Draco? "

"W-Wala. "

"Then why are you crying? "

Hindi ako makapagsalita. Natuon ang atensyon niya sa invitation card.

"P-Pumunta ba sayo si Draco? Nakita niya ba to? "

Sunod-sunod ang pagtango ko.

"Sh!t!  I need to go Olivia. "




[Griffin's POV]

Ako yung naaawa kay Draco eh! Saksi ako kung gaano niya kamahal si Olivia. Minsan gusto ko siyang tanungin na bakit kay Olivia pa siya na in love? Marami namang babae diyan na single at ready to mingle. Pero ayaw ko namang pakialaman ang desisyon niya sa buhay dahil hamak na kaibigan niya lang ako at never ko pang naranasan ang ma in love.

Nag-aalala ako ngayon kay Draco dahil kapag sobrang sakit na ng nararamdaman niya,  na ti-trigger ang active suicidal thoughts niya. Nagsimula lang non nong grade 8 kami at namatay ang ate niya. Dibale dalawa lang silang magkakapatid. Naglalakad non sila ni ate niya while he is busy dribbling the ball. Unexpectedly tumalbog yung bola sa gitna ng kalsada kaya hinabol niya ito not knowing na may papalapit na sasakyan. Siya dapat ang masasagasaan pero tinulak siya ni ate Denise at ito ang nasagasaan. Dinala si ate sa hospital at inobserbahan ng 2 araw bago namatay.

Halos dalawang buwan na hindi namin siya makausap. Trauma ang inabot niya to the point na sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Inisip niya na dapat siya na lang ang nawala kaya hiniwa niya non ang kaniyang pulso. Buti na lang at agad siyang nadala sa hospital. Dinala siya ni Tita at Tito sa psychologist at gumaling naman siya. Sabi ng doctor ay iwasan lang ang mga bagay katulad ng masaktan siya ng sobra emotionally para hindi ma trigger ang active suicidal thoughts niya.


Pagka-park ko ng sasakyan mabilis na kinatok ko ang pinto niya. Inikot ko ang doorknob,  buti na lang hindi naka lock.

Hinanap ko siya sa wala,  kwarto niya,  likod ng bahay pero wala. Nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya tumakbo ako at don ko siya nakita. Nakaharap siya sa lababo at tulala.

Nilapitan ko siya at muntik na kong mahimatay nang makita kong hawak niya ang kutsilyo at mariin niya itong tinitingnan.

"Draco."

Dahan-dahan siyang tumingin sakin kaya mabilis na kinuha ko ang kutsilyo at tinapon sa basurahan.

"Gusto mo bang uminom? Libre ko. "

"Ayaw ko. A-Anong ginagawa mo dito? "

"Sasamahan ka. Ano palang g-ginagawa mo? "

"Ahh... Magluluto sana. "

Mugto ang mata niya at blanko lang ang ekspresyon. Hinila ko siya papuntang sala at pinaupo.

"Spill it. "

Nakatingin lang siya sakin at maya-maya ay napahilamos siya sa mukha.

"Arrgghh!!! I hate this feeling. I-It's killing me. I-I hate my life! "

Umiiyak lang siya at gulong-gulo na ang buhok niya.

"A-Akala ko talaga okay na kami eh! Ang saya-saya ko na kasi nakakasama, nakakausap at nagkakamabutihan na kami. Yun pala lahat ng pinakita niya ay dahil lang sa awa. N-Nakakamatay yung sakit. Kahit anong siksik ko sa puso't-isipan ko na mapagpanggap siya at manlolokosiya parin talaga ang mahal ko. Gusto ko talaga na mapasakin siya Griffin eh. Mukhang huli na ang lahat dahil ikakasal na siya. "

Tinapik ko siya sa balikat.

"Hintayin natin ang explanation ni Zing. Sa tingin mo papayag ba iyon na iwanan si Serenity? "

This Moment Now (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon