Chapter 3 💝

80 8 0
                                    

[ Draco's POV]

May laro kami ngayon dito sa Mavis University. Siyempre kahit na kami ang kalaban kami pa rin ang panalo.

Papunta kami ngayon sa parking lot para makasakay na sa sasakyan namin at makauwi na.

Masaya pang nagkukulitan kami ni Griffin ng bigla kaming napatigil.

Nakatayo si Serenity at may tinitingnan ito. Sinundan ko ang tingin niya at parang kay bilis na nawala ang saya ko at napalitan ng lungkot.

Buong ingat at pagmamahal na pinupunasan ni Olivia ang pawis ni Zing. Pasimpleng tinapik ako ni Griffin sa balikat . I gave him a fake smile.

Humarap ang umiiyak na Serenity samin.

" P-Pakisabi c-congrats. Mauuna na ako sa inyo."

Hindi namin siya napigilan dahil bigla siyang tumakbo.

Lagot na! Mukhang namisunderstood na liit.

Lumapit kami kay Zing at sinundan ko na lang ng tanaw ang sasakyan ni Olivia.

" Bro!!!"

Napatingin siya samin.

" Where's Tiny?"

" Yun na nga Zing! Nakita niya kayo ni Olivia at mukhang iba ang pagkakaintindi niya."-Griffin.

Mabilis naman siyang sumakay sa sasakyan niya.

" Sana magkaayos agad sila."

" Hindi naman komplikadong tao si Sere. Sure ako na pakikinggan niya ang paliwanag ni Zing."













Kinabukasan nalaman na lang namin na silang dalawa na and I'm happy to the both of them.

We're here at the bar to celebrate.

" Zing? Huwag na huwag mong sasaktan si liit ah? Alam mo na, parang kapatid na din ang turing namin sa kaniya."

" I'm not planning to hurt her at kung posibleng hindi siya iiyak dahil sakin gagawin ko iyon.  I love her so much pare."

Nagpatuloy kami sa pag-inom ng biglang sumulpot si Olivia at tumabi kay Zing.

" What are you doing here, Olivia?"-Zing.

" I asked tita then she told me your here kaya pumunta ako dito."

" You're not supposed to be in this place, Olivia. Ikaw lang ba mag-isa pumunta dito?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at sunod-sunod na ang pagtungga ko ng alak. Ang sakit ng dibdib ko. I don't have any idea if when can I bear this heartache.

" I don't want to go home, Zingy! May hindi ka ba sinasabi sakin?"

" What are you talking about, Olivia?"

" Is it true that you have a girlfriend?"

" Y-Yes"

" Bakit di mo sakin pinaalam?"

" Am I required to tell you everything?"

" Of course! I'm your friend! Just a CHILDHOOD FRIEND and that's what I hate the most!"

Naikuyom ko ang kamay ko nang magsimula siyang umiyak.

" Anong nangyayari sayo , Olivia? Don't make a scene here. Pinagtitinginan ka ng mga tao."

" No! Buti pa sila napapansin ako. How about you? I did everything just for you to notice me ! Bakit ang manhid mo Zing? Hindi mo man lang ba ramdam na mahal kita? Mahal kita bilang ikaw. Hindi bilang isang CHILDHOOD FRIEND lang."

Parang narinig ko ang pagkabasag ng puso ko at ang sakit na parang pinipiga ito.

Ang feeling na lantarang pinagtapat ng taong mahal mo ang pagmamahal niya sa ibang tao.

Nag-angat ako ng tingin cause I can feel that any moment my tears will flow.

Gusto kong magwala!

Gusto kong sumigaw!

Gusto kong makipagsuntukan!

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid cause I'm too drunk.

" Pare, uuwi na tayo."- Griffin.

" I shtill want to drink!"

" You're drunk. That's enough, Draco."- Zing.

Inalis ko ang kamay ni Zing na umaalalay sakin.

" Don't touch me! Pinaiyak mo yung taong mahal ko!"

Wala na akong pakialam kung malaman niya man. Thanks to alcohol dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob.

" What is he talking about, Griffin?"

" Nalagot na. M-Mahal ni Draco si Olivia."-Griffin.

" Mahal na mahal ko sha and I'm really hurt knowing that she doeshn't love me. Anong meron shayo Zing at minahal ka niya?"

" Pare, hindi mo ako kalaban kay Olivia. Wala akong balak na agawin siya sayo. May girlfriend na ako and I love her very much."

This Moment Now (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon