[ Draco's POV]
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.
" Aww!!! Fudging hangover!"
Hawak ang ulo ba tiningnan sa cp ko kung anong oras na.
Fudge!!! 11:00 AM na!
What happened last night? Kinalma ko muna ang sarili ko at may alaalang pumasok sa utak ko.
' Pare, hindi mo ako kalaban kay Olivia. Wala kong balak na agawin siya sayo. May girlfriend na ako and I love her very much.'
Sh!t! What have I done?! Mukhang kailangan kong humingi ng tawad kay Zing.
I took a bath bago bumaba papuntang dining room. I saw mom and dad eating.
" Son kumain ka muna then drink your medicine for hangover."
" Good morning mom, dad."
Nagsimula na akong kumain.
" Sino pong naghatid sakin?"
" Si Zing at Griffin. You're too drunk. Do you have a problem? You can tell us."
" Ah, no dad. Di ko lang po namalayan na madami na pala ang nainom ko."
" Congratulations pala son sa pagkapanalo niyo nang basketball."
" Thank you mom."
" May pupuntahan kami pala ni Daddy mo after this. We are running out of groceries. Pwede bang ikaw muna ang bumili?"
" Sige mom. May bibilhin din po ako eh."
Pagkatapos kong uminom ng gamot nagmaneho agad ako papuntang mall.
Dumiretso ako sa supermarket at kumuha ng push cart bago nagsimula sa pagpili ng mga kakailanganin sa bahay.
Namimili ako ng canned food ng may nakita ako sa peripheral vision ko.
Si Olivia at may inaabot na toilet paper.
Tahimik na nilapitan ko siya at pumwesto sa likod niya at walang kahirap-hirap na inabot ang tissue.
Automatic na napalingon siya kaya magkalapit na yung mukha namin. Kunting lapit na lang at mahahalikan ko na siya. I can already smell her breath.
Napansin kong pasimple niyang pinagmasdan ang mukha ko na siyang ikinangiti ko.
" Done checking me out?"
Her eyes widened then she pushed me.
" You jerk! Asa ka pa!"
Napatawa naman ako sa reaksyon niya.
" Matagal na akong umaasa."
She stiffened then looked away.
" Stop talking nonsense will you? Just give me the toilet paper then go."
" Ba't ba ang sungit mo?"
" So what? Mind your own business!"
" But you're my business. So, can I mind you?"
Napairap siya at nagdadabog na tinalikuran ako. Di ko na napigilan ang tumawa dahil sa sobrang cute niya.
Nanlaki ang mata ko na sinalo ang lata ng century tuna na binato niya sakin.
Napaka brutal! Muntik nang mabangasan ang gwapo kong mukha.
Sinundan ko siya at nilagay sa push cart niya ang toilet paper. Tiningnan niya lang ako ng masama at nagpatuloy sa paglalakad. Ako naman itong sunod ng sunod sa kaniya.
" What's your problem? Are you following me?"
Salubong na ang kilay niya. Sayang di ko dala ang DSLR ko.
" At ngayon nakatulala ka naman. Are you taking drugs?! You're annoying!"
" What's the use of drugs , tanduay, whiskey and gin kung sayo pa lang ang lakas na ng tama ko."
" May gusto ka ba sakin?!"
" Paano pag sinabi kong matagal na ?"
" Then simulan mo nang tigilan ang nararamdaman mo sakin dahil wala yang silbi at masasaktan ka lang."
" I'm used to it, Olivia. Simula nang minahal kita, nasanay na akong masaktan."
" Kasalanan ko pa?"
" No. Ako ang may kasalanan dahil hindi ko mapigilan ang puso ko na mahalin ka kahit alam kong may mahal ka nang iba. If only I can control my feelings. Na sa isang utos mo lang na tigilan yung nararamdaman ko ay agad na makakalimutan ka nito. Pero wala naman akong balak na turuan ang puso ko na tigilang mahalin ka. Ikaw lang kasi ang nagpapatibok nito na nagpapaalala sakin na buhay ako na gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang. Nasa point na ako na ikaw ang nagiging source of life ko, Olivia."
Tahimik lang siya at napalunok. Hindi niya ako matingnan sa mata.
" Just give up. You're not my type."
Again, nabasag na naman ang puso ko.
BINABASA MO ANG
This Moment Now (COMPLETE ✅)
Teen FictionThis is the story of Draco and Olivia 😊 Read Big Heart Of Mine first 😉🥰