[Draco's POV]
Mahirap iwasan ang taong iniiwasan mo lalo na at isang mundo lang ang ginagalawan niyo. Madalas ko siyang makita sa school but I'm trying my best na hindi kami magkasalubong.
Pero kung minamalas ka nga naman at swerteng mapaglaruan ng tadhana. Dahil tulala lang ako habang naglalakad huli ko na lang nalaman na nasa harap ko na pala siya.
Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Mga limang minuto siguro ang lumipas at ako na ang nag-iwas ng tingin bago siya nilampasan.
"Draco. "
Napahinto ako.
"What do you want? "
Nanatili lang siyang tahimik.
"Don't worry aattend ako sa kasal niyo. After graduation right? Mauna na ko. "
[Olivia's POV]
Pigil ko ang luhang gustong kumawala sa mata ko. Nasasaktan ako pag nakikita kong may kasama siyang babae. Nitong mga nakaraang araw palagi ko siyang nakikitang may kasamang babae. Parang gusto kong hilain ang babae para ako ang hawakan niya sa kamay.
Hindi ko na dapat isipin ang mga bagay na to dahil ikakasal na ako sa taong mahal ko.
Mahal ko pa nga ba?
Biglang nawalan ako ng excitement pag iisipin ko ang kasal namin.
Dibale na, huwag ko na muna masyadong isipin iyon. May paparating pa akong contest.
[Draco's POV]
Naiinis na ako sa presensiya ni Pia at Griffin. Nandon kasi sila kahit saan ako magpunta.
Pinsan ko sa mother side si Pia na isang psychologist. Nagbabakasyon siya ngayon dito at sa bahay siya nagse-stay. Sa America sila nakatira.
Gusto ko munang mapag-isa pero hindi yata yun mangyayari dahil sa ingay ng bangayan nila.
"Kung mag-aaway lang naman kayong dalawa, pwede bang iwanan niyo na lang ako. "
"NO!!! "
"Then ako na lang ang aalis. "
"Sige Draco, hindi na kami magbabangayan nitong ipis na to. Kumain muna tayo. What do you want to eat? Ako na ang oorder. "
" I can handle myself, Pia. Can I ask favor? "
"Spill it. "
"Can you both give me peace of mind? I want to be alone. "
"N-No Draco. I promised tita to look after you. "
"Honestly Pia, Draco? Ginagawa niyo ba to dahil sa tingin niyo may gagawin na naman akong masama sa sarili ko? I can handle myself!!! "
"Pare, concern lang naman kami sayo. "
"I know, but can you trust me this time? "
Hindi na sila nakapagsalita kaya iniwan ko na sila. Dumiretso na lang ako sa gym at humiga.
2 months na lang at ga-graduate na kami. Ibig sabihin 2 months na lang at ikakasal na si Olivia at Zing.
"Draco. "
Napabangon ako nang marinig ko ang boses ni Zing.
"Pare. "
Tumabi siya sakin at mahabang katahimikan ang nangyari.
"Kamusta ka na? "
"Sinungaling ako kung sasabihin ko kung okay lang ako. "
Napabuntong-hininga siya.
"Sorry Draco. I know it's all my fault. Hindi ko talaga gustong pakasalan si Olivia. Nakipagbreak na din sakin si T-Tiny. "
Napasinghot-singhot siya at di nakaligtas sakin ang pagtulo ng luha niya.
"I can't really live without her. "
"It's better to die kung hindi ko naman siya makakasama. "
Napalingon sakin si Zing dahil sa sinabi ko. Umiiling na tinapik niya ko sa balikat.
"Let's stop talking about death. "
Alam ko ang reason kung bakit ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol sa death. Ayaw niyang ma trigger ang active suicidal thoughts ko.
"We're both hurting now. I have plans, Draco. Hope you'll cooperate. "
BINABASA MO ANG
This Moment Now (COMPLETE ✅)
Teen FictionThis is the story of Draco and Olivia 😊 Read Big Heart Of Mine first 😉🥰