Chapter 20 💝

65 7 0
                                    

[Griffin's POV]

Ilang beses na tinawagan ko si Draco pero hindi siya sumasagot. Baka siguro tulog na? Pero alas nuwebe pa lang ng gabi at mostly 12 midnight yun natutulog. Pinarada ko ang sasakyan sa harap ng condo niya at pasipol-sipol na lumabas. Pumasok ako sa condo niya at mukhang nakauwi na siya base na din sa mga gamit niya sa sofa.

"Pare? "

Walang sumagot kaya dumiretso ako sa kusina ngunit wala din akong nadatnan. Baka naman naliligo kaya umupo muna ako sa sofa at naglaro ng wormzone. May amazonang nag install nito sa cp ko at so far I found myself playing it.

10 minutes na ang nakalipas pero hindi pa din siya lumalabas kaya pinihit ko ang doorknob sa kwarto niya at bukas naman ito.

Una kong napansin ang white container na nasa sahig kaya pinulot ko ito at nalamang lalagyan ito ng pain killer. May kabang lumukob sa puso ko kaya mabilis na pumasok ako ng kwarto niya at halos mahimatay ako sa nadatnan ko.

Nakahandusay siya sa sahig at may nakalalat pang gamot sa paligid niya. Bumubula ang bibig niya at kumukulay violet na ang labi niya. Mabilis na sinalat ko ang pulso niya at mahinang-mahina na ang tibok nito.

"Shit!!! Hold on ,Draco! "

Tumawag ako ng ambulance at agad naman silang rumesponde.

Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon habang binibigyan nila ng CPR si Draco. Nakasakay kami sa ambulance at nakikita ko kung gaano na siya kaputla at nagkukulay ube na din ang mga kuko niya.

Salit-salitan na sila sa pagbibigay ng CPR kay Draco. Dumating kami sa hospital at mas naging mabilis ang kilos nila.

"Move the patient! Now! "

Nilipat nila si Draco sa stretcher at napasabunot na lang ako sa buhok ko nang maipasok na siya sa ER.

Shit! Paano pag nahuli ako?! Paano kung mas natagalan pa ako sa pagpunta sa room niya?! God, sana magiging okay lang si Draco.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ano ba ang rason para magawa niya to? Alam kung nakaramdam siya ng sobrang sakit emotionally kaya na trigger na naman ang kalagayan niya.

Baka may malaking problema sila ni Olivia. Tinawagan ko siya pero di niya din sinasagot.






[Olivia's POV]

Aksidenteng nabitawan ko ang basong hawak ko kaya natauhan ako. Kanina pa pala ako nakatulala.

"Anong nangyari, Olivia? "

"Nabitawan ko lang po, Mom. "

"Si nanay Sabeth na ang bahala diyan. Okay ka lang ba? Kagabi ka pa tulala ah? Ang putla mo din."

"O-Okay lang po ako, mom. Pagod lang po at medyo inaantok. "

"Take a rest muna. "

"Okay po. "

Umakyat ako sa kwarto at kasabay ng pagsara ko ng pinto ay siyang pagbuhos ng mga luha ko. Kasalanan ko lahat. Nagpadalos-dalos ako at nagpadala sa selos. Hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag niya at basta na lang ako naghinala.

Sa aming dalawa siya ang mas nasaktan at siya palagi ang umiiyak dahil sakin. I'm not proud of that. I hate myself.

Mahal ko siya at wala nang Zing sa puso ko. Hindi ko siya ginawang rebound dahil siya naman talaga ang mahal ko.

Nakatulog pala ako. Kahit ba inaantok pa, lumabas ako ng kwarto para makakain ng hapunan.

"Gising ka na pala anak. Come and join us. "

Umupo ako at nagsimula ng kumain kahit na wala akong gana.

"Kamusta na siya ngayon,  hon? "- Mom.

"He's stable but until now his heart beats slowly. "- Dad.

"Kawawa namang bata. Intentionally or accidentally ba ang pagka overdose niya? "

"Accidentally daw siguro. Alam naman natin na nong high school pa sila ay may active suicidal thoughts na siya. Baka may nag trigger lang at nagawa niya yun. "

"He looked strong outside yet inside he's very weak. "

"Yeah. Buti na lang daw at nadala siya agad ni Griffin sa hospital. "

Nabaling ang tingin ko sa parents ko.

"Mom? Excuse me. Sino pong nahospital? Ang nag-attempt na mag suicide? "

"Si Draco. "

This Moment Now (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon