[ Draco's POV]
" Pare, pasensya na pala sa sinabi ko nong nalasing ako."
Nandito kami sa locker room at nagpapalit ng PE uniform. Inakbayan ako ni Zing at pabirong sinuntok sa sikmura.
" Okay lang yun. Di mo naman kasi sinabi sakin na may feelings ka pala sa kababata ko. Edi sana nireto ko kayong dalawa."
" Eh ikaw nga kasi ang mahal ni Olivia, Zing at hindi iyang si Draco."
" Ipaglandakan mo pa Griffin! Pakain ko to sayong disc ng Frisbee."
Tinawanan lang nila ako.
" Gagawa ako ng paraan Draco para mabaling ang pansin niya sayo."
" No need, Zing. I have my own ways."
" Iba talaga pag inlababo no?"
" Malalaman mo din pag na in love ka Griffin."
" Hmmp!!! Never! Papasakitin lang niyan ang ulo ko."
Napailing na lang kami sa sagot ni Griffin. Hindi ba niya alam na mahirap kalabanin ang tadhana?
" Everyone! Here's the list ng mga departments na magkakalaban."
• Engineering vs. Photography
• Education vs. BSIT
• HM vs. TourismFinal exam namin ngayon sa PE. May culmination ngayon at Ultimate Frisbee ang lalaruin namin.
" Engineering department, Katipunan, Layahin, Liveria, Maja, Montelibano, Paulino, Ondovilla."
Magkasama kami ni Griffin Montelibano. 2nd batch pa si Zing.
"Photography department, Alvarado, Belleza, De Asis, Dela Cruz, Inones, Hollero, Panes."
" Draco? Sikapin mong huwag ma distract kay Olivia ah? Nakasalalay grado natin dito."
" Hindi ko maipapangako, Griffin."
" Patay tayo diyan."
Napatawa na lang ako sa reaksyon niya. Pumunta na kami sa field. Apat kaming lalaki at tatlong babae. Ganon din sa grupo ni Olivia.
" Right or wrong kayo?" Kaklase ni Olivia habang hawak ang disc. Nakatingin lang ako kay Olivia na panay naman ang irap sakin.
" Wrong side kami."- Griffin.
Tinoss na nila ang disc at kami ang nanalo.
" Doon yung end zone namin sa right side."
Pumwesto na kami sa end zone namin at sa end zone nila kami dapat maka goal.
Tinaas ni Olivia ang disc kaya ako ang nagtaas ng right hand ko above my head at nag start na ang game.
Hinagis ni Olivia ang disc papunta samin at sinikap kong saluin ito.
Nagsipuntahan na kaming lahat sa gitna na tinatawag na Playing Field Proper.
Using the forehand throw, pinasa ko kay Katipunan ang disc at lumipat ako sa harap ni Olivia para mabantayan siya.
" Hindi ko pala alam na ang isang katulad mo interesado sa larong ito."
" Well, hindi mo pa ako kilala."
" Then can I court you para mas makilala natin ang isa't-isa?"
" Dream on!"
Sa isang mabilis na kilos naramdaman ko ang pagdaan ng disc sa pisngi ko at nasalo ni Olivia. Nginisihan niya ako.
" Liveria! Focus on the game!"- Griffin.
" Focus daw, Liveria."
" Yes, Mrs. Liveria."
Sa inis niya bigla niyang hinagis sakin ang disc at natamaan ako sa bewang na siyang ikinangiwi ko.
" Foul!"
Si Olivia ang sumigaw. Ka brutal talaga ng honey ko. Ako yung magre-restart ng game kaya I touched the disc to the ground sabay sabi ng 'disc in'.
Nakabantay si Olivia at mga kaklase niya sakin. Nasa likuran naman ni Olivia si Griffin. Sinenyasan ko si Griffin sa pamamagitan ng mata na lumipat siya sa right side na agad niya namang sinunod.
" I love you, Olivia."
Natulala siya kaya sinamantala ko ang pagkakataong yun and using the backhand throw pinasa ko ang disc kay Ondovilla na agad namang pinasa kay Paulino na nasa end zone ng kalaban kaya naka score kami. Nagsigawan ang department namin.
" You're cheating, Liveria!!!" - Olivia.
" I will never cheat on you, Honey."
Kinindatan ko muna siya bago kami nag change ng court. Paniguradong mag-e-enjoy ako sa larong to. Dahan-dahan kong iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko.
[ A/N:
So yun nga hehe Special participation yung mga kaklase ko dito 😆😍 Thank you sa teacher naming si Ms. Guanzon na matiyagang tinuruan kami ng Ultimate Frisbee kahit na ang titigas ng ulo naming turuan 😆 . Mamimiss ko ang PE dahil ngayong mag thi- third year na ako , wala na daw kaming PE. Anywayssss, enjoy reading my Zingers 😘 I love you all.]
BINABASA MO ANG
This Moment Now (COMPLETE ✅)
Teen FictionThis is the story of Draco and Olivia 😊 Read Big Heart Of Mine first 😉🥰