Chapter 10 💝

51 7 1
                                    

[Draco's POV]

"Ano nang status niyo,  Draco? Seryosohan na ba? "

20 minutes break namin ngayon sa practice kaya nakaupo lang kami ni Griffin. Absent na naman si Zing. Magwa- 1 week na.

"Ewan. Nag-uusap na din naman kami ng matino at malaya na akong iparamdam ang pagmamahal ko sa kaniya. I'm not sure kung sineryoso niya ba ang panliligaw ko o binalewala niya lang. Basta ang importante nakakasama ko siya. "

"Fighting lang pare. Lalambot at lalambot din ang puso ni Olivia sayo. Malay mo may namumuo na siyang feelings para sayo. "

"Hoping. Anyway, may balita ka ba kay Zing? Tayo ang nalalagot kay coach eh."

"Ewan ko nga don eh. 1 week na din siyang absent sa klase. May problema kaya sila ni liit? "

"Puntahan kaya natin mamaya sa bahay nila? "

"Pwede din. "





"Back to practice! "

Bumalik na kami sa gitna.








____________________

"Olivia! "

Kanina ko pa siya sinusundan pero hindi niya ako pinapansin.

"Olivia? May problema ba? "

"No! Please leave me alone. "

"No Olivia! You can't just ignore me. Handa akong makinig sa problema mo. "

Papasok na sana siya sa kotse niya pero hinila ko siya sa siko kaya nahulog ang mga librong dala niya.


"Ano ba Draco? Tingnan mo ang ginawa mo! "

"I'm sorry. Let me help you. "

Tinulungan ko siya sa pagpulot at biglang may nahulog na kulay gold na sobre. Kukunin niya na sana to pero mabilis na pinulot ko to at pinagmasdan.

Tiningnan ko siya at nagtaka ako na ang putla niya parang mahihimatay na.

"What's this? "

"It's none of your business, Draco. Give it to me! "

"Is this a letter from your admirer? "

"No! "

"Then who? Ba't nagpapanic ka? May dapat ba akong malaman? "


Pilit niyang kinukuha sakin ang sobre kaya umatras ako at binuksan ito.

Hinugot ko ang nasa loob at tiningnan ang nakasulat.

Parang tinakasan ako ng lakas at napako sa kinatatayuan. Nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa card at natuyuan na ako ng lalamunan.

"W-What's the meaning of this, Olivia? "

Umiwas siya sa tingin ko.

"Answer me Olivia!!! "

Napapitlag siya at tiningnan ako ng masama.

"Wala kang karapatan na sigawan ako, Draco! Hindi ka ba marunong magbasa? Gamboa and Dela Cruz Wedding nga diba? Ikakasal na kami ni Zing!"

Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko at suminghot-singhot para mapigilan ang pagtulo ng luha ko.


"P-Paano ako? I t-thought you already understand me? A-Akala ko may chance na ako? I thought we're o-okay?"

"Walang tayo, Draco. Alam mo naman na si Zing lang ang mamahalin ko diba?"

"Eh ano yung mga sweet things na pinapakita mo sakin?"

Tumawa siya na parang nang-iinsulto.

"Pinapakita ko lang iyon sayo dahil naaawa ako sayo. You look desperate kaya pinagbigyan kita. You can't replace Zing in my heart, Draco. Gumising ka na sa panaginip mo."

"I feel so stupid, thinking about you all the time when the truth is you're not thinking about me at all. M-Masakit isipin na you meant everything to me, but I meant nothing nothing to you. I don't realky know why I'm still hoping knowing that I can and I will never replace Zing in your heart. Right! Who would love someone like me anyway? Sometimes I wish that I could just fast forward the time, j-just to see if in the end it's all worth it. Seems like I should not expect that I will be your epilogue because in the first place I'm not even your prologue. I r-really love you, Olivia. Sana nga nasa p-panginip na lang ako because in my dreams, you're actually mine. It hurts to know that you will never look at me the way I look at you. I-I'm always here for you, Honey. B-Best wishes."


Wala na akong pake kung nagmumukha na akong batang iyakin sa harap niya. Sobrang bigat at sakit kasi talaga ng nararamdamn ko. Parang hinihiwa at pinipiraso ang puso ko.

Umiiyak na din siya ngayon at tumingkad siya para sana punasan ang mga luha ko pero umatras ako.

"D-Don't. Don't wipe my tears if you're not planning to put smile on my face. I'm not letting you go Olivia but I'm s-setting you free. Pag nakita kong umiyak ka dahil kay Zing , hindi na ako magdadalawang isip na bawiin ka. M-Mahal na mahal kita,  Olivia. Sana maging masaya. "


Hinalikan ko siya sa noo at tinalikuran.
Sh!t!!!  Sobrang sakit! Mas masakit pa to kesa nong hiniwa ko ng kutsilyo ang pulso ko noon. Parang gusto ko na labv humiga sa daan at magpasagasa para hindi ko na maramdaman ang sakit.







________________________________________

💔💔😭😭😭 Kawawa naman si Draco Goku natin 😫

This Moment Now (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon