Chapter 7 💝

54 8 1
                                    

[ Draco's POV]

Dalawang subject na lang at tapos na ang exam namin. Vacant namin ngayon kaya nakatambay lang kami dito sa room.

" Di ba kayo nagugutom?"

Umiling lang silang dalawa.

" Punta muna akong canteen ah? Nagwawala na kasi mga bulate ko."

" Ang sabihin mo patay gutom ka lang talaga!"

" Ipalamon ko tong kamao ko sayo, Zing!"





Nasa canteen ako at nag-order ng spaghetti at iced tea. Hawak ang tray na naghahanap ako ng pwesto.

Kung sinuswerte nga naman ako!

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap niya. Nag-angat siya ng tingin sakin at nagsalubong ang mga kilay.

" Ang dami pa namang pwesto ah?"

" Eh mas gusto ko sa piling mo eh."

" Huwag kang magsimula, Draco."

" That's a first."

" What?"

" Yung tinawag mo name ko."

" Yun lang naman pala. Ang babaw ng kasiyahan mo."

" Pag kasi may kinalaman na sayo nagiging mababaw ang kasiyahan ko. Itong pagtataray mo sakin, nagbibigay to sakin ng saya dahil napapansin mo ko."

" Ewan ko sayo. Kumain ka na nga."

Nagsimula na akong kumain. Busy siya sa hawak na test paper.

" What's that?"

" My notes for the next subject."

" Ilang subject na lang ang exam mo?"

" 3 pa. Hanggang 6 pm kami dito."

" Sino kasama mong umuwi?"

" Ako lang."

" P-Pwede bang ihatid kita?"

" I can handle myself, Draco."

" It's dangerous."

" Mag-iingat ako. Please don't disturb me, nag-aaral pa ako."

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain pero hindi nawala ang ngiti ko dahil first time na nag-usap kami na walang halong sigawan.

" Diba photography kinukuha mo?"

" Yeah"

" Ah, I thought you're into accounting. Like bank loan."

" What? Paano mo nasabi?"

" Because you've got my interest."

Napakunot noo siya at nang malinawan ay agad na pinamulahan siya ng pisngi.

" You're blushing."

Tukso ko sa kaniya.

" I-I'm not!"

Mabilis na kinuha niya ang compact mirror niya.

" Stop denying."

" Mainit lang dito. Huwag kang gumawa ng kwento diyan."

" Alam mo Olivia, ang puso ko parang salamin."

" Wala akong pakialam sa puso mo, Draco."

" Katulad niyang sinabi mo. Kahit ilang beses mo mang basagin. Pag tiningnan mo nandoon ka parin."

" Alam mo namang walang patutunguhan yang nararamdaman mo sakin Draco diba?"

" Eh sa ayaw kong sumuko Olivia eh. Bigyan mo lang ako ng chance na maiparamdam at maipakita ko sayo ang pagmamahal ko."

" Hindi pa ba malinaw sayo na si Zing ang mahal ko at ang lalaking mamahalin ko."

" May girlfriend na siya, Olivia."

" I still love him."

" He doesn't love you but I do."

" Walang sense tong pinag-uusapan natin, Draco. Hindi mo matuturuan ang puso ko na mahalin ka."

" Hindi mo rin matuturuan ang puso ko na magmahal ng iba."

" Paulit-ulit lang tayo, Draco."

Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya sa kamay.

" Ako na lang ang aalis. Sorry if I disturbed you."

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa classroom. Pagbagsak na umupo ako.

" Anong nangyari? Diba dapat masigla ka dahil nakakain ka?"

" Panis yung nakain ko eh."

" Lokohin mo nang lahat huwag lang kami, Draco. Anong nangyari?"

Wala na akong nagawa kundi ang i-kwento sa kanila ang lahat.

" Just take it slowly pare."- Griffin.

" Matututunan na din niyang mahalin. I only love her as a sister kaya never mo akong maging kakompetensiya."





[ A/N: What can you say about this chapter, Zingers???]

This Moment Now (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon